
21/04/2025
BREAKING NEWS! | Inihayag ng Vatican ang pagpanaw ni Pope Francis sa kabilang mundo sa edad na 88 ngayong araw, April 21, 2025 Easter Monday, sa kanyang tirahan sa Casa Santa Marta sa Vatican.
Ang biglaang pagpanaw ng Santo Papa ay ikinagulat at ikinalungkot ng buong Simbahang Katoliko sa kanyang pagbati sa mga deboto sa St. Peter's Square noong Easter Sunday kahapon, Abril 20.
Si Pope Francis, sa gitna ng kanyang patuloy na paggaling matapos magdusa ng double pneumonia at ma-admit sa ospital sa loob ng mahabang panahon, ay pinili na sumama sa mga tao sa St. Peter's Square noong Linggo ng Pagkabuhay sakay ng kanyang open-air popemobile.