
27/08/2025
PANAWAGAN NI PRES. MARCOS JR NA LABANAN ANG KURAPSYON TUTUGUNAN RAW NI ROMUALDEZ!
Tutugon ang Kamara de Representantes sa panawagan ni Pangulong Marcos Jr. na labanan ang korapsyon at igigiit ang pagkakaroon ng pananagutan sa mga gumagawa nito.
“As Speaker, I share his concern. And I accept his challenge — not with defensiveness, but with determination,” dagdag pa nito. “The House of Representatives will launch a comprehensive congressional review of infrastructure projects and fund implementation.”
Ayon kay Romualdez, tututukan sa review ang “Ghost projects, bloated contracts, chronic underspending, and abuse of discretion in fund realignment and procurement.”
Dagdag pa ni Romualdez, tututukan din ng Kamara ang pagkakaroon ng real-time monitoring ng mga proyekto, at matatag na pamantayan para mapanagot ang mga ahensya at kontraktor.