11/08/2024
'SERBISYO O PAGLILIKOM NG PERA?'
BASAHIN: Dismayado ang kinatawan ng 1-Rider Partylist na si Col. Bonifacio Bosita sa lokal na pamahalaan ng Dasmariñas matapos ang pagkamatay ng isang rider dahil sa hindi makataong ordinansang ipinapatupad sa lugar.
Ayon sa ulat, inilagay sa madilim na bahagi ng kalsada ng towing vehicle ang isang truck at nilagyan ang gulong nito ng clamp.
Sumalpok sa nasabing truck ang motorsiklo ng isang rider dahilan nang pagkamatay nito.
Kinuwestiyon ni Cong. Bosita ang serbisyo ng mga enforcer sa Dasmariñas pati na rin ang pagpapatupad nito ng Batas Trapiko sa kanilang nasasakupan.
Iaakyat ni Cong. Bosita ang nasabing isyu kay DILG Secretary Benhur Abalos upang wala nang madisgrasya pa sa maling paraan ng towing sa Dasmariñas.
Source: COLONEL BOSITA, RSAP | YouTube