08/03/2026
Women are not objects—tinuod gyud na. They deserve dignity and respect at all times.
Pero unta apil pud sa empowerment ang personal responsibility. If we want a culture nga dili i-objectify ang women, then we should also question the normalization of thirst traps, overly revealing outfits, ug posts nga klaro kaayo nga made to attract sexual attention. Respect is a two-way culture. Men should always learn discipline and respect, pero women can also help shape that culture pinaagi sa ilang pagdala ug pagpresent sa ilang kaugalingon.
Empowerment is not just demanding respect—apil pud ang pagdala sa kaugalingon in a way nga naturally makakuha ug respeto.☺️
REP. DELIMA PINAALALA NA HINDI SILA GAMIT O
KASANGKAPAN PARA PAGN*SAHAN NG MGA
KALALAKIHAN
Nagpahayag si Rep. Leila de Lima ng kanyang mensahe kasabay ng paggunita sa Araw ng Kababaihan, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagrespeto sa dignidad at karapatan ng mga babae.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni De Lima na nakikiisa siya sa mga kababaihang nakaranas ng pangungutya, pangmamaliit, at pagtrato sa kanila bilang bagay lamang.
“We stand with every woman who has been mocked, belittled, objectified, and disrespected,” ani De Lima.
Ipinunto rin ng kongresista na hindi dapat pinapalampas o kinukunsinti ang anumang anyo ng kabastusan laban sa kababaihan, lalo na sa mga institusyong inaasahang manguna sa pagtatanggol sa kanilang mga karapatan.
“Hindi dapat bigyan ng puwang ang kabastusan kahit saan mang espasyo, lalo na sa mga institusyong dapat nangunguna sa pagtataguyod ng proteksyon at karapatan ng kababaihan,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin din ni De Lima na hindi dapat ituring na bagay o kasangkapan ang kababaihan para sa kasiyahan o kapakinabangan ng iba.
“Women are not objects. We are not accessories to someone else’s insensitive jokes or remarks. We are not tools for another person’s satisfaction,” aniya.