29/07/2026
Story Time 🥲
Kanina, pagbaba ko pa lang ng taxi, yung driver na nakasunod sa sinakyan kong taxi, pito nang pito na parang minamadali kaming umalis. Pagkababa ko, bigla pa akong sinigawan ng, "Ang tagal mo namang bumaba!"
Naka-poker face lang ako. Hindi na ako sumagot o pumatol. Sa panahon ngayon, hindi mo alam kung ano ang ugali o estado ng isip ng makakasalamuha mo. Mas mabuti nang umiwas kaysa mauwi pa sa disgrasya.
Ilang segundo lang naman ang kailangan para makababa nang maayos at makuha ang gamit. Hindi ko naman intensyong makaabala ng iba.
Grabe noh? May mga tao talagang kulang sa pasensya. Pero sana, piliin pa rin nating maging mabait. Sana mas pairalin natin ang pasensya at respeto sa isa't isa.