
10/12/2022
๐๐๐๐ฃ๐ค ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐๐ฃ๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐
๐ค๐จ๐ ๐๐๐ฏ๐๐ก ๐๐ฎ ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ โ๐ง๐๐๐ฃ๐๐๐ง๐ฃ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃโ ๐ฅ๐๐ก๐ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐ ๐๐ฅ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐๐จ๐ช๐ ๐ง๐๐จ๐ฉ๐ค?
Ilang mga awtor ang naglahad ng pagsusuri tungkol sa paralelismo o pagkakatulad ng buhay ni Jose Rizal at Hesukristo. Ang paniniwala, karanasan, at sakripisyo para sa kapwa ang naging batayan sa paghahambing ng kanilang buhay dito sa mundo.
Binanggit ni Maria Stella Valdez sa kanyang akdang isinulat na pinamagatang โDr. Jose Rizal and the Writing of His Storyโ ang pagpipinta ni Coates (1968) kay Rizal bilang isang pambihira, pinakamataas, at halos malagpasan ang taglay na katangiang naglalarawan sa isang tao sapagkat mag-isang itinaguyod at pinukaw ni Rizal ang โnational consciousnessโ ng bawat Pilipino.
๐๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ ๐๐๐ ๐๐ฉ ๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐ช๐ฉ๐ช๐ ๐ค๐ฎ ๐จ๐ ๐๐๐ฏ๐๐ก ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐จ๐ฉ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐ช๐ข๐๐ฃ๐๐๐ ๐ค ๐ฝ๐ง๐ค๐ฌ๐ฃ ๐พ๐๐ง๐๐จ๐ฉ?
Ayon sa sanaysay ni Enrique Francia (2021), mayroong grupo ng mga pinunong magsasaka ng mga kilusang milenyal na binibigyang-kahulugan si Rizal bilang ang Tagalog or Kayumangging Kristo na ipinadala mula sa langit upang palayain ang mga mamamayan mula sa kolonyalismo at ang kahambugan ng โeliteโ na uring komprador na nangingibabaw sa Gobyerno ng Pilipinas.
Sinipi ni Francia (2021) sa kanyang sanaysay ang pahayag ni Reynaldo Ileto (1979) na maraming Pilipino ang dumagsa sa bangkay ni Rizal at isinawsaw ang kanilang mga panyo sa kanyang dugo upang lumikha ng anting-anting na pinaniniwalaan nilang magbibigay sa kanila ng lakas at pwersa sa pakikipaglaban. Ang animistikong paniniwala ng kanyang mga kababayan na si Rizal ay nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan ang pinaniniwalaan na nagsisilbing pinagkukunan ng lakas ng militar.
๐ผ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐ข๐๐จ๐ข๐ค ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐จ๐๐ข๐๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐ช๐ฃ๐ค ๐๐ฎ ๐ข๐๐ฎ ๐ข๐๐ก๐๐ก๐๐ข ๐ฃ๐ ๐ ๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ ๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐ ๐๐ฉ ๐ฉ๐ง๐๐๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค.
Hindi lingid sa ating kaalaman na noong sinaunang panahon, bago ang panahong kolonyal, ang karaniwang konsepto ng Diyos ay naiimpluwensyahan ng kultura. Ibinahagi ni Palmo Iya sa kanyang sanaysay ang pagsisiyasat ni F. Landa Jocano (1998) sa ibaโt ibang grupong etniko mula Luzon hanggang Mindanao na nagpapakita ng isang karaniwang hulmahan tungkol sa unang konsepto ng mga Pilipino sa Diyos โ Bathala para sa mga Tagalog, Laon o Abba para sa mga Bisaya, Kabunian para sa mga Ilokano, anitos o mga ninunong lumisan na na itinuturing bilang pangalawang Diyos sa lupa. Naniniwala si Jocano (1998) na sa kabila ng kolonisasyon, napanatili pa rin ng mga Pilipino ang kanilang pagkakakilanlan at pananaw. Kung kayaโt ang pagtanaw kay Rizal bilang Kristo ay nakabatay sa kung ano ang makabuluhan sa mata ng mga mananampalatayang Pilipino, nangangatwiran ito na malaking bahagi ang kultura sa pag impluwensya sa pananaw ng isang tao.
๐๐ช๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฎ ๐ฅ๐ค๐จ๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฏ๐๐ก ๐๐ฎ โ๐ง๐๐๐ฃ๐๐๐ง๐ฃ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃโ ๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐ช๐ ๐ง๐๐จ๐ฉ๐ค, ๐ฉ๐๐ฎ๐ค ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐๐จ๐๐๐ช๐ง๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ข๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฏ๐๐ก ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฃ๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐๐ก๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ง๐ช๐ฃ๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ฉ๐ฌ๐๐ง๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ฃ ๐ก๐๐ก๐ค ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ ๐จ๐๐ ๐ง๐๐ฅ๐๐จ๐ฎ๐ค ๐จ๐ ๐ ๐๐ฃ๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐๐ฎ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค.
๐๐ ๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง:
๐ต๐๐๐๐๐๐, ๐ด. ๐. (๐ท๐ฟ๐ฟ๐ฝ). ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐-๐ฐ๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ต๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ข ๐๐ ๐ท๐๐ ๐๐'๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐๐.
๐ต. ๐ป๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐๐. (๐ท๐ฟ๐ฟ๐พ). ๐ต๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ข: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐. ๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฒ๐๐๐ข: ๐ฟ๐๐ฝ๐ป๐ฐ๐ณ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐, ๐ธ๐๐. ๐๐. ๐ท๐พ๐น-๐ท๐พ๐ป.
๐ธ๐ข๐, ๐ฟ๐๐๐๐ ๐. (๐ธ๐ถ๐ท๐ธ). ๐น๐๐๐ ๐๐๐ก ๐ฐ๐: ๐๐๐ ๐ผ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐. ๐ณ๐ ๐ป๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ข - ๐ณ๐๐๐๐๐๐รฑ๐๐.
๐
๐๐๐๐๐ฃ, ๐ผ. ๐. ๐. (๐ธ๐ถ๐ถ๐ฝ). ๐ณ๐. ๐น๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐ ๐๐๐๐๐ข. ๐๐๐ก ๐ฑ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ธ๐๐.
๐ฟ๐ฐ๐ฐ๐ป๐ฐ๐ป๐ฐ: ๐ฒ๐๐๐ข๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐ถ๐ฝ ๐๐ ๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐ข๐๐๐๐๐ ๐ฐ๐๐ ๐ท๐ฟ๐ฝ๐ผ. ๐ฐ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ "๐๐๐๐ ๐๐๐" ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐ผ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ข๐๐ ๐๐ ๐๐ข๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐ถ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
--------------------------------------------------
Kung nais mong magtaas ng komento o tanong tungkol sa simpleng nilalaman na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng seksyon ng komento, pribadong mensahe o marahil sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa ๐ง๐๐ฏ๐๐ก๐ข๐ช๐ก๐ฉ๐๐ซ๐๐ง๐จ๐@๐๐ข๐๐๐ก.๐๐ค๐ข upang direktang makipag-ugnayan sa nagbahagi ng impormasyon tungkol sa post na ito.
-๐๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ฅ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ช๐ด๐ต๐ณ๐ข๐ฅ๐ฐ