Boy and Bebs Vlog

Boy and Bebs Vlog Hello Welcome to our Vlog

01/09/2025
30/08/2025
30/08/2025

Nagsalita ngayon ang Kapuso comedy star na si Pokwang matapos kumalat ang isang pekeng post na ginagamit ang kanyang pangalan para idawit sa anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Sa isang post noong Agosto 25, ipinakita ni Pokwang ang screenshot ng fake account na nagpapanggap na siya, kung saan nakasaad ang malisyosong komento tungkol sa anak ng mag-asawa.

Mariin itong itinanggi ng aktres at iginiit na “FAKE NEWS”, sabay babala sa mga gumagawa at nagpapakalat ng kasinungalingan sa social media: “You will get karma for your behaviors!”

Dagdag pa ni Pokwang, hindi niya kailanman tinawag si Pauleen ng “Ma’am” at mas lalong hindi siya magpapahayag ng ganoong kabastusan.

Usap-usapan tuloy ng netizens, Sobra na ba ang pagkalat ng fake news at pekeng accounts sa social media?

30/08/2025
30/08/2025
30/08/2025

‎Karen Davila, Nanawagan ng Kurakot Shaming laban sa mga tiwaling opisyal

‎Nanindigan si veteran journalist Karen Davila na panahon na upang simulan ang tinatawag niyang Kurakot Shaming o hayagang paglantad at pagpapahiya sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

‎Ayon kay Davila, mali na ang nakagisnang kultura kung saan ang mga kurakot ay hinahangaan at kinaiinggitan pa dahil sa kanilang marangyang pamumuhay. Giit niya, hindi dapat gawing inspirasyon ang mga nagtatamasa ng yaman mula sa iligal na paraan, bagkus ay kailangan silang ikahiya at papanagutin.

‎Dapat hindi na iniidolo ang mga mayaman na galing sa korapsyon. Sa halip, sila ang dapat ilantad at ipakita sa publiko bilang ehemplo ng maling gawain, pahayag ni Davila.

‎Dagdag pa niya, bukod sa kahihiyan ay nararapat ding makulong ang mga tiwaling opisyal upang magsilbing babala at aral sa iba. Aniya, oras na para baguhin ang pananaw ng lipunan—na ang pagiging kurakot ay hindi dapat ituring na tagumpay, kundi kasalanan na dapat pagbayaran.

30/08/2025

Sa mga nagdaang araw, ibinahagi ng aktres na si Bianca Umali ang isang makabuluhang pahayag na umantig sa damdamin ng marami.

Ayon kay Bianca, mas madalas siyang ngumiti nitong mga araw na ito hindi dahil sa anumang bagay, kundi dahil sa kapayapaan na kanyang natagpuan.

Siguro dahil sa simoy ng dagat, sa tunog ng alon, at sa init ng araw na humahaplos sa balat, ani Bianca. Ngunit higit pa roon, kanyang napagtanto na ang tunay na peace ay matatagpuan kapag natuto kang sumabay sa agos ng buhay kasama ang mga taas at baba, katahimikan at kaguluhan.

Dagdag pa niya, Ngayon magaang ang puso ko, malaya ang isip, at buo ang kaluluwa.

Bilang huling mensahe, nag-iwan siya ng inspirasyon para sa kanyang mga tagahanga. Ang hiling ko, sana matagpuan ninyo rin ang sarili ninyong kapayapaan sa tamang oras at sa sariling paraan.

30/08/2025

Isang 34-anyos na lalaki ang muling nakakakita matapos operahan sa The Medical City. Natuklasan na may tumor sa kanyang utak na pumipisil sa ugat ng mata kaya siya nawalan ng paningin. Sa pamamagitan ng makabagong operasyon na ginawa sa bandang kilay, matagumpay na natanggal ang tumor at bumalik ang kanyang paningin.

‎Ayon sa The Medical City, patunay ito na kaya nilang magbigay ng world-class na gamutan dito mismo sa Pilipinas. Dahil sa advanced training at karanasan ng kanilang mga doktor, nagagamit nila ang mga makabagong teknik mula sa ibang bansa para sa mas maganda at ligtas na resulta para sa mga pasyente.

30/08/2025

Naglabas ng matinding pahayag si Matag-ob, Leyte Mayor Bernie Tacoy laban sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at kay Representative Richard Gomez hinggil sa mga proyektong imprastruktura sa kanilang bayan.

Ayon kay Tacoy, karamihan sa mga proyekto ng DPWH ay kulang sa maayos na koordinasyon at hindi dumaan sa konsultasyon sa lokal na pamahalaan. Binanggit pa ng alkalde na kahit halos tapos na ang ilan sa mga proyekto, agad umano itong bumagsak at nasayang ang pondo. Aniya, malinaw na ang mga proyektong ito ay galing sa pondo ng kongresista ng ika-apat na distrito ng Leyte, si Richard Gomez.

Samantala, nang hingan ng tugon si Congressman Gomez sa akusasyon ng alkalde, mariin nitong itinanggi ang alegasyon at iginiit na bahagi lamang umano ito ng “media spin” laban sa kanya. Binuweltahan pa niya ang ilang mamamahayag na aniya’y nakikisangkot sa pagpapakalat ng negatibong isyu na hindi naman patas na inilalabas sa publiko.

30/08/2025

HINDI AKO DAPAT ITURING NA AKUSADO!

Ito ang naging pahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay ng panawagang humarap siya bilang testigo sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa umano’y iregularidad sa mga flood control projects.

Ayon kay Magalong, bukas siyang dumalo sa pagdinig kung siya ay opisyal na ipatatawag, ngunit binigyang-diin niyang hindi siya dapat tratuhing parang akusado.

30/08/2025

Address

Gilotongan
Cawayan
5409

Telephone

+639268200419

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Boy and Bebs Vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share