11/08/2026
"BIGLA AKO NA BLOCK PAGKATAPOS KO MAGPADALA NG 500K.. anak ng pu@ #$&ππππ"
hello..Aaminin ko, hindi ako kagwapuhan. Lahat ng naka-chat ko dati, okay sa umpisa pero pag nag-video call na⦠yun na ang huli. Biglang naglalaho, parang bula. Kaya nung nakilala ko siya, ibang-iba yung pakiramdam. Mahinhin siyang magsalita, parang bawat salita may lambing. Single mom daw, iniwan ng tatay ng anak niya. Pero imbes na makita ko siya bilang problema, nakita ko siya bilang taong dapat mahalin at alagaan. Araw-araw kaming magka-chat, kahit nasa barko ako. Kahit pagod at antok na ako, hihintayin ko pa rin siyang mag-online. Hindi siya yung tipong demanding. In fact, mas siya pa yung laging nag-aalala kung kumain na ako o kung kumusta biyahe namin.
unang taon namin, nanghiram siya ng 150K. Pambili raw ng gamot at pambayad ng hospital bill ng anak. Siyempre nagdalawang-isip ako, pero dahil may trust na ako, pinadala ko. Hindi naman ako nagkamali noon ..
"binayaran niya kahit paunti-unti. Kaya mas naniwala ako na totoo siya."
Hanggang dumating yung huling buwan bago ako magbakasyon, may bigla raw na emergency. Sobrang laki ng utang na kailangang bayaran agad at may hospital bill pa.
"Halos 500K lahat. Sabi niya, huling beses na daw ito at ibabalik din pag nakaluwag."
Hindi ko alam kung sobrang in love lang ako o bulag na talaga. Iniisip ko, kung nagawa niyang bayaran yung 150K dati, kaya din niya itong 500K. Kaya kahit kinakabahan, pinadala ko lahat.
Pero isang araw, nag-message ako
βseenβ lang. Kinabukasan, wala na yung profile niya. Messenger? BOOM blocked.π pati number hindi na macontact.
Para akong binuhusan ng yelo sa gitna ng dagat. Ang sakit kasi hindi lang pera yung nawala, kundi tiwala, oras, at yung parte ng sarili kong buong-buo kong ibinigay sa kanya. At mas mabigat paβ¦
"yung paniniwala ko na baka sa wakas, may taong tatanggap sa akin kahit hindi ako perpekto."
minsan na nga magmahal palpak pa...
π¬ LADYKNIGHT SAYS: masakit matalo sa pag-ibig, pero mas masakit maloko ng taong inakala mong laban mo sa lahat. Hindi lahat ng mahinhin, mabait. Yung iba, marunong lang magtahi ng kwento para matahi rin yung bulsa mo. π