
23/09/2025
CASTRO, NANINIWALANG GUSTONG MAY KUMUHA SA KAPANGYARIHAN NI PANGULONG MARCOS
Naniniwala si Usec. Claire Castro na ang dahilan kung bakit gustong may sumunog na grupo sa Malacanang ay dahil sa mayroong gustong kumuha sa kapangyarihan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Matatandaang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na gusto umano ng mga nanggulo sa protesta nitong Septyembre 21 na sunugin ang Malacanang.