05/06/2026
Marami na ang nagsabi na valid ang June 3 quorum. Pero may isang bagay na wala sa kanilang sinabi o sinagot ang pinakasimpleng tanong tungkol sa kasong iyon.
Paano ba talaga nagsimula ang Avelino?
Noong February 21, 1949, 22 senators ang naroroon sa session hall bago pa man nagbukas ang session. Valid quorum. Nagbukas ang session. Nag-proceed ang order of business. Tapos sa gitna ng lahat, si Avelino ay nag-declare ng adjournment, at lumabas kasama ang siyam niyang kakampi.
Labindalawa ang natira. At ang labindalawang iyon ay nagpatuloy, hindi nagsimula. Continuation ng session na nasimulan na ng 22.
Iyon mismo ang sinabi ng Supreme Court. Na ang session kung saan nai-elect si Cuenco ay isang continuation ng morning session na may valid quorum. Hindi bagong session. Continuation. Iyon ang salita ng Korte, hindi ito imbento.
Ngayon ang June 3, 2026.
Walang 22 senators na nagbukas ng session. Tatlong araw na boycott ang nauna. At nang dumating si Escudero at naging 12 sila, pumasok sila sa isang walang laman na session hall, walang session na nasimulan, at nag-declare na may quorum.
Hindi continuation iyon. Initiation iyon.
Ang Avelino ay nagsasabi na 12 senators ay sapat para magpatuloy ng session na nasimulan na ng valid quorum. Hindi ito nagsasabi na 12 senators ay sapat para magsimula ng isa.
Malaki ang pagkakaiba ng magpatuloy at magsimula.
Ginamit ng June 3 bloc ang Avelino bilang pundasyon. Pero ang Avelino ay isang doktrina para sa continuation, hindi para sa creation. Parang gumagamit ng extension cord bilang power source. Kailangan mo pa ring may pinagkukunan ng kuryente. Wala noon sa June 3.
Isang tanong lang.
Nang mag-declare sila ng quorum noong June 3, may session bang nasimulan na ng valid quorum bago pa man sila nagpulong?
Wala.
Kung wala, ang Avelino doctrine ay hindi applicable.
Hindi ito tungkol sa kung sino ang panalo sa Senate ngayon. Ito ay tungkol sa kung tama ba ang legal na pundasyon ng ginawa nila.
Base sa mismong salita ng Supreme Court noong 1949, HINDI.