17/10/2025
Thank u sender sa kwento mo pero ang ganitong ugali Na konting bagay nagmumura Na , halatang May sakit mentally . Kaya kong itutuloy mo ang relasyon niyo then better be ready dahil naiimagine ko Na ang magiging buhay mo . Masasaktan ka lang talaga emotionally dahil sa mga murang matatanggap mo sa tuwing magkakamali ka and baka work baka masaktan ka din physically dahil di nman natin alam kong anong tunay na ugali niyan sa personal. Bakit ba ikaw ang aapplyan niya ng Visa ? Ba’t di niya unahin munang puntahan ka para kayoy magkakakilala so kahit papano May masisilip kana kung anong klasing tao siya at karapat dapat ba talaga siyang seryosohin. Wag magmadali lalo na’t sa chatting/VC pa lang eh nahahalata mo ng May mga bad side siyang pinapakita . Wag ipahamak ang sarili lalo na’t nagdadalawang isip kana , ibig sabihin lang talaga nun eh May idea kana na hindi ka magiging masaya pag kasama mo siya at worst pa dun baka feeling mo hindi ka safe sa kanya , so bakit ka iririsk mo pa ang sarili mo dba ? Isa mahal mo ba talaga yan ? Sa kabali ng ugaling nakikita mo ? Sana kahit papaano , pag pipili tayu ng AFAM dun nman tayu sa alam nating liligaya at safe tayu hindi yung kahit madaming Sablay eh isasantabi nlang natin para lang magka AFAM agad . Kung sa usapang Pera nman , kuripot siya maybe becoz limited lang din ang extra niya at kailangan mong pagkasyahin yung binibigay niya . Tungkol sa resibo kung gusto niyang makita eh di ibigay mo para alam niya din kung saan lang aabot ang perang binibigay niya . Letter sender May trabaho kaba ? Kasi kung meron ka nman , eh dagdagan mo nlang ang kulang , never expect that everything will be provided dahil kong yung ibang pinay eh maswerte sa mga AFAM nila na sobra2 kong magbigay then don’t compare and never expect na ganun din ang nakilala mong AFAM dahil hindi nman magkaparehas ng situations financially ang mga foreigners dahil mostly sa kanila sakto2 lang talga ,bihira lang makatagbo ng yayamanin . Basta sender kahit anong mangyari wag kang aalis ng pinas para puntahan siya , dapat magkita muna kayu sa pinas at mag spend ng time para May pagkakataon ka pang mag back out kapag May nasilip ka pang mas malalang ugali niya .