Pilipinas Today Davao

Pilipinas Today Davao Balitang Pilipinas, Balita Today

Mga Ka-PT, 98 days before Christmas na! Malapit na ang panahon ng parol, Christmas lights, at kapitbahay na may speaker ...
18/09/2026

Mga Ka-PT, 98 days before Christmas na! Malapit na ang panahon ng parol, Christmas lights, at kapitbahay na may speaker na parang may sariling concert venue. 🔊🎄😂




Panginoong Hesus, protektahan Mo kami. Amen.
18/09/2026

Panginoong Hesus, protektahan Mo kami. Amen.



CONFLICT-OF-INTEREST VS. 8 FORMER, INCUMBENT SOLONS, RERESOLBAHIN NA NG OMBUDSMANJUST IN: Inanunsiyo ni Assistant Ombuds...
18/09/2026

CONFLICT-OF-INTEREST VS. 8 FORMER, INCUMBENT SOLONS, RERESOLBAHIN NA NG OMBUDSMAN

JUST IN: Inanunsiyo ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na naisumite na “for resolution” ang reklamong conflict-of-interest laban sa mga tinaguriang “congtratista” na kinabibilangan nina former Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Tarlac 2nd District Rep. Cristy Angeles, Surigao del Sur Gov. Johnny Pimentel, Benguet Rep. Eric Yap, at ang nagbitiw na ACT-CIS representative na si Edvic Yap.

Ang apat na personalidad ay inuugnay din sa multi-bilyong pisong flood control scam, ayon pa kay Clavano.

Samantala, sinabi rin ni Clavano na hinihintay pa ng Office of the Ombudsman ang pagsusumite ng counter affidavit ni CWS Congressman Edwin Gardiola, Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco ‘Lalo’ Matugas at kanyang anak na si dating Congressman Francisco ‘Bingo’ Matugas kaugnay sa reklamong malversation at conflict of interest na inihain laban sa kanila na may kaugnayan din sa maanomalyang infrastructure projects.






MAYOR BASTE, NATANGGAP NA SUBPOENA NG IMPEACHMENT COURTKinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na natanggap na ng opisina ...
18/09/2026

MAYOR BASTE, NATANGGAP NA SUBPOENA NG IMPEACHMENT COURT

Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na natanggap na ng opisina ni Davao City Mayor Sebastian 'Baste' Duterte ngayong Biyernes, Setyembre 18, ang subpoena mula sa Senate impeachment court.

Sa hiling ng prosekusyon, pinapaharap sa impeachment trial ang alkalde upang tumestigo sa susunod na linggo sa pagpapatuloy ng paglilitis sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte sa alegasyon ng unexplained wealth.



Kasabay ng paggunita sa World Clean and Green Week, pinaalalahanan ni Senator Loren Legarda ang publiko sa kahalagahan n...
18/09/2026

Kasabay ng paggunita sa World Clean and Green Week, pinaalalahanan ni Senator Loren Legarda ang publiko sa kahalagahan ng tamang paghihiwa-hiwalay, pagre-recycle, at pagtatapon ng basura.

“Ngayong World Clean and Green Week, isabuhay natin ang responsableng pagbubukod at pagtatapon ng basura,” sabi ni Legarda, nagsulong ng Ecological Solid Waste Management Act, Clean Air Act, Climate Change Act, Green Jobs Act, ENIPAS Act, Extended Producer Responsibility Act, at People’s Survival Fund.

“Sa simpleng pagkilos ng bawat isa, makatutulong tayo sa mas malinis, mas luntian, at mas matatag na mga komunidad,” dagdag pa ni Legarda.



Ayon kay House prosecution spokesperson-adviser at former congressman Robert Ace Barbers, mahalagang punto mula sa mga d...
18/09/2026

Ayon kay House prosecution spokesperson-adviser at former congressman Robert Ace Barbers, mahalagang punto mula sa mga dating miyembro ng Supreme Court (SC) na lumahok bilang amici curiae sa pagtalakay sa impeachment voting threshold ang pagbabatay ng desisyon sa fairness at justice.

Giit ni Barbers, dapat isaalang-alang ang patas at makatarungang proseso sa magiging desisyon ng mga senator-judges sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa dating mambabatas, mahirap umanong sabihing patas ang pagboto ng isang absentee senator-judge para sa conviction o acquittal kung hindi naman nito nakita, narinig at nasuri ang mga ebidensyang iniharap sa impeachment trial.

Aniya, parehong naaangkop ang usapin sa conviction at acquittal dahil dapat nakabatay sa aktuwal na pagdinig at pagsusuri sa ebidensya ang magiging desisyon.






OPEN-DOOR POLICY SA KAMARA, IPINATUTUPAD NI SPEAKER DYIpinagmamalaki ni House Speaker Faustino ‘Bojie’ Dy III kung paano...
18/09/2026

OPEN-DOOR POLICY SA KAMARA, IPINATUTUPAD NI SPEAKER DY

Ipinagmamalaki ni House Speaker Faustino ‘Bojie’ Dy III kung paano nagsilbing inspirasyon at gabay sa kanyang political career ang kanyang ama na si dating Isabela governor Faustino Dy.

Bitbit ng House Speaker sa kanyang pamumuno sa mahigit 300 kongresista ang mga pangaral ng kanyang ama, kaya naman ngayon, sa kauna-unahang pagkakataon ay binuksan niya sa publiko ang Batasan Pambansa Complex sa Quezon City para tanggapin ang sinuman mula sa kahit ano mang sektor, sa ilalim ng kanyang open-door policy.

“Kailangan naman ganun; public servant tayo, eh. Kailangang accessible. Importante ‘yung mapakinggan natin ‘yung daing ng ating mga kababayan,” sabi ni Speaker Dy.




Ayon sa kanila, bukod sa usapin ng voting threshold, binigyang-diin din ng apat na dating mahistrado ng Supreme Court (S...
18/09/2026

Ayon sa kanila, bukod sa usapin ng voting threshold, binigyang-diin din ng apat na dating mahistrado ng Supreme Court (SC), na nagsilbing amici curiae sa Senate impeachment court, ang kahalagahan ng patas at makatarungang pagdedesisyon sa kaso.

Sa pagharap nina retired SC Chief Justices Reynato Puno, Artemio Panganiban, Hilario Davide Jr. at retired SC Associate Justice Adolfo Azcuna, naglahad ang mga ito ng kani-kanilang legal na pananaw sa voting threshold at iba pang usaping may kaugnayan sa impeachment proceedings.

Ayon kay Barbers, dapat nakabatay ang boto ng senator-judges sa mga ebidensyang kanilang narinig, nakita at nasuri.

Hindi aniya magiging patas ang paghatol kung boboto ang isang senator-judge na hindi dumalo sa proceedings at walang sapat na kaalaman sa mga ebidensyang iniharap.

Para naman kay Abante, kahit ituring ang impeachment bilang isang political exercise, dapat pa ring tiyakin na may fairness at justice sa proseso at maayos na napahahalagahan ang mga ebidensya bago gumawa ng desisyon.







GVN OWNER NG NAMAR!L SA S. COTOBATO SCHOOL, KAWANI NG GOBYERNO - JONVICNEWS UPDATE: Sinabi ni Department of Interior and...
18/09/2026

GVN OWNER NG NAMAR!L SA S. COTOBATO SCHOOL, KAWANI NG GOBYERNO - JONVIC

NEWS UPDATE: Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na ang may-ari diumano ng b@ril na ginamit ng estudyante sa sho*ting incident sa loob ng Banga National High School sa South Cotabato ngayong Biyernes, Setyembre 18 ng hapon ay pag-aari ng isang opisyal ng local Disaster Risk Reduction and Management Office.

“His father is an employee of the LGU. He is the disaster risk officer. It appears that the gun belongs to him,” pahayag ni Remulla.

Umabot na sa anim ang bilang ng mga estudyanteng nas@wi habang 17 iba pa ang sugatan sa insidente, ayon naman sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).





Sinabi ni OTS Administrator Undersecretary Gilberto DC Cruz na diskubre ang shabu nang isalang ang maliit na lalagyan ng...
18/09/2026

Sinabi ni OTS Administrator Undersecretary Gilberto DC Cruz na diskubre ang shabu nang isalang ang maliit na lalagyan ng suspek sa routine security screening procedure.

Pasakay na sana ang suspek sa Cebu Pacific Flight No. 5J 953 nang arestuhin ng mga tauhan ng OTS at PDEA sa tulong ng K9 na nagsagawa rin ng panelling sa kanyang mga bitbit na gamit.

“PDEA officers subsequently conducted a K9 panelling on the said suspected prohibited drugs. Upon testing, the substance was confirmed to be positive for Methamphetamine or commonly known as shabu, a dangerous drug prohibited under Republic Act No. 9165,” ayon kay Cruz. (Photo courtesy of Office for Transportation Security)





Address

Cebu City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilipinas Today Davao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share