CebuaNews TV

CebuaNews TV Personal Vlog
(4)

08/06/2026

7.8 magnitude Ginsan City

06/06/2026

06/06/2026

Bantag to Chiz,

Kala ko ba Pag tapos ni Sen.jinggoy isusunod
na ninyo si Sen.Chiz? Anyare? bat pa gala-gala
pa yan?👊

05/06/2026

Anong klasing tanong yan BBM?

04/06/2026

tulfo pu-maldo ng 8 maleta

03/06/2026

Yes, Laban Sen
Marcoleta

03/06/2026

CAYETANO, IGINIIT NA SIYA PA RIN ANG LEHITIMONG SENATE PRESIDENT; KINUWESTIYON ANG QUORUM SA REORGANISASYON NG SENADO

Mariing iginiit ni Senate President Alan Peter Cayetano na siya pa rin ang “lehitimo, legal at moral” na pinuno ng Senado matapos ang kontrobersyal na reorganisasyon sa Mataas na Kapulungan na nagresulta sa pagkakahalal kay Senador Win Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at Acting Senate President.

Sa isang video message na inilabas matapos ang sesyon noong Hunyo 3, kinuwestiyon ni Cayetano ang legalidad ng mga hakbang na isinagawa sa Senado at inilarawan ang mga ito bilang isang “illegal na kudeta.”

“I am still the legitimate, legal, moral Senate President of the Republic of the Philippines.”

(Ako pa rin ang lehitimo, legal at moral na Senate President ng Republika ng Pilipinas.)

Nagsimula ang kontrobersiya matapos mabasag ang ilang araw na deadlock sa Senado nang pumasok si Senador Francis “Chiz” Escudero sa plenaryo, na nagbigay-daan sa pagsisimula ng sesyon at sa reorganisasyon ng liderato at mga komite ng Senado.

Ayon sa mga ulat, 12 senador ang naroon sa plenaryo nang magsagawa ng roll call at idineklara nila na may quorum. Kasunod nito, idineklarang bakante ang mga pangunahing posisyon sa Senado, Senate President Pro Tempore, at iba’t ibang committee chairmanships.

Dito nahalal si Senador Win Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at siya rin ang tumayong presiding officer ng sesyon.

Gayunman, iginiit ni Cayetano na hindi sapat ang 12 senador upang magkaroon ng quorum para magsagawa ng opisyal na negosyo ang Senado.

“The Constitution says the Senate can conduct business by a majority of all its members.”

(Sinasabi ng Konstitusyon na maaari lamang magsagawa ng opisyal business ang Senado kung may mayorya ng lahat ng miyembro nito.)

Ipinaliwanag niya na dahil 24 ang kabuuang bilang ng mga senador, nangangailangan umano ng hindi bababa sa 13 senador upang magkaroon ng quorum.

“Ang majority po ng bente kwatro ay trese.”

Dahil dito, kinuwestiyon niya ang legalidad ng deklarasyon ng quorum, pati na rin ang paghalal sa mga bagong opisyal ng Senado.

Isa rin sa mga pangunahing argumento ni Cayetano ang umano’y kawalan ng legal na basehan para magkaroon ng Acting Senate President.

“Wala pong grounds para magkaroon ng Acting Senate President.”

Ayon sa kanya, ang Senate Rules ay nagtatakda lamang ng mga pagkakataong maaaring umupo ang Senate President Pro Tempore bilang Acting Senate President, gaya ng resignation, death, o permanent incapacity ng nakaupong Senate President.

“Hindi po tayo nag-resign. Hindi po nila ako naalis. Buhay pa naman po ako.”

Tinawag din niya ang nangyari bilang pag-atake hindi lamang sa Senado kundi maging sa Konstitusyon.

“This is not just about the Senate. This is about the Philippine Constitution.”

Sa kabila ng nangyaring reorganisasyon, sinabi ni Cayetano na patuloy niyang kikilalanin ang kanyang sarili bilang Senate President at tiniyak pa niyang itutuloy niya ang mga nakatakdang pagdinig ng Senado, kabilang ang Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng mga kontrobersyal na flood control projects.

“Tomorrow, tuloy ang hearing ng Blue Ribbon Committee.

Nanawagan din siya sa publiko na magdasal para sa bansa at bantayan ang mga nangyayari sa Senado.

“Let’s pray for our country.”

Sa ngayon, nananatiling magkasalungat ang pananaw ng magkabilang kampo hinggil sa legalidad ng quorum na binubuo ng 12 senador at kung balido nga ba ang reorganisasyong naganap sa Senado nitong Hunyo 3.

31/05/2026

Buwaya ng bansa

Address

Talisay City
Cebu City
6045

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CebuaNews TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to CebuaNews TV:

Share

Category