18/08/2026
Suportahan natin sa pangarap
Ako pala si jojit santuele 39 years old at kasalukuyang naninirahan sa angeles City pampanga nagtratrabaho po ako sa subdivision bilang company guard.
Lumaki po ako sa bitoon daan bantayan Cebu City ang trabaho naman ng magulang ko ay pangingisda at ang magulang ko naman naglalako ng mga isda kapag may huli ang papa ko at lumipas ang mga taon at nagkaedad ako ng fourteen years old binawian ng buhay ang tatay ko dahil sa pag iinom ng alak dahil nagkaroon ng komplikasyon ang bituka niya at noong mga panahon na iyon para kaming naputulan ng pakpak dahil ang ang hiligi naming inaasahan ay pumanaw na.
Peru di kami nagpatinag kinaya namin lahat ng mga kapatid at magulang ko hanggang sa lumipas ang buwan at taon nasira ang bahay namin una palang di na maayus ang bahay namin maraming tulo kapag sumapit ang ulan or tag ulan di kami komportable dahil gawa lang sa dahon ng niyog ang bobong namin napaisip ako sa sarili ko na paglaki ko magsikap ako para makabili ng yero peru natuluyan ng nawasak ang bahay namin dahil sa bagyo lumikas kami sa lola ko mama ng mama ko at di rin nagtagal nag sapalaran kaming kapatid sa Maynila at habang tumagal kami sa Maynila hindi na namin naipatayo ulit bahay namin at nagkroon na kami ng sariling pamilyang magkakapatid peru andon parin ang pangarap ko sa pamilya ko ang magkaroon ng sariling bahay at simpleng pamummuhay yung wala kang inaapakang tao at maging simpleng tao at malayo sa mga marites
Sana makuha ninyo ako kahit saglit lang pangarap kkung makapasok sa bahay nyo ay maging totoo sa kapwa at maipakita ko ang pagkatao ko bilang ako at maging simple hindi lang kabaitan kundi karanasan
Maraming salamat po God bless us all
God to be the glory ☺