11/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐ก๐ช๐ฎ๐๐ค๐ ๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ฅ ๐ท๐ปโโ๏ธ
Puspusan ang paghahanda laban sa lindol ng mga mag-aaral ng DSOSMNHS kaninang umaga, ika-11 ng Hunyo, taong kasalukuyan.
Pinangunahan ng Sergian Emergency Response Team (SERT) ang pagsasagawa ng iba't ibang rescue simulation, kabilang ang first-aid response at iba pang emergency procedures.
Nakilahok ang lahat ng mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan sa evacuation drill, kung saan ligtas at maayos nilang nilisan ang kani-kanilang gusali bilang bahagi ng paghahanda sa sakuna.
Matatandaang niyanig ng malakas na lindol ang lalawigan ng Cebu noong Setyembre ng nakaraang taon, dahilan upang higit na paigtingin ang kahandaan lahat.
Nakiisa rin sa aktibidad ang ilang samahan sa paaralan, kabilang ang Silver Hawks Scouting Unit.
__________________________________
Ulat: G. Andrey Luis Bentazal, tagasulat ng balita
Mga litrato: Bb. Jaika Faith Prajes, tagakuha ng larawang pampahayagan