18/11/2025
Huwag mong hayaang maging aral ng isang lalaki ang sakit mo. Hindi mo tungkulin turuan siyang magmahal.”
May mga lalaki na akala mo matapang…
Pero sa totoo, duwag.
Duwag harapin ang sariling emosyon,
duwag aminin na may mali sa kanya.
Yung tipong kapag nagrereklamo,
para bang may utang sa kanya ang buong mundo.
Lahat ng bagay, problema niya.
At kapag gusto mong mag-usap
ayun,
nagiging argumento,
nagiging away,
nagiging laban na parang gusto niyang patunayan
na lagi siyang tama.
Kahit gusto mo lang naman maramdaman na naririnig ka.
Pero imbes na yakapin ka,
binabato ka ng salita.
Imbes na unawain ka,
inuunahan ka ng galit.
At ‘yung mga maliliit na bagay
yung simpleng lambing, simpleng tanong,
nagiging dahilan para sumabog lahat.
Kasi hindi niya alam paano magpigil,
hindi niya alam paano makinig,
at hindi niya alam paano magmahal ng may malasakit.
Wala siyang empathy,
walang self-awareness.
At sa isip niya, siya ang pinakamatalino sa kwarto.
Pero ang totoo?
Hindi ‘yon confidence.
‘Yan ay insecurity na tinakpan ng kontrol.
Kaya kapag minahal mo ang ganitong lalaki,
maubos ka.
Hindi dahil sobra kang magmahal
kundi dahil palagi kang hindi nakikita.
Parang lagi kang sumisigaw sa tahimik na kwarto,
na ikaw lang ang nakakarinig sa sarili mo.
Hanggang dumating ‘yung araw na
mararamdaman mong wala na palang halaga ang emosyon mo.
Na sa dami ng binigay mong effort,
wala namang bumabalik na pag-intindi.
At sa puntong ‘yon,
kailangan mong sabihin sa sarili mo:
“Ang pag-ibig na totoo ay hindi dapat parang leksyon kung paano magmahal.”
Hindi mo kailangang ituro sa kanya kung paano umunawa,
kung paano makinig,
kung paano magpatawad,
kung paano magmahal.
Dahil ang tunay na relasyon,
hindi mo kailangang ipaglaban mag-isa.
Dapat pareho kayong lumalaban,
pareho kayong nagdarasal,
pareho kayong marunong magpakumbaba.
parero kayong nagpapayuhan at tumatanggap ng pagkakamali na ito ay haram na ito ay halal.
Kasi kung siya, hindi kayang i-handle ang emosyon niya
paano pa niya iintindihin ang sayo?
Sa Islam, tinuruan tayo ng Allah ng rahmah o (awa) at hilm o (pagpapasensya).
Pero hindi ibig sabihin nito ay manatili ka sa relasyon
na ginagawang laruan ang damdamin mo.
Ang tunay na lalaki
ang qawwam,
hindi lang nagbibigay ng tirahan at pagkain,
kundi nagbibigay ng kapanatagan.
Ang boses niya, hindi panakot;
ang presensya niya, hindi pasakit.
Siya ay gabay hindi pabigat.
At kung minsan,
Ang Allah mismo ang gumigiba ng relasyon
para mailigtas ka sa maling pagmamahal.
Ang pag-ibig ay hindi dapat nakakapagod.
Hindi dapat pakiramdam mo,
ikaw lang ang lumalaban habang siya ay nanonood.
Ang totoo,
hindi mo kailangang “maging sapat” sa taong ayaw kang makita.
Dahil kung siya ay itinakda ng Allah para sa’yo
hindi mo kailangang sumigaw para marinig.
Mararamdaman mo na lang,
na tahimik niyang iniingatan ang puso mo.
゚viralfbreelsfypシ゚viral