
30/04/2025
Sa panahon ngayon,
hindi na 'tao' ang tingin sa'yo.
Isa ka na lang... content.
Nasa bingit ka na ng buhay,
kumakapit sa huling hibla ng pag-asa,
pero ang mata nila —
hindi sa'yo nakatingin...
nakatutok sa screen.
Humihingi ka ng tulong,
sumisigaw ka ng "Saklolo!"
Pero ang naririnig nila?
'Uy, ang ganda ng kuha!'
Hindi kamay ang iaabot,
hindi kabutihan ang ipupukol
kundi cellphone,
camera,
flash.
Buhay mo'y nagdurusa,
pero sa kanila,
likes ang mahalaga.
Shares ang inuuna.
ctto