Simple Nanay

Simple Nanay Simple Nanay
(2)

Dear anak, Gusto ko lang malaman mo na proud ako sayo may honor man o wala . Naitawid natin ang isang taon, doon palang ...
17/04/2025

Dear anak,
Gusto ko lang malaman mo na proud ako sayo may honor man o wala . Naitawid natin ang isang taon, doon palang panalo na tayo! Love you nak.



゚viralシfypシ゚viralシalシ

17/04/2025

Blessed Maundy Thursday Everyone
Let's grow together ❤️
Auto followback ❤️❤️

End of School Year na. 24/7 ka ng nasa bahay — yung akala nyong 'simple' malaking bagay yan sa magulang nyo o kung sinum...
17/04/2025

End of School Year na. 24/7 ka ng nasa bahay — yung akala nyong 'simple' malaking bagay yan sa magulang nyo o kung sinumang kasama nyo sa bahay.

Kung talagang mahal nyo ang mga magulang nyo, o may malasakit manlang, hindi nyo kailangan ma-pressure na yumaman agad thinking na dun lang kayo makabawi sa parents nyo. By giving gifts, by treating them or bringing them to nice places. Kasi as early as now, you can do something bigger ❤️

1. KAPAG NAKITA NYONG WALA NG LAMAN NG PITSEL SA REF, LAGYAN NYO NA NG TUBIG. Kayo man o hindi ang umubos ng tubig, magpakita kayo ng konting malakasakit sa susunod na mauuhaw.

2. KAPAG NAKITA NYONG MALINIS NA ANG LABABO AT PINGGAN NYO NALANG ANG ILALAGAY NYO, HUGASAN NYO NA. Simpleng disiplina sa sarili na babaunin nyo hanggang pag tanda.

3. MAG WALIS AT MAG LAMPASO NG KUSA. Ang kagandahan/kagwapuhan nakikita yan hindi lang sa mukha. Naka foundation ka nga, puro naman alikabok cabinet nyo. Naka porma ka nga, nang gigitata naman sahig nyo.

4. MAG LABA NG SARILING DAMIT. Kung may extra care kayo, isama nyo narin yung laundry ng kapatid nyo. Ano ba yung ilang oras na ilalaan mo sa isang araw para mag laba. Di ka naman daily mag gaganyan.

5. MAG TIPID SA PAGKAIN. Kung di naman gutom talaga at kakakain lang, tantanan muna magpabili ng kung anu ano. Ngayon palang makaka ahon at makakapag tabi kahit konti yung mga nagpapaaral sainyo. Bukas makalawa, enrollment nanaman. Pag pahingahin nyo muna sila mag isip, mag budget.

6. BAWASAN ANG PAGKABADTRIP SA MGA UTOS.
Hindi dahil bakasyon na eh palaging “me time.” Minsan 'yung pagsunod sa simpleng utos — tulad ng pagbili ng s**a, pagpatay ng ilaw, o pagbitbit ng labada — malaking tulong na yun sa mga magulang nyo na pagod na rin sa buong araw.

7. MAGSIMULA NG KUSA, HINDI SA UTOS LANG.
Hindi laging kailangan may nagsasabi para gumalaw. Kapag may nakita kang kalat, pulutin mo. Kapag may upuan na hindi nakabalik sa pwesto, ayusin mo. Kadalasan, sa simpleng kusa na ‘yan mas nararamdaman ang respeto at pagmamahal.

8. I-APPRECIATE ANG MGA MALILIIT NA BAGAY.
Kapag may nilutong pagkain, sabihing “ang sarap po.” Kapag sinabihan kang “mag-ingat,” huwag isnabin. Yung simpleng ‘thank you’ at ‘love you’ kahit minsan lang — pampagaan na 'yan ng pakiramdam nila.

Yung simpleng pag alok ng tubig, pag aayos ng hinigaan, pag tanong kung "kumain ka na ba", yung uwi galing sa trabaho yung parents mo na malinis ang uuwiang bahay galing sa nakakapagod na paghahanap buhay AY NAPAKALAKING BAGAY NA SAKANILA.

Oo, pagod din kayo sa isang taon na pag aaral. Ngayon lang makakabawi ng tulog at pahinga sa kabi kabilang school activities — but a little help sa parents nyo won't cost you anything much naman. Do it. 😌

Sa mga parents, relatives, grand parents na nagpapaaral — Congratulations! We made another year successful! Naigapang, naitawid ang isang taong baon araw araw, pamasahe, pang project, stress at kung anu ano pa. 😌❤️ Mag pahinga rin kayo. Kasi bukas makalawa, enrollment na ulit. 😅

Ang pagmamahal sa pamilya, hindi palaging kailangang engrande o mamahalin. Minsan, ang mga simpleng bagay na ginagawa ng may malasakit at kusa — 'yan ang tunay na s**atan ng pagiging responsable at mapagmahal.
Ngayong bakasyon, hindi lang pahinga ang i-prioritize. Gamitin din ito para matutong maging mas mabuting anak, kapatid, at kasama sa bahay.

Hindi kailangan ng malaking bagay para makabawi.

16/04/2025

Ang pinaka magandang parte ng ating buhay bilang mga nanay ay ang makita natin na lumalaking mabubuting tao ang ating mga anak. ❤️❤️





16/04/2025

Good Day To Be A Dog ❤️❤️

Ang Martes Santo ay paggunita sa mga pangaral ni Hesus sa templo, kung saan ibinahagi Niya ang mahahalagang aral tungkol...
16/04/2025

Ang Martes Santo ay paggunita sa mga pangaral ni Hesus sa templo, kung saan ibinahagi Niya ang mahahalagang aral tungkol sa pananampalataya, katapatan, at paghahanda sa kaharian ng Diyos.

Ngayong Holy Tuesday, pagnilayan natin ang Kanyang mga salita at sikaping isabuhay ang tunay na pananampalataya sa gitna ng mga hamon ng buhay.

16/04/2025



FOLLOWERS AND STAR SENDER ⭐⭐⭐

❤️❤️
15/04/2025

❤️❤️

2 more days before Spring break.❤️❤️❤️

I found this great deal on Lazada! Check it out! Product Name:  ASSORTED  PRINTED DRIFIT SHORTS FOR KIDS 3-8 YEARS OLDPr...
07/02/2025

I found this great deal on Lazada! Check it out!
Product Name: ASSORTED PRINTED DRIFIT SHORTS FOR KIDS 3-8 YEARS OLD
Product Price: ₱45
Discount Price: ₱26

Nyareee BESHY KO 🤸🤸
23/08/2023

Nyareee BESHY KO 🤸🤸

19/04/2023

Pagkatapos mong manganak, na-reliaze ko na sa mata ng lipunan, bilang nanay bawal kang:

- Magreklamo (sino ba nagsabing mag-anak ka?)

- Umiyak (bakit ka umiiyak? kala mo ba madali lang?

- Mapagod para sa ano? (wala ka naman ginagawa!)

- Matulog (tamad ka!)

- Magpahinga (marami kang panahon magpahinga kapag malalaki na sila)

-Mabuntis ulit (baliw ka ba? ilang anak pa ba ang gusto mo?)

- Magresign sa trabaho (paano mo susuportahan anak mo?)

- Magtrabaho (sino mag-aalaga sa anak mo?)

- Magkaroon ng yaya (huwag mo hayaan ibang tao magpalaki sa anak mo!)

- Maging housewife (kawawa naman asawa mo. Nagpapakapagod sa trabaho tapos nasa bahay ka lang!)

- Maging single (walang papatol sa babaeng may anak na)

- Lumabas para magsaya (bakit mo iiwan anak mo sa lola niya para magparty ka?)

Alam mo kung anong mas malala?

90% ng nagsasabi nito kapwa rin natin babae.

Matuto tayong suportahan ang isa’t isa. Tao lang rin ako at mahal ko ang mga anak ko pero may mga panahon na naguguilty ako sa mga nararamdaman ko.
Ctto.

Dagdag pa natin:
Pag nag aayos (feeling dalaga, unahin mo anak mo)

CTTO

Address

Cebu City

Telephone

+639504571757

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Simple Nanay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share