Y. SIA

Y. SIA Write to express, not to impress.

07/07/2025

Hello, good noon 😊
Wala munang update today.
Rest muna si ako 😇😇
Enjoy Monday!! 😉

Chapter 22 (Part 2): WARNING ⚠️  STEALING IS A CRIME || DO NOT COPY ‼️ MORNING came... As expected ay late ng nagising s...
06/07/2025

Chapter 22 (Part 2): WARNING ⚠️ STEALING IS A CRIME || DO NOT COPY ‼️

MORNING came...
As expected ay late ng nagising si Mia. Kung hindi lang dahil sa tirik na tirik na araw na tumama sa mukha niya ay hindi siya magigising. Nag-iinat siya ng mga braso niya at makailang beses na humikab. Inamoy niya ang kaniyang bibig at napangiwi nalang dahil sa baho no'n.

"It's good that you're awake now." Ang baritonong boses ni Alexus ay siyang dahilan kung bakit napapadilat siya. Ano naman ang ginagawa nito sa silid niya? Hindi ba't sabi nito ay ayaw siyang makita?

Tumayo ito at iniwanan ang magazine na binabasa nito. Malamig siya nitong tiningnan. "Breakfast was set in the dining table, you don't have to go out. Eat them."

Kanina pa kaya ito sa kuwarto niya? Goodness, don't overthink Mia. "Salamat." Simple niyang sagot dito. It's totally awkward situation.

He grimaced and strictly showered her gazes. "I'll be gone for a week. You can do whatever you want here, or even wander outside but make sure to come home before dark strikes." Now, alam na niya kung bakit ito nandito. Sasabihin lang pala na aalis ito. Sa paninitig nito ay pakiramdam ni Mia ay matutunaw siya ng wala sa oras.

Saan naman kaya ito pupunta?

"Okay," ilang segundo pa siya nitong tiningnan bago nilisan ang kaniyang silid. There was an urge to ask him about his errands but she thought she doesn't have the rights to ask. Iba ngayon, kaya hindi siya aakto kagaya ng dati. Kailangan niyang limitahan ang sarili para hindi ma-offend sa kaniya si Alexus dahil sa una ay siya naman talaga ang ayaw ng sayad sa trabaho.

---
"King, the chess pieces of Alexus's side left the hotel." Pagpapahayag ng isa sa mga maaasahan na pawn sa kabilang panig habang nakatingin sa monitor.

Ilang araw din silang naka-manman sa magihing kalaban nila. Kahit na hindi pa nagsisimula ang laro at bukas pa ito gaganapin. Pang-isahang linggo ang laro at dapat sa loob ng isang linggo ay malaman na kung sino ang panalo.

"And it seems like totoo 'yung natanggap natin sa intel ni Atticus na opisyal na ngang hiwalay si Alexus at si Denise." Dagdag nito habang nakatayo sa likuran ng Hari sa kanilang panig.

"Will there be a new Queen?" Seryosong tanong ng Hari. The Queen is the most sensitive and fragile piece but one among the powerful and major piece na sagradong binabantayan ng bawat kuponan kaya't isa rin ito sa mga mahihirap pabagsakin.

"I'm not certain, pero sa isang party may ibang babaeng kasama si Alexus. Sa tingin ko ay hindi lang ito isang karaniwan na babae dahil hindi hamak na mas maganda at magalang ito kay Denise." Pagsisiwalat ng alagad sa kaniyang nalalaman. Ang alagad na ito ay kilala bilang si Bass. Isang former assassin at magaling sa english pakikipagbakbakan. He can kill a person without being noticed at parang isang hangin lang ang kilos. Isa sa mga kakayahan nito na gustong-gusto makuha ng iba pang Mafia leaders.

"Hmm... You said, Alexus left the place with his chess pieces. Wala siyang kasama na Reyna?" Nakakapagtaka naman kasi. Sa pagkakakilala ni Zamora kay Alexus ay hindi nito iniiwan ang Reyna niya. Ito mismo ang nangangalaga sa babaeng kabiyak. Pero ngayon na lumabas ito kasama ang iba, posibleng wala itong Reyna. Subalit, hindi naman tatakbo ang laro kung kulang ang kabilang kuponan.

"Yes, King. Wala siyang kasama."

Napahawak sa kaniyang bigote si Zamora at mataman na pinagmamasdan ang mga kahiy na nasusunog sa fire place niya. Animo'y nag-iisip. "Tiningnan mo ba ang affiliate board na ipinasa ng Soul Reaper? Kompleto ba sila?"

"Yes, King. Kompleto sila."

Tila nag-iiwan ng matinding pala-isipan kay Zamora ang walang kapake-pakealam na paglabas ni Alexus sa kaniya. May Reyna ang mga ito, pero walang makakapagsabi kung sino. "How was him in the entire week? May napansin ka ba na makakapag-turo sa Reyna niya?" Hindi pwedeng hindi niya alam kung sino ang Reyna nito dahil panigurado siya na kagaya ng ginagawa niya ngayon ay inaalam rin nito ang Reyna niya. Dapat niya itong maunahan, at isa sa mga pagkakataong ito ang dapat niyang tini-take advantage dahil umalis si Alexus.

Importante na malaman nila kung sino ang Reyna dahil kung hindi, may kakayahan itong isa-isa silang ligawin at patumabahin. Maliban nalang kung hindi ito marunong maglaro.

"Yesterday and recently, he went out to see Samantha Herrera. They were very intimate until they went to her unit." He knows Samantha Herrera, anak ito ng isa sa mga opisyales ng Frances. Ni kahit siya ay hindi kayang ma-date ang babae dahil sa mataas ang standards nito. "Sumunod naman niyang kinita ay si Katrina Valentine, anak ng kasalukoyang namumuno sa Europe." Talagang nililito siya ni Alexus dahil ang mga babaeng dini-date nito ay hindi pang-karaniwan. Dahilan ng pagkaka-irita niya.

"Wala na bang iba?" Sa kaniyang pagtatanong ay lumipad ang pintuan pabukas. Iniluluwa no'n ang isa sa kaniyang rook na si Saint. "Bakit ka naparito, rook?"

Hinihingal ito na napapatuko sa tuhod, dugoan ang mukha at braso nito. "King, may problema tayo."

Kumunot ang noo ni Zamora. "What problem?"

"Si Mina, natagpuan siyang nagaagaw-buhay sa parking lot ng Mayari Hotel." Nadadarang na napatayo sa kaniyang kinauupuan si Zamora. Si Mina ay anak ng ka-alyado niyang bishop na si Max. Hindi pa gano'n ka-tibay ang samahan nila at pinagbibigyan lang siya nito sa kaniyang hiling dahil sa may utang na loob ito sa kaniya.

Pero tiyak na ka-kalas ito bilang bishop niya dahil sa nangyari. Nadamay ang pamilya nito na siyang sinigurado niya no'ng una na hindi magalaw. Pero nangyari ang hindi niya inaasahan. Sugatan din si Saint na inutosan niyang magbantay dito.

Naikuyom niya ang kaniyang k**ao sa pinaghalong iritasyon at galit. Nagtagis ang kaniyang mga ngipin at naging matalim ang mga paningin. "Who did that to you? Sino sa chess pieces ni Alexus ang gumawa niyan sa'yo?"

"His pawn, Xerxes." Kagaya ng kaniyang inaasahan ay marahas niyang sinipa ang mababasagin na lamesa, kasama na ang mamahaling wine at baso.

"Damn it!" Hindi pa nga nagsisimula ang laro naisahan na siya nito. Target nito ang looban ng kaniyang kuponan.

"Pero may alam akong solusyon, King."

Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Zamora nang binalingan niya si Saint.
"What the f**k is that?"

Umayos sa kaniyang pagkakatayo si Saint at masinsinan na tiningnan si Zamora. "To attack his Queen and I know who she is."

---
Soul Reaper is the name of Alexus's group. Just like them, each group was composed of eighteen characters which will run the game in turmoil. Chaos to be specific.

In the Mafia Institute to where Alexus belong, there were no stable God who rules the entire society. The said institute isn't a matter of kingdom or a country that needs a king or a president to maneuver the said population.

In this Institute the basis of power was all about a matter of winning statuses over games. Power means money, strong security, mindset and game statuses. Sa dami ng panalo ni Alexus kasama ng kaniyang mga kaibigan ay hindi na rin yata mabilang ang mga taong napatay nila para lang maka-checkmate. Gladly, wala pa namang namatay sa kanila, napurohan meron at nag-aagaw buhay pero sabi nga, mahirap patayin ang masamang damo, lalo na't mautak.

They left Mia alone for a purpose. And Alexus was certain that someone would come to grab the opportunity of his absence. In fact, hindi pa naman talaga Queen si Mia. He didn't acknowledge her as one. Dahil mahirap rin kung masali pa ito sa gulo which was his initial purpose before.

Kinuha niya si Mia dati para kay Denise, and now that Denise cheated on him, Mia has nothing to do to deal such danger.

Mia has been visualize to everyone as his wife. Sooner or later, kahit anong iwas niya ay hahabulin pa rin talaga ito ng mga taong gusto siyang talunin. In others eyes, si Mia ay Queen niya. Lalo pa't itinapon na niya si Denise. Nagagamit niya rin naman ang pagkakataong ito para maipagpatuloy ang laro. Though, he was waiting for the right timing para mahuli ang gustong manakit dito. He's not doing this because he felt something for Mia. It's because of responsibility. If he couldn't protect her, then he'll just good for nothing.

Each members from his side was deployed as discussed. May kaniya-kaniya itong naka-atas na utos. In least than one hour, his phone rang.

"F**k you, Monteiro!" A vicious smile appear beneath his lips.

"Oh thank you, Maxwell."

---

A/N: ka muntikan ko na nga pong malimutan na e post. Sorry po. Goodnight!! 💗💗

06/07/2025

Good morning, everyone! 😊
Update po ako mamaya, hindi na lang ako mag tell kung anong oras baka hindi ko ma post 😅😅
Have a blessed Sunday po! 😇😇

Chapter 22 (Part 1): Warning ⚠️ STEALING IS A CRIME || DO NOT COPY ‼️ Unang dinala ng mga kaibigan ni Alexus si Mia sa E...
04/07/2025

Chapter 22 (Part 1): Warning ⚠️ STEALING IS A CRIME || DO NOT COPY ‼️

Unang dinala ng mga kaibigan ni Alexus si Mia sa Eiffel tower, kagaya ng mga ginagawa ng mga turista ay inikot-ikot nila ang park. Kumuha ng maraming litrato. Naghahabulan at nagtatawanan. Mia is like a princess of seventeen men surrounded by her. Hindi lang 'yun, they treated her like a princess.

"Hey, Mia. Gusto mo ng ice cream?" Tanong ni Reden.

Napalingon si Mia sa iba, "Kapag gusto nila, gusto ko rin." Hindi pa naman siya gano'n ka unfair para hindi isipin ang iba nilang kasama. At ang iba ay sumang-ayon naman kaagad. Ang mukha ni Reden ay parang pinagsakluban ng lupa dahil sa dami pa naman nila.

"Libre ni Reden! Grab na ang grasya!"

"We want ice cream too, buddy!" -Leon

"Vanilla ice cream for me!" -Ian

Pati si Phoenix na hindi fan ng ice cream ay napapataas ng k**ay at sinabing, "May magnum ba dito? Para sulit naman ang libre." Humalukipkip din pagkatapos. Basta libre ang pag-uusapan ay magbo-boluntaryo kaagad silang lahat dahil minsan lang naman sa kanila ang manlilibre. Pareho kasi silang kuripot kahit na sa kabila ng yaman nila ay napapasaya sila ng mga maliliit na libre.

Gano'n din si Iuhence na pangti-trip lang malakas. "I want strawberry flavored ice cream." Dahil sa sinabi nito ay kaagad na napalingon ang lahat dito na may gross na emosyon sa mukha.

"Ang sagwa mo, strawberry talaga?" Sita ni Z at naiiling.

"Lewd." Pag-sang ayon ni Jeff na tila nandidiri din. Same din ng iba na hindi tipo ang strawberry. Kasi para sa kanila ay pangbabaeng flavor lang 'yun.

Kumunot ang noo ni Iuhence, "Ano bang masama sa strawberry? Ignorante niyo naman." Anggil nito at pinagbabatukan ang nasa malapit na kaibigan. Pero gumanti naman ang mga ito at mukha na silang siraulo sa harap ng madla. Samantalang si Mia ay natatawa nalang sa kanila bago naunang lumapit kay Reden.

"Ganiyan ba talaga kayong magkakaibigan?" Tanong niya rito, kahit na dismayado si Reden ay napapangiti nalang dahil sa kabaliwan nila.

Naiisip naman ni Mia na mayayaman ang mga ito, pero kung umakto ay parang mga elementarya. 'Yung tipong makakapagdalawang isip ka talaga kung mature ba ang mga ito, o kalalabas lang sa mental. Ngayon lang siya nakaka-engkuwentro ng ganito karaming kalalakihan na nagmamachohan at nagsusumigaw sa ka-guwapohan pero ang mga ugali ay pang tambay.

Well, iba naman ang sa kanila ng ka-tropa niya dati. Mahirap sila at minsan naiinip sa buhay kaya nagsasama-sama at naglalaro nalang sa tabi ng kalye para iwala ang anxiety tungkol sa buhay.

Ang bago lang ngayon ay napagtanto niyang hindi lang pala mahirap ang mga baliw. May mga mayayaman din pala na nababaliw sa mga maliliit na bagay.

Sigh.

"Kind of. I can say that it's natural on us. We used to this kind of bonding."

Napangiwi si Mia nang makita si Iuhence at Martinez na naghahabulan. Binato ni Iuhence ng sapatos si Martinez na sumibad lang patakbo sa arc at pumasok sa ilalim ng Eiffel tower.

"Gago ka talaga, Martinez! Isauli mo ang gahibla ng buhok ko na tinanggal mo!"

"Hahaha! Hangal, hindi na 'yun maisasauli. E-glue ba natin?"

In the end, bago sila umalis at nagpunta sa susunod na spot ay binilhan sila ni Reden ng Ice cream. "Maglakad nalang kaya tayo? Malapit lang naman 'yung River Seine di'ba?" Suhestiyon ni Mia habang nakatingin sa pumplet.

"Nakakatamad maglakad, Madam. Magsasakyan nalang tayo."

"Oo nga, Mia. Sasakyan nalang tayo." Unang nagreklamo si Dion na sinundan naman ni Von at ng iba pang tamad na maglakad. Kaya wala ring choice si Mia kundi ang pagbigyan ang mga ito.

Nang makarating sa River Seine ay nawindang nalang siya dahil sa napag-alaman ni Mia na pag-aari ni Race ang yaht na sasakyan nila sa paglalayag. Akala niya ay bangka ang sasakyan nila, pero it turns out na yaht. Yaht na nagmumukha ng barko sa laki. Gaano ba talaga kayaman ang mga ito? No'ng una ay sa limousine na mukhang pang-artista.

Sunod ay ang free-stay nila sa isang magarang hotel sa city. Hindi na daw nila kailangan magbayad dahil pag-aari daw ng isa sa mga kaibigan nila 'yun. Like, luluwa na nga yata ang mga mata niya sa pagkakawindang.

Sa paglalayag ay naaaliw si Mia sa mga scenery. Hindi lang sa tubig na kulay green-blue kundi pati na rin sa mga establishemento na iba-iba ang disenyo. Malayo sa pinas na pare-pareho lang ang struktura ng bahay at mga gusali. Kahit sa national road dito ay wala siyang makitang trapiko. Napaka-smooth lang ng takbo ng mga sasakyan.

Nasa upper deck siya, at gano'n din ang iba na umiinom ng wine. Pansin niya, kung nasaan siya ay naroon din ang mga ito. Kinakausap siya sa mga bagay-bagay.

Ni hindi niya inakala na makakapunta siya sa ganitong bansa. Yung kagustohan niyang umuwi ay parang gusto na nga niya munang ipagpaliban at pumarito muna. She's loving the city scapes, even the air is as fresh like the mountainous provinces.

Huminto ang yate. Inanyayahan siya ng mga ito na bumaba, hindi niya alam kung saan sila pupunta pero sumunod nalang din siya. Tanghali na yata nang makarating sila. "Welcome to notre dame cathedral, Madam!"

Sa sinabi ni Kent at Ian ay saka lang napapa-angat ng tingin si Mia. Nakita niya nalang ang isang malaki na simbahan, pero kung hindi mo tutokan ng mabuti ay mapagkak**alan mo talagang palasyo. Bumagsak yata pati panga niya dahil sa pagk**angha.

Kung ano man ang una nilang ginawa sa Eiffel ay yun din ang ginagawa nila. Picture dito, picture doon. Mabuti nalang at malaki ang gib ng memory card sa camera ni Chance. Sa kanilang lahat kasi ay si Chance ang mahilig sa pagkukuha ng litrato. Most of the time ay pini-pikturan niya nang walang paalam at nagagawa niyang makuha ang mga nakakatunaw-puso na mga ngiti nito. Nag-send siya ng isang litrato kay Alexus na naka-sampa sa likuran ni Raven si Mia at sayang-saya na nagpapabula ng bubbles.

Not knowing na kanina pa naka-masid si Alexus sa mga ito. Ang makita si Mia na masaya kasama ang mga kaibigan niya ay nakakapagpa-tiim ng kaniyang bagang. Marahil ay naiinis dahil sa hindi niya naman napapatawa ng gano'n si Mia.

Marami pa silang pinuntahan, huminto lang sila nang mag-gabi na at kumain sa isang sikat na restaurant. Kaya nang pagkabalik nila sa hotel ay diretso siya sa k**a. Nakakapagod ang araw at dahil hindi pa naman siya makakalakad ay natatamad na rin siyang magbihis.

Kung kailan tulog na si Mia ay saka lang ibinaba ni Alexus ang cellphone. He purposely installed a CCTV in her room at mula doon niya pinanood ito. Hindi maayos ang pagkakahiga nito kaya pumanhik siya sa silid nito para ayusin ang pagkakahiga nito. Hinubad niya rin ang sapatos nito. Ang mahabang buhok ay napaka-gulo na. Inayos niya rin 'yun, bago umalis ay napatitig muna siya sa maamo nitong mukha. Kapagkuwan ay napapailing at lumabas na sa silid nito.

---

A/N: Nakatulog po ako, sorry ngayon lang na post 🥲

03/07/2025

Good morning, readers! 💗
Who's waiting for an update? 😁
BTW, update tayo mamayang 11am 🥰🥰
May God bless us everyone! 😇

02/07/2025

Rise and shine, readers!
Sa mga nanay diyan, laban lang po para sa kinabukasan ng mga anak ninyo!😊😊
You're the truest hero that deserves an applause 👏 hindi biro ang role niyo sa family and sana, sa mga anak na kagaya ko, please give a moment to express gratitude to your parents at hindi maging pasaway 🥰😇

Chapter 21 (Part 2): WARNING ⚠️ STEALING IS A CRIME || DO NOT COPY ‼️ "What are you doing here?" Napaka-lamig ng boses n...
01/07/2025

Chapter 21 (Part 2): WARNING ⚠️ STEALING IS A CRIME || DO NOT COPY ‼️

"What are you doing here?" Napaka-lamig ng boses niya, malayong-malayo sa Alexus na nakasanayan kong marahan at malumanay. Minsan pa ay masuyo.

Napakurap-kurap ako, kasabay ng paghaharumintado ng puso ko. Kapag ganito siya, umaandar ang pagkak**atakutin ko. "E-check ka sana kung tulog ka na." Oh timang, ano bang klase ng alibi ang ginamit ko?

"You don't want me near you, and you don't even like me as well. So, why are you here?" Mukhang na-corner na niya ako. Hindi siya naniniwala sa palusot ko eh. Wala sa sariling napakagat-labi ako. His voice was like telling me that he doesn't care about me. It felt odd and uncomfortable actually.

Okay, kaya mo 'to, Mia. Huwag kang magpapadala sa kaba. Kailangan mo lang naman ipapaalala sa kaniya na hindi kayo pwede tiyaka 'yung rules, dapat maggawa kayo. Nang sa gano'n ay maiiwasan namin ang magkakagustohan. In case lang. After some time, nagkaroon din ako ng courage na salubongin ang manunuklaw niyang mga mata.

"Alexus, gusto ko lang sabihin sa'yo na--"

"That you don't want to like me? I know that. You don't have to remind me. From now on, let's act as employee and customer. Now, get yourself out of my sight." It was like heart penetrating to hear such words from him. Nilagpasan niya ako at mukhang ngayon ay seryoso na siya. Okay, Mia. You're finally back on track. Mag-isang buwan na sa susunod na linggo at dalawang buwan nalang din ang hihintayin.

KINABUKASAN maaga akong gumising at tinutulongan ang sarili na e-ensayo ang mga paa ko sa paglakad. Sinusubokan ang mga tuhod ko kung okay na ba silang gamitin. Pero bigo ako, nauwi ako sa iilang beses na pagbagsak. Napapadaing sa sakit at gumagapang pabalik sa k**a.

"Bakit naman kasi ang tagal mong gumaling, ha?" Dahil sa pagkakainis ko ay hindi ko mapigilan ang sarili na tampalin ang mga hita ko sa ibabaw lang ng tuhod.

Tumunog ang cellphone ko, sanhi ng aking pagkakatigil. Gumapang ako papunta sa drawer at inabot ito. Namatay na 'yung tawag nang makuha ko. Si Jeff lang naman 'yun. Isasauli ko sana nang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko.

"Mia?" Si X lang pala, kasama nito si Dion. "Kanina ka pa kino-contact ni Jeff, pero hindi ka raw sumasagot." Malalaki ang hakbang nito na nag-tungo sa banda ko. Sumunod naman si Dion. "Bakit ka nasa sahig?"

"Are you trying to walk?" Tanong rin ni Dion habang pareho silang may nag-aalala na ekspresyon sa mukha.

Napakamot ako sa aking ulo, sabay bungisngis. "Oo, naiinip na kasi ako. Tiyaka isang linggo at isang araw na rin akong ganito. Gusto ko ng makalakad." Nang sa gano'n ay hindi na ako magiging pabigat kay Alexus.

"Come on, tutulongan na kitang makatayo." Alok ni X na tinanggap ko naman. Naka-upo ako sa k**a at silang dalawa naman ay naka-squat sa harapan ko.

"May sofa naman doon, bakit diyan pa kayo umupo?" Nakakapag-taka, natural ba talaga sa mga ito na umupo ng ganito sa harapan ko?

"Huwag na, dito nalang." Sabi ni Dion, "Alexus was camping in the bar last night." Nakikita ko sa mga mata ni Dion ang simpatya. "It seemed like he's able to hear our conversation yesterday too." Ahh, kaya pala naging gano'n si Alexus dahil narinig niya.

Mas mabuti na nga 'yun para hindi ko na kinailangan pang mag-explain. "Wala ka bang sasabihin?" Tanong ni X na mukhang naghihintay nga ng sagot mula sa'kin.

"Wala namang kaso sa'kin kung mag-iba ang pakikitungo ni Alexus sa'kin. After all, he's just a job for me." Makahulogan kong sagot sa kanilang dalawa, kapagkuwa'y napangiti. "Salamat sa pag-aalala pero mas maganda kung magiging praktikalan na kami. Hindi gano'n ka-haba ang tatlong buwan. Matatapos din 'to at maghihiwalay rin ng landas, kaya sana huwag niyo kong kaawaan. Kasi sa totoo lang? Hindi ko deserve 'yung kaibigan niyo. Masyado siyang mabait sa'kin, samantalang ako, ugaling tambay." Sabi ko nga no'n, ayoko ng nala-lait. Pero sa huli ay ako rin pala ang la-lait sa sarili ko. Saklap.

Hindi sila umimik at nanatili lamang na nakatitig sa'kin. "Bakit?"

Nakikita ko ang pagka-dismaya mula kay Dion, samantalang nahihinayang naman kay X. Baka ayaw nila akong mawala? "Pwede ko pa rin naman kayong maging kaibigan, di'ba? Kahit hindi kami totoo ni Alexus?" Hindi pa rin sila kumibo, paano ba 'to? Para naman akong nagku-kumbinse ng bata. "Oh kaya, ka-tropa?" Still, no response. "Paano kung kapatid? Ate?"

Pareho silang dalawa na umiling. Ang hirap naman hanapin ng kiliti nila. "How about, ipagluluto ko kayo ng mga masasarap na pagkain, anytime you want?" Automatically, nagtaas sila g tingin at kahit papaano ay nakita kong lumiwanag ang mukha nila.

"Marunong kang mag-luto?" Tanong ni X, kulang nalang kumislap ang mga mata sa galak.

"Oo, simula no'ng tumira ako sa bahay ni Alexus, ako na rin ang nagluluto ng pagkain para sa kaniya. Tiyaka, baka ayaw na niyang kumain ng niluto ko, kasi ayaw na niya daw akong makita." Sa naalala ko ay hindi mukhang nagbibiro si Alexus. Nakakalungkot lang, pero kailangan naman, kaya ayus lang.

"He said that to you?" The moment na nagtanong si Dion ay saka naman dumagsa sa kuwarto ko ang iba pang mga kaibigan nila.

"Narinig namin ang sinabi mo Mia. Seryoso na ba 'yun?" -Leon

"Was it true too, Mia?" -Iuhence

"Kung ayaw na ni Alexus ng mga niluluto mo, kami nalang ang kakain!" -Raven

"Saka, nai-kuwento ng dalawa dito na masarap ka raw magluto. Patikim ng mga luto mo ah!" -Adam

At nasundan pa ng sumusunod na hinaing. Present silang lahat dito, maliban kay Alexus na wala. Ang lungkot ko ay nawala dahil sa kanila. Panay tango at 'oo' lang ako sa kanila.

Later on, ipinasyal nila ako sa mga top tourists spot ng Paris.

----

A/N: if may time pa po kayo, subokan niyo pong e read ang nauna kong post sa update na ito po. Need ko lang po ng opinions niyo, baka sakaling papatok po sa readers. Salamat!

😊😊🥰🥰I came back home disappointed and with nothing. Sobrang pagod ako that it feels like babagsak na yung katawan ko sa ...
01/07/2025

😊😊🥰🥰

I came back home disappointed and with nothing. Sobrang pagod ako that it feels like babagsak na yung katawan ko sa sobrang kapaguran. Ni hindi na ko makalakad ng maayos dahil masakit na ang mga talampakan ko kakalakad.

I opened the entrance door of our house, pero agad na bumungad sakin ang naninigarilyo kong asawa sa sofa habang nanonood ng TV. His legs were crossed and his other arm are hanging at the sofa.

Siguro napansin niya ang presensya ko at napalingon siya sa gawi ko. Ang kaninang tawa niya ay napalitan ng galit.

I know, he's no longer happy with me.

“Oh ano, nakahanap ka na ba ng trabaho?” Kompronta niya at pinatay ang TV. I've been pursuing that I'll look for a job, and I know he pulled so many strings para hindi ako makakuha ng kahit isa para lang kawawain ako at ipamukha sa'kin na wala akong silbi.

Hindi ako kumibo dahil…

“Lester, sino yan?” Isang boses ng babae ang narinig ko.

Tumayo ang asawa ko at malalaki ang hakbang na nilapitan ako. “Alam mo na. Ang basura at wala kong kuwentang asawa.” sagot niya sa babae niya.

Yes, may babae siya. At alam kong napakatanga ko rin para manatili. Pagkalapit niya sa'kin, binuga niya mismo sa mukha ko ang huling hinithit niyang usok sa sigarilyo. Mariin na napapikit na lamang ako.

Ayoko talaga sa baho ng sigarilyo noon. Pero dahil sa kaniya, nagawa kong matutunan na tiisin.

Hinawakan niya ng mahigpit ang buhok ko. Halos sinabunotan na ako. Halos mapahiyaw ako ng maramdaman kong may iilan na nalalagas sa ginawa niya.

“Bitawan mo ko, Lester.” Kalmado kong sabi.

He mocked a laugh, “At may lakas ka na ng loob ngayon para utosan mo ko?!” Ganiyan siya, kapag may kaunti lang akong sasabihin, he would take it as sinu-superior ko ang sarili ko sa kaniya.

“I just want you to stop hurting me. Nasasaktan ako.” Wika ko sa mababang tono.

Habang nakahawak pa rin siya sa buhok ko, dinarang, hinatak niya ako papasok papunta sa sala, at itinulak sa glass na center table.

I groaned in pain as my back hit the edge of the table bago iyon nabasag. Bago ko pa malaman, some parts of my legs, knees, toes and calfs were bruised and bleeds dahil sa pagkabasak ng nasabing lamesa. Narinig ko pa ang sarkastikong paghiyaw ng babae niya, as if nagulat ito.

“You do not dare na utosan ako. Hindi ako kagaya mo, alam ko ang ginagawa ko!” Aniya, his face reddened in anger. Ano ba kasi ang ginawa ko para magalit siya ng ganito? As far as I know, maayos naman kami noon eh.

“Wala ka na ngang silbi, inutil ka pa.” Umuklo siya palapit sa'kin at hinawakan ako sa baba at pinaangat ng tingin para magkatinginan kami. Subalit wala itong genuity kahit kakarampot at puro physical na pananakit ang natamo ko.

“Ano na? Nakahanap ka ba?” napakatigas ng kaniyang boses. Akala ko ba, mahal niya ko? Ano tong paulit-ulit na ginawa niya sa'kin? Hindi na nagawang mapigilan ng aking mga mata ang maiyak. Upon seeing me at that state, malakas niya akong sinampal.

“Tang'na! Umiiyak ka na naman? Ang sabi ko sayo, ayoko ng drama! Po’ta!” Sigaw niya at sinipa ako sa tiyan. Imbes na sumigaw napaungol na lamang ako sa sobrang sakit. Dahil alam ko, kapag mas naging maingay ako, mas malala ang mapala ko.

“Lester, tama na yan. Kawawa na siya oh.” Sabi kamo ng babae niya, pero hindi naman mukhang sincere. That evil smile of hers were only mocking me. Iba na pala ngayon, mas mataas na ang mga kabit kaysa sa mga legal na asawa.

“I don't fck'ng care even if she dies.”

“Take it slow, asawa mo pa rin siya.”

“Tsk. Lock her up, huwag mong pakainin. Hayaan mo siyang mamatay. Wala naman ‘yang silbi. Babalik na ako sa opisina.” Yun ang huling sabi niya bago nagpunta sa taas at mabilis din siyang nakabalik na nakaayos na ng bihis.

Looking so decent pero demonyo namang talaga. Dinurahan pa nga niya ako ng toothpick niya bago tuloyang makalabas ng bahay.

Bakit ganito ang nararanasan ko? Akala ko, kapag pinili ko ang mahal ko na pakasalan ko at makasama sa habang buhay ay magiging masaya ako…

Pero bakit naging ganito na?

Lahat naman ay ginawa ko para sa kaniya.

Maging lahat ng meron ako ay binigay ko sa kaniya. Pera ko, kalayaan ko at ang status ko. I even betrayed my own family just for him. Tapos ito lang pala ang mapapala ko?

I should've listened to my father.

“Alam mo, wala namang special sa'yo at hindi ko maintindihan si Lester kung bakit ikaw pa ang pinakasalan niya.” pagkakausap sa akin ng kabit ng asawa ko. Tagus na iniinsulto ako.

Hindi ako kumibo at nanatiling tahimik, habang nasasaktan kagaya ng nadudurog na mga glass na ngayoy tumatarak sa iba't-ibang parte ng aking mga hita at binti.

"Alright. Tutulongan na nga kita.” mabilis siyang umuklo at walang pagaalinlangang pinagagaalis niya ang mga bubog na nakatarak sa balat ko. “Para mas madali.” She grinned in amusement. Parang aliw na aliw siyang makita akong nasasaktan.

“Ah-aray!” napahiyaw na ako sa sakit at rahas ng ginagawa niya. Pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kaniya pero ayaw niyang tumigil. “T-Tama na Sheila. Ahh!” At sa pag iwas ko, hindi ko naisip na mas nasasaktan ko pa ‘yung sarili ko dahil sa position ko, pinapalibutan ako ng bubog.

“Huwag ka ngang maarte! Ikaw na nga ‘tong tinutulongan oh! Kasi ang bagal mo!” aniya na halos ipakain sa'kin ang bibig niya dahil kaunting-kaunti na lang, ay magdidikit na ang aming mukha.

I hate this na wala akong laban. Naiinis ako dahil ang duwag duwag ko.

Narinig ko siyang tumawa at tuloy pa rin sa ginagawa. Every time na may tinatanggal siya sa marahas na paraan para akong mahihimatay sa sobrang sakit at hapdi.

“I said, stop!” Hiyaw ko at naitulak siya papalayo sa'kin. I saw how it shocked her dahil sino ba namang papayag na maitulak lalo na kung kabit lang siya at ang mismong asawa ng lalakeng kinalantari niya ang gagawa?

How did I end up?

Nagalit siya at walang pagdadalawang-isip na ginantihan ako. Hinablot niya ang buhok kmana halos yung bunbunan ko ay mapaksi na sa skull ko. Ni hindi ko maisip na mangyayari sa akin ang mga nangyari ng mga babaeng bida sa pelikula.

She slammed my face on the floor na parang sisirain na ang aking mukha sa tindi. She even kicked me countless time habang minumura ako ng paulit-ulit.

“Tang'na mo! Sino ka para itulak mo ko, ha? Ito ang nararapat sa'yo! Ang masaktan at maparusahan sa pagpapakasal sa lalakeng hindi ka naman mahal!”

Halos mawalan ako ng malay nang akoy sipping niya sa leeg na sinundan ng sampal at suntok sa balikat.

Hindi ko na maalala kung kailan natigil basta tinangay niya na lang ako na para bang magtatapon ng basura sa basement.

And yes, I'm a trash. Because I was treated like one.

“Mamatay ka na sana para maiburol kita bukas. Sakit mo kasi sa mata eh! At para maging masaya na rin kami ni Lester!” rinig kong sigaw niya at sinipa ulit ako dahilan para akoy marahas na mahiga sa malamig na sahig ng madilim na kuwarto ng basement, at bago niya rin ako iwan. Napayakap ako sa aking sarili habang hinahayaang mamuhay sa loob ng kuwarto na ito ang labis na lungkot at sakit.

Wala akong ibang nagawa, kundi ang umiyak hanggang sa hindi ko na maalala dahil nawalan din ako ng malay kalaunan.

----

A/N: I really need your feedback sa story na to guys, because I'm planning to continue this if ever catchy siya. And also, e apply ko kasi siya sa isang platform. To help me, need ko lang ng opinions niyo.

30/06/2025

Hi, everyone! Good morning 🌄
Update po tayo mga 11:00am 😇😇
Maglalaba muna ako 😁
Pero may ipapabasa muna din ako sa inyo mamaya mga 8:00am, and I would like to have your opinion if maayos po siya 🥰🥰 kasi if okay naman sa taste ng readers, itutuloy ko ng gawin.

27/06/2025

Good evening readers, masama ang lagay ng panahon ngayon kaya't mag ingat po kayo palagi 😊🙏

Chapter 21 (Part 2): WARNING ⚠️ STEALING IS A CRIME || DO NOT COPY ‼️ "Are you serious?" Si Raven naman itong nagtanong ...
25/06/2025

Chapter 21 (Part 2): WARNING ⚠️ STEALING IS A CRIME || DO NOT COPY ‼️

"Are you serious?" Si Raven naman itong nagtanong na sinundan ni Race.

"Kinuha ka talaga ni Alexus as contracted wife niya?"

Marahan akong tumango, tiyaka pinagsiklop ang sarili kong mga k**ay. "May isang organisasyon kasi na pinagmulan ko na siyang trabaho ko rin. Do'n ako nakilala ni Alexus. Ni-rentahan niya ako bilang asawa niya sa loob ng tatlong buwan..."

Nagtaas ng k**ay si Chance, "For what reason? Bakit niya naman 'yun gagawin?" Naeengganyo naman ang iba na mapapa-isip.

Nagkibit-balikat lang ako tiyaka nagkamot sa ulo. Nangangati yata ang bunbonan ko sa kaka-kuda tungkol sa'min ni Alexus. Pero wala naman kasing dapat itago dahil totoo naman ang sinasabi ko. Hindi ko rin maatim na magsinungaling, since kaibigan niya rin naman ang lagpas dosenang bilang na narito ngayon. "Yan ang hindi ko alam. Si Alexus lang ang tanging makakasagot sa katanungan na 'yan."

Binalot ang dapit namin ng katahimikan. Bagsak ang kanilang mga balikat sa isang dahilan na hindi ko mawari. To enlighten the mood, "Bakit parang malungkot pa kayo?" Ay hindi ko pinigilan ang sarili ko na magtanong. It's better kasi na makipag-usap, kaysa lalamukin nalang dahil sa katahimikan.

Dumako ang kanilang mga mata sa banda ko, "For me, you don't look like a contractual couple." Si Jeff 'yung nagsalita. Ang personal assistant X kaibigan ni Alexus na ngayon ko lang nalaman.

Nagtaas din ng k**ay si Kent, "I second the motion."

Sumunod din si Ian na tumayo pa talaga, "I third the motion!" Papaano ko ba sasabihin 'to. Hmm... papaano ko ba lilinawin ito. Like, sasabihin kong clingy ang kaibigan nila at hindi cold like coke na cold from refrigerator na nakasanayan nila?

"Based on what I saw earlier, Alexus seemed to be too close to you, Mia. Sigurado ka ba talaga na contractual relationship lang kayo?" Saad ni Von na kanina pa tahimik.

Si X naman ay napapahimas sa mabuhok niyang bigute. "Agree. I know Alexus for years already and he hasn't been that intimate to anyone. Not until, you came." Hindi naman ako bobo para hindi sila maintindihan. Sadyang mahirap lang paniwalaan.

"If contractual kayo, hindi ba dapat ay aware kayo, like something na may agwat?" Sabad ni Z habang kumakain ng lollipop.

Inakbayan naman ni Dion si Z na katabi niya, "My dear, Z. Ang talino mo talaga!" Saka tumingin si Dion sa'kin. "Hindi kaya gusto ka ni Alexus kaya siya close sa'yo?"

Ang hirap palang ma-interrogate sa ganitong aspeto. Beginner lang naman ako at walang kaalam-alam sa lesson na ito. Tiyaka, "Hindi 'yan maaari. Hindi niya ako magawang magustohan. Kasi walang-wala naman ako na sinako niya lang papunta sa kanila no'ng una naming tagpo. Tiyaka, natural lang naman ang pagiging mabait at understanding niya sa'kin. Walang malisya 'yun sa'kin." Pati na rin ang pag-allow ko kay Alexus sa mga intimate na bagay. Natural lang din dahil 'yun naman ang naka-antala sa kontrata. Duty ko 'yun para as wife niya.

Kapansin-pansin ang paninitig ni Ian sa'kin, kaya ko siya nilingon. Nasa malapitan ko lang siya at binigyan ng nagtatanong na tingin. "Madam, how about you?"

"Ako? Papaanong ako?"

Tila sinusuri niya ako at malalim na tinitingnan sa mata, gayo'n din ang iba na nakatingin sa'min ngayon. This feels weird. "What I mean is, bakit mo hinayaan si Boss na magiging malapit siya sa'yo. How about your feelings? Wala man lang bang kahit katiting diyan sa puso mo?" Bakit ganito? Pahirap ng pahirap ang kanilang mga tanong. Tiyaka, bakit ba ako nahihirapan? Tanong lang naman ito, di'ba?

Tumikhim ako, tiyaka napainom ng tubig na nakasalin na sa baso dito sa long center table. "To satisfy the customer is my job. Natural lang na hahayaan ko siyang maging malapit sa'kin, pwede niyang gawin ang lahat ng nanaisin niya sa'kin. As long hindi siya magkakagusto sa'kin." Dahil malaking problema 'yun kung magkakagusto ang isa sa'min. Ako rin naman ay in-aware ko na ang sarili ko sa magiging outcome nito kaya't minabuti kong lagyan ng pader ang relasyon namin ni Alexus. Bago matulog tuwing gabi ay pinapapaalala ko sa sarili ko ang dapat sa trabaho.

At every time na magiging intimate si Alexus sa'kin ay hindi ko nilalagyan ng malisya.

"That's sad..." Komento ni Phoenix na ngayon ko lang narinig na magsalita. He's sipping his mango shake. Kanina pa naman 'yun, matagal nga lang niyang naubos.

"I feel sorry for Monteiro guys." Kaniya-kaniya sila ng komento na ikina-tawa ko lang ng pilit.

"Wala namang dapat ikaka-sorry, bakit kayo maaawa? We're both adults and aware naman sa relasyon namin." Pagpapaliwanag ko, pero wala pa ring pagbabago sa mga mukha nila. Para pa ring pinagbagsakan ng langit.

"We can't just help it, Mia. Gusto ka pa naman namin para sa kaniya. Alam mo kung bakit? You are the first person to idle his soft side. Alexus has been cold and cage himself unavailable to be happy. Ngayon lang..."

GANOON natapos ang usapan namin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga pinag-usapan namin. Should I talk to Alexus?

Para saan? Para sabihin na naman sa kaniya na hindi kami pwede? Aish! Bakit ba ako namo-roblema? Imposible naman kasi na magkakagusto siya sa'kin.

Alas dyes na ng gabi at heto pa rin ako sa balkonahe, nagka-kape. Kanina ko pa sinubokan na matulog pero hindi ko naman magawang patulogin ang sarili ko dahil sa nga usapin na 'yun na hindi ko naman dapat sana isinasa-isip.

"Do I looked like I am hitting on you?"

"Oo, at ipapaalala ko lang sa'yo na hindi tayo pwede."

"Bakit hindi pwede?"

"Hindi ka pwedeng ma-in love sa'kin. Pati na rin ako ay bawal ma-in love sa'yo. Alalahanin mo sana 'yun."

Bigla ay sumagi sa isipan ko ang mga sinabi ko kay Alexus kanina at nakit kung papaano umiba ang ekspresyon niya sa mukha. Ayokong maging ilusyunada or something na mag-assume. Pero kung totoo nga ang sinasabi ng mga ito na gusto ako ni Alexus ay hindi ko pa rin tatanggapin si Alexus. Kahit anumang mangyari, lalo pa't delikado sa'kin ang mapa-sangkot sa kahit na anumang relasyon.

Kailangan kong pangatawanan ang tungkolin ko sa trabaho. Tungkolin...

Kasama ba sa tungkolin ko ang magalit kay Alexus kagaya ng ginawa kong pagpapalayo niya sa'kin kanina? Natural lang ba sa trabahong 'to na mag-demand ako?

Ginulo ko ang buhok ko sa inis dahil sa ka-mali-an na ginawa ko. "Gaga, ka talaga Mia! Paano nalang kung mag-sumbong 'yun sa mga bosses mo?" Pagka-usap ko sa sarili ko. Bago ini-udyok na iwanan ang balkonahe at puntahan si Alexus sa unit niya.

Seriously, ngayon pa na dis-oras ng gabi? Bukas nalang kaya?

Oo nga, bukas nalang.

Inikot ko ang wheelchair ko paalis pero gano'n nalang ang pagkakagulat ko nang tumambad siya sa mismong harapan ko. "What are you doing here?"

A/N: Para sa susunod na update, ang qouta po natin ay mag update lang po ako once reached ang requirement. 😊😊 See you sa susunod na kabanata! 🥰

Address

Cebu City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Y. SIA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Y. SIA:

Share