10/06/2023
FACTS ABOUT INC (Iglesia Ni Cristo) ๐ฎ๐น
โข 'One time , tinanong ko yung mama nung kaklase ko.'
Me : Tita bakit ayaw nyo pong mag INC?
Tita : Ayaw namin. Mayayaman kasi ang INC eh , sabi daw 1K daw ang inihahandog sa mga pagsamba. Kaya ang gaganda ng mga kapilya.
Me : Ay hala tita! wala pong ganun sa INC , baka ibang relihiyon po yung tinutukoy nyo.
1. Ang totoo po nyan karamihan po sa mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay dukha at may simpleng pamumuhay lamang. Naghahandog po kamii ayon sa itinuturo sa bibliya na maghandog ayon sa pasya ng aming puso. (II Cor 9:7-8)
โข 'Karamihan naman sa aking iniimbitahan na mag obserba ay ganito naman ang katuwiran'
"Ayoko mag INC , napakadaming ipinagbabawal."
"Ayoko , walang pasko sa inyo diba?"
"Bawal kayo sa dinuguan diba?"
2. Ang totoo po nyan , lahat po ng ipinagbabawal sa INC ay hindi po ipinagbawal ng kung sinuman. Kundi lahat ng ipinagbabawal , ay nakasulat sa bibliya. Bakit madami? dahil kung inyo pong sasaliksikin ang buong bibliya , madami po talagang ipinagbabawal.
โข "Hindi naman ako magiging INC agad kapag pumasok ako sa kapilya diba?"
"Makikinig ako pero it doesn't mean na I'm converting na diba?"
3. Once na magtry po kayo na magsuri , makapakinig at pumasok sa kapilya. Hindi po ibig sabihin nun , INC na po kayo agad or nagpapaconvert kayo agad. Sapagkat ang proseso po sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay may pangunahing 25 doktrina na ituturo at susubukin pa lamang po kayo (nasa sa inyo po ang pasya kung inyo pong ipagpapatuloy at kayo po ay magpapabautismo matapos makapakinig ng mga doktrina). Saka lamang po kayo magiging ganap na kaanib sa Iglesia Ni Cristo kapag kayo po ay nabautismuhan.
credit to its rightful owner.