The Cavite Rising

The Cavite Rising Fair and reliable journalism for every Caviteño.

LONG WEEKEND ALERT! 🎃👻🧡Idineklarang special non-working holiday ang Oktubre 31, 2025 bilang paghahanda sa All Saints’ Da...
31/10/2025

LONG WEEKEND ALERT! 🎃👻🧡

Idineklarang special non-working holiday ang Oktubre 31, 2025 bilang paghahanda sa All Saints’ Day.

Anuman ang plano ninyo, ingat at mag-enjoy, mga Caviteño!


Taliwas sa kasabihang “hindi nabibili ng pera ang kaligayahan,” isang bagong pag-aaral ang nagsasabing pera nga ay may k...
30/10/2025

Taliwas sa kasabihang “hindi nabibili ng pera ang kaligayahan,” isang bagong pag-aaral ang nagsasabing pera nga ay may kinalaman sa pagiging masaya ng tao.

Batay sa pag-aaral na “The Expanding Class Divide in Happiness in the United States, 1972–2016,” lumabas na mas masaya at mas panatag ang mga taong may college degree kumpara sa mga walang natapos.

Ayon sa may-akdang si Jean Twenge, dahil sa laki ng agwat ng mayayaman at mahihirap, marami na ngayon ang naniniwalang “kailangan mong umasenso para maging masaya.” Ipinakita rin ng ibang survey na mas kontento sa buhay ang mga mayayamang tao kumpara sa karamihan.

Source: Jean Twenge via The Washington Post


May pa-iced coffee at dessert pa 'yan siya 😏💸
30/10/2025

May pa-iced coffee at dessert pa 'yan siya 😏💸


Inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban kina Senador J...
29/10/2025

Inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban kina Senador Joel Villanueva, Senador Jinggoy Estrada, mga dating mambabatas na sina Zaldy Co at Mitch Cajayon-Uy, DPWH Usec. Roberto Bernardo, at dating COA Commissioner Mario Lipana kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nila sa flood control scandal.

Ayon kay ICI Chair Andres Reyes Jr., posibleng sangkot ang mga ito sa plunder, bribery, at korupsyon sa ilalim ng Revised Penal Code at Anti-Graft Law. Lumabas sa imbestigasyon na may 25–30% kickback umano sa mga flood control projects, kung saan ina-advance ng kontratista ang “SOP” upang matiyak ang proyekto.

Source:GMA News


Kwinestyon ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) for the West Philippine Sea, ang mga...
29/10/2025

Kwinestyon ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) for the West Philippine Sea, ang mga sources umano ni Cavite 4th district Representative, Kiko Barzaga.

Ito ay matapos na hilingin ni Barzaga ang pagbuwag sa PCG matapos mag-akusa ng katiwalian umano sa loob ng ahensya at magsabi na ang mga aksyon umano ng PCG ay maaring magdulot ng World War III.

“Ang statement ni Congressman Barzaga, di ko alam kung we should really give some weight on it kasi alam naman natin, he has a pending ethics case sa Congress and maingay lang siya talaga sa social media,” sabi ni Tarriela sa isang interview sa One PH's Sa Totoo Lang.

Source: ONE News / Facebook


Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng Amihan season sa bansa kahapon, Oktubre 27.Asahan ang malamig na si...
28/10/2025

Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng Amihan season sa bansa kahapon, Oktubre 27.

Asahan ang malamig na simoy ng hangin at unti-unting pagbaba ng temperatura sa mga susunod na araw.


SOON TO RISE: ATENEO DE CAVITE UNIVERSITY TINGNAN: Pinirmahan na ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Ateneo De Man...
27/10/2025

SOON TO RISE: ATENEO DE CAVITE UNIVERSITY

TINGNAN: Pinirmahan na ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Ateneo De Manila University at GT Capital Holdings, Inc. noong October 24, 2025 para sa bagong Ateneo campus na itatayo sa Riverpark sa General Trias City, Cavite na may laking 15-hectares.

“Ateneo’s presence in Riverpark not only strengthens the educational landscape of Cavite but also uplifts the lives of the communities we serve,” ayon kay Mr. Alfred Ty, Vice Chairman ng GT Capital Holdings, Inc.

Source: Ateneo De Manila University / Website


BASAHIN: Patuloy na iniimbestigahan ng National Privacy Commission o NPC ang mga hinihinalang Data Breach sa G-XChange, ...
27/10/2025

BASAHIN: Patuloy na iniimbestigahan ng National Privacy Commission o NPC ang mga hinihinalang Data Breach sa G-XChange, Inc. (Gcash).

Patuloy na pinag-iingat ang mga gumagamit ng gcash app at palaging —monitor ang mga accounts.

Source: National Privacy Commission / Facebook


OMBUDSMAN REMULLA, CANCER-FREE NAKinumpirma ng Office of the Ombudsman na cancer-free na si Ombudsman Jesus Crispin Remu...
27/10/2025

OMBUDSMAN REMULLA, CANCER-FREE NA

Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na cancer-free na si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa loob ng isa’t kalahating taon.

Ayon sa pahayag ng ahensya, nasa mabuting kalusugan si Remulla at patuloy na tinutupad ang kanyang tungkulin, lalo na ang pangakong papanagutin sa batas ang mga sangkot sa flood control scandal.

Source: ABS CBN News


Ibinunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na siya ay na-diagnose na may leukemia matapos sumailalim sa quintuple bypa...
26/10/2025

Ibinunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na siya ay na-diagnose na may leukemia matapos sumailalim sa quintuple bypass heart surgery noong 2023.

Inamin ni Remulla na natuklasan ang sakit habang siya ay nagsisilbi bilang kalihim ng Department of Justice. Sumailalim umano siya sa dalawang cycle ng chemotherapy, total body radiation, at bone marrow transplant, kung saan dugo ng kanyang anak ang ginamit para sa kanyang paggaling.

Ayon kay Remulla, maganda na ang kanyang kalagayan ngayon at maayos ang resulta ng gamutan. Ito ang unang pagkakataong ibinahagi niya sa publiko ang kanyang laban sa leukemia.

Source: Inquirer


BREAKING: Naglabas ng minor phreatic at dalawang minor phreatomagmatic na pagputok ang bulkang Taal ngayong araw pasado ...
26/10/2025

BREAKING: Naglabas ng minor phreatic at dalawang minor phreatomagmatic na pagputok ang bulkang Taal ngayong araw pasado alas-8 ng umaga ayon sa PHIVOLCS.

Isinalilalim sa alert level 1 ang bulkan at patuloy na pinag-iingat ang mga resident sa nasabing lugar.

Source: PHIVOLCS-DOST / Facebook


Muling nanaig si Filipino double Olympic gold medalist Carlos Yulo matapos masungkit ang gold medal sa men’s vault final...
25/10/2025

Muling nanaig si Filipino double Olympic gold medalist Carlos Yulo matapos masungkit ang gold medal sa men’s vault finals ng 53rd FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Indonesia ngayong araw.

Nakamit ni Yulo ang imposibong iskor na 14.866 puntos, habang pumangalawa si Artur Davtyan ng Armenia na may 14.833 puntos. Nakamit naman ni Nazar Chepurnyi ng Ukraine ang bronze medal matapos makapagtala ng 14.483 puntos.

📷: International Gymnastics Federation - FIG/Facebook


Address

Cavite
4100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Cavite Rising posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Cavite Rising:

Share