
21/07/2025
(PART 6) ayaw sa AKIN ng ANAK ng boss ko? đłđ°đŁ đ
Amberâs POV
âSay it directly, baby. Please, say it.â
I did nothing but to stay silent for a couple of seconds. Parang umiinit na naman ang nararamdaman ko at hindi ko iyon magawang ipaliwanag. Hindi ko magawang ipaliwanag ang tunay kong nararamdaman sa sandaling ito.
Itutuloy ko pa ba? Itutuloy ko pa ba ang sasabihin ko?
Panigurado akong kapag ginawa ko ito ay tuluyan nang magbabago ang takbo ng buhay ko. Panigurado akong kapag sinabi ko na sa kaniya ang totoo ay tiyak na gagawa siya ng paghakbang at alam kong tuluyan na namang magbabago ang landas ko pagkatapos nâon.
âIââ napahinto ako at humugot na lang ng malalim na hininga.
I took enough courage to express and tell him what I felt right now.
Sana ay hindi ako magsisisi pagkatapos nito. Sana tama itong ginagawa ko.
âF*ck, Amber. Say it! Pinaghihintay mo ako nang matagal. Say it baby, please.â Mabilis na sambit nito habang bakas sa kaniyang boses ang matinding pagkabagot.
Mula sa kaniyang mga mata ay umiwas ako ng atensyon sa kaniya. I put my vision in front of this car. Ang daan na binabalot ng street lights ang siyang bumungad sa aking atensyon. Alas syete pa naman ng gabi kaya marami pa ang mga sasakyang narito sa daan.
âHindi si Levi ang gusto ko, Luke! Hindi siya ang type ko,â mahina pa ang aking boses dahil pakiramdam ko na kapag nilakasan ko ang aking boses ay mas lalo lang akong mahihiya..
Huminto ako sa pagsasalita. Hindi rin naman siya nagbitaw ng anumang katatagan na alam kong hinhintay rin niya ang susunod kong sasabihin sa sandaling ito.
Humugot muli ako ng malalim na hininga.
âNevermind, Luke. Huwag mo nang isipin ang sinabi ko,â nagpakawala ako ng malalim na hininga saka bumaling sa kaniyang mga mata.
Hindi ko kayang sabihin at ngayon ko lang napagtantong hindi pala tama itong ginagawa ko.
Sa ginawa ko ngayon ay nagmukha pa akong naghahabol sa kaniya.
Babae ako!
Ako ang babae kaya dapat hindi ko ito ginagawa. Kung sakaling ako ang magsasabi sa kaniya ng totoo ay pinapalabas ko lang na ako itong interesado sa kaniya and no way!
Siya ang lalaki kaya dapat siya ang unang lilikha ng galaw tungkol sa mga bagay na iyon.
âI like you too, Amber.â Mabilis na sambit nito sa akin dahilan upang bumulog ang aking mga mata.
Akmang iiwasan ko na sana siya nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Parang matinding epekto ang mga katatagan na iyon sa aking tainga dahilan upang muntik na akong mabingi dahil sa mga salitang iyon.
âWâwhat?â tanong ko sa kaniya.
Binalingan ko siya ng tingin. Sa sandaling ito ay hindi na pala siya nakatuon sa akin kaya kahit papaano ay nagkakaroon ako ng pagkakataon na makita ang kaniyang mga mata.
He is serious and I am pretty sure of it. Pansin na pansin ko pa kung paano gumalaw ang lalagukan nito na alam kong siyang tanging hudyat ng paglunok nito ng sarili laway.
Umigting ang kaniyang panga nang marinig ang muling tanong ko sa kaniya.
Nasanay na akong magtatanong lalo na kapag hindi ako sigurado sa naririnig ko.
His voice earlier is not that loud at gusto kong siguraduhin kung tama ba ako ng naririnig.
âIâll say it once, baby.â Bumaling na siya sa aking mga mata. Ako itong unang umiwas sa kaniyang mga tingin.
âLook at my eyes,â muling sambit nito habang nakatuon pa rin ang mga tingin ko sa kaniyang dibdib at hind isa kaniyang mukha.
Hindi ko kaagad sinunod ang utos niya kaya siya na mismo ang humawak sa aking panga para hawiin ang mukha ko paangat sa kaniyang atensyon.
âI feel f*cking jealous every time I saw you with Levi. Naiinis ako kapag nakikita kong nasa ibang tao ang atensyon mo and I want to see you every second of my time. Iyon rin ba ang nararamdaman mo para sa akin?â sambit nito, nakahawak pa rin ang kamay nito sa aking panga habang ang mga mata namin ay seryosong nagkakatinginan sa isaâtâisa.
Dammit! Ano ang sasabihin ko?
Sabi ko na nga ba at tuluyan nang magbabago ang takbo ng aking mundo kung sakaling ipagpapatuloy ko pa ito.
Hindi ako makagalaw mula sa kinauupuan ko ngayon. I just keep on looking at his eyes habang siya ay nakatuon na sa aking mga mata.
âLuke. Kâkailan pa?â tanong ko sa kaniya lalo pa at hindi ko naman iyon naramdaman.
Kailanman ay hindi ko ramdam na may gusto siya sa akin. Tanging pinaparamdam lang niya sa akin ay siya ang boss ko at dapat kong sundin ang anumang mga utos niya. Ni hindi niya pinaparamdam sa akin na espesyal ako para sa kaniya.
Hindi siya sumagot sa halip ay umiwas siyang muli sa akin. âHindi ko alam,â mabilis na wika nito.
âKung ganoon. Paano na ang usapan natin? Lâluke, alam mo namang hindi tayo pwede sa isaââ
âAnong hindi, Amber? Dahil impleyado lang kita at sobrang baba ng pagkatao mo kompara sa akin?â tanong nito sa akin.
Iyon nga ang ibig kong sabihin.
Alam kong kahit na sino man ang titingin sa aming sitwasyon ay mapapasabi talagang hindi kami pwede sa isaâtâisa. Mahirap lang ako habang siya ay sobrang tayog ng pagkatao niya.
âBakit, totoo naman hindi ba?â tanong ko sa kaniya.
Sa sandaling ito ay napatigil siya.
Hindi ko alam ngunit untiâunti kong naramdaman ang kakaiba mula sa kaniyang mga tingin. Nagtagal pa ng ilang segundo ang pagtingin nito sa aking mga mata hanggang sa mapansin ko ang untiâunting pagbaba ng kaniyang mga mata sa patungo sa aking labi.
Napalunok siya ng sariling laway habang nakatitig sa nanunuyo kong labi. He poured his lips with his own saliva at ilang segundon rin siyang nakatitig roon saka bumaling muli sa aking mga mata.
âHindi naman namimili ang pag-ibig. Mahirap man o mayaman.â Mahina ang pagkakasambit niya sa mga katatagan na iyon.
Taliwas sa kaniyang mga binitawang katatagan ay naninibago lang ako nang kunti. Hindi naman siya ganito dati. Ang kilala kong Luke ay masungit at mayabang. Madalas ko nga siyang nasasampal sa tuwing nagkakasama kami dahil sa kayabangan niya pero ngayon ay hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang naging sweet na parang ewan.
Totoo ba talaga itong sinasabi niya o baka paraan lang niya para mauto ako?
Hindi tuloy ako makapaniwala lalo pa at hindi naman ako sanay na ganito siya kung makatungo sa akin.
âBakit ngayon lang?â tanong ko sa kaniyaa habang pansin na pansin mula sa aking noo ang pagkunot.
Kaagad siyang natahimik sa tanong ko na iyon sa hindi ko malaman na dahilan.
âAnong ngayon lang?â tanong nito pabalik sa akin.
âNgayon mo lang naipagtapat sa akin. Hindi ka naman ganito dati. Ni isang beses ay hindi ka nagpakita ng motibo tungkol na nararamdaman mo.â
Marami akong naging tanong sa kaniya at gusto kong sagutin niya ang bawat tanong na bibitawan ko. Ngayong gabi ko aalamin ang lahat. Ngayong gabi ko bibigyan ng sagot ang mga tanong na matagal nang nakakubli sa aking puso at isipan.
âHindi mo napansin o sadyang hindi mo lang naramdaman dahil manhid ka? Siguro hindi mo lang naramdaman ang paraan ko sa pagkagusto ng isang babae, tama ba ako ng sinasabi? Hmmm,â seryosong wika pa nito sa akin.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Muli ay napatingin ako sa malawak na kalsada.
Ngayong nangyari na ang gusto kong mangyari ay hindi ko na alam pa kung ano na naman ang naghihintay na pangyayari sa susunod.
âSo this will be the end of everything?â tanong nito sa akin.
âEnd of what?â
âSa pagpapanggap.â Mahinang sambit nito sa akin.
Hindi ako sumagot sa halip ay tahimik lang akong nakaiwas ng tingin sa kaniya.
I will avoid his looks as for now dahil hindi pa ako sanay na makita ang mga mata niya. Hindi naman ito ang unang beses na magkatitigan kami ngunit ngayong may aminan na nagaganap ay parang tuluyan nang nagbago ang tingin ko sa kaniya.
Ang dating Luke Montemayor na kilala ko ay tuluyan nang nagbago. Kung dati ay boss ang tingin ko sa kaniya ay ngayon hindi ko na alam.
Humugot ako ng malalim na hininga, hindi ko alam kung nakailang hugot na ako ng hininga sa gabing ito. Iyon lang naman ang tanging paraan ko para mailabas ko ang emosyong namumuo sa aking puso.
âThen whatâs next?â tanong ko sa kaniya.
Kung ganoon ay ano na ang susunod. Kung tapos na ang pagpapanggap namin ay ibig bang sabihin tapos na rin ang usapan namin?
âDonât worry, babayaran ko naman ang naging utang ko sa âyo.â Mabilis kong sambit. Nang puma*ok sa kaisipan ko ang mga bagay na binigay niya sa akin ay kaagad kong hinugot ang pitaka ko saka marahang kinuha roon ang credit card na binigay niya sa akin noong nakaraang linggo.
I look at his eyes. Nakatingin lang siya sa aking kamay na ngayon ay hawak na ang credit card na binigay niya.
Marahan kong inilahad sa kaniyang harapan ang card na iyon. Ni hindi siya bumaling sa aking mga mata sa halip ay nanatili lang itong nakatitig sa aking kamay. âIto ang card na binigay mo sa akin noong nakaraang linggo. Huwag kang magâalala, hindi ko ginamit iyan ni piso kaya wala kaââ
Napahinto ako sa pagsasalita.
Kasabay ng paghinto ko ng pagsambit ay ang pagbitaw ko sa card na hawak ko. Mabilis niyang hinawakan ang aking palapulsuhan dahilan upang mabitawan ko nang tuluyan ang card na hawak ko saka hinila ako papalapit sa kaniya.
Sa kaniyang dibdib ko nabagsak ang aking kamay.
Muling nagkatama ang aming mga mata. Ilang pulgada na lang ang layo ng aming mga tingin sa sandaling ito. Ni amoy na amoy ko ang panlalaki niyang perfume at ang mainit na hininga na binubuga niya sa tuwing nagbibitaw siya ng hininga.
âIba ang gusto kong maging kabayaran, Amber. Hindi pera o kahit na anong materyal na bagay. Hindi ko rin hiningi pabalik ang credit card na binigay ko sa âyo.â Mahina ang kaniyang boses ngunit malinaw na malinaw naman sa akin ang bawat detalye ng katatagang binitawan niya.
Nakailang beses ako ng lunok sa sarili kong laway dahil sa mga katatagang binibitawan niya ngayong gabi.
Talagang kakaiba ang inaasta niya ngayon. Ni hindi ko alam kung anong klaseng tao ba talaga ang kilala kong Luke Montemayor. Ang Luke ba na nakilala ko sa una pa lang o ang Luke na kasama ko ngayon sa loob nitong kotse.
âAno ang ibig mong sabihin, Luke?â nanginginig ang akin boses nang tanugin siya.
Hindi siya nagsalita sa halip ay napapikit na lang ako.
The sudden kiss from him is what surprised me. Ang kaninang nanunuyo kong mga labi ay tuluyan nang nabahiran ng mamasaâmasang presensya ng kaniyang laway.
He kissed me without any furtherâaâdo. Sa pagkakaalam ko ay ito ang tatlong beses na pilit niya akong hinalikan ngunit kakaiba na ang halik na ito.
Sa sandaling ito ay kakaiba na..
Kung dati ay umiiwas ako at sinasampal siya ngunit ngayon ay hindi ko alam kung bakit hindi ko na magawa pa ang umiwas sa kaniya.
Malakas na rin ang tibok ng aking puso at ramdam na ramdam ko iyon.
Naging malalim ang paghahalikan naming iyon. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang mapahawak lang sa kaniya leeg habang nakapikit ang aking mga mata ay ninanamnam ang bawat paghalik nito.
Mabilis siyang bumitaw. Pansin ko pa ang paghahabol ng hininga ni Luke nang bumitaw siya at bumaling sa aking atensyon.
âKiss back, Amber. Dammit, baby, ayaw mo pa rin? Anong klaseng halik ba ang gusto mo?â tanong kaagad nito sa akin lalo na nang mapansin niyang hindi naman ako kumikibo sa bawat paghalik niyang iyon.
âTell me, anong klaseng halik ba ang pagpapainit sa âyo. I am so f*cking obsessed with you baby and I cââ
Pansin na pansin ko ang mabilis na pagtigil niya sa pagsasalita.
Napahinto siya nang mabilis akong gumalaw at ako na rin mismo ang humalik pabalik sa kaniyang labi.
Hindi ko alam ngunit bigla na lang uminit ang aking katawan.
Ito ba?
Ito ba ang pakiramdam ng pagiging inlove?
*LIKE, COMMENT, AND SHARE!!!