07/02/2025
A friendly reminder to my lovely couple:
BAKIT KAILANGAN MONG PILIING MABUTI YUNG MGA WEDDING GUESTS NINYO? 🤔
Importante para sa mga soon-to-weds na piliin mabuti yung magiging mga bisita nila kasi malaki ang epekto nito sa budget, experience, at overall wedding atmosphere.
📌 1. Budget – Bawat bisita ay may katumbas na gastos (food, seats, giveaways, invitations, etc.). Kung masyadong marami ang wedding guests, possible na lagpas lagpas kayo sa budget o ma-sacrifice yung quality ng wedding.
📌 2. Meaningful Celebration – Ang kasal ay hindi lang basta gathering, isa itong special moment na mas masarap i-share sa mga taong mahalaga sa buhay ng couple. Mas meaningful ang wedding if you're surrounded by people who genuinely care.
📌 3. Avoid Stress & Drama – Hindi lahat ng tao sa paligid natin ay supportive sa happiness ninyo as a couple. And you don't have to invite everyone sa kasal ninyo. Kasi ang pag-invite natin sa mga toxic o hindi naman talaga ka-close ay pwedeng magcause ng awkwardness o unnecessary drama sa wedding day ninyo.
📌 4. Quality over Quantity – Mas okay pa na magkaroon ng mas kaunting bisita pero solid ang bonding ninyo kaysa sa malaking crowd na hindi mo naman talaga ka-close, or worse, hindi mo man lang kakilala (ehem...kakilala lang ng parents...ehem!✌️)
📌 5. Good Vibes na Wedding Atmosphere – Kapag napili mong mabuti yung wedding guests ninyo, mas relaxed at mas na-eenjoy mo ang bawat moment. Hindi mo kailangang mag-alala sa mga guests na hindi kayang irespeto ang pagiging solemn ng wedding ninyo, demanding, judgmental (sa lasa ng food sa rceeption), o kaya naman feeling main character pa.
Remember na ang kasal ay tungkol sa couple at sa pagmamahalan nila. Hindi ito para sa kung sino-sino na dapat i-please.