17/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ -๐๐ซ๐๐ฆ๐, ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ; ๐ฆ๐๐ ๐ญ๐ซ๐๐๐๐ก๐จ ๐๐ฒ๐๐ฐ?
Komedya na โto sa inyo?
Um-absent. Nagpakita. Hinabol. Nadapa. Nasugatan. Nag-alburuto. Ngayon, sinusubukang takasan ang proseso. Kinailangan pang bastusin ang sariling institusyon upang makatakas.
Yung isa naman: sumabad sa nagsasalita, nasigawan, nasaktan ang damdamin, nagreklamo.
Mayroon pang tila mga ๐ท๐ญ๐ฐ๐จ๐จ๐ฆ๐ณ sa gitna ng sigalot.
Ngunit sa kalagitnaan ng lahat ng itoโsa labas ng malamig na bulwagang kinaroroonan nilaโmay mga manggagawang hindi alam kung paano pagkakasyahin ang kakarampot na sinuweldo, mga walang mahanap na trabaho, mga magsasakang maghapong nakabilad sa araw, at mga pamilyang hindi kayang ipagpaliban ang gutom para lamang magtampo. Habang abala silang gawing entablado ang pamahalaan, milyon-milyong Pilipino ang tahimik na lumulubog sa reyalidad na hindi kayang takasan sa pamamagitan ng ๐ธ๐ข๐ญ๐ฌ๐ฐ๐ถ๐ต, ๐ฅ๐ณ๐ข๐ฎ๐ข, at ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ด๐ด ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ง๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฏ๐ค๐ฆ.
Halos anim na buwan pa lamang ang nakalipas simula nang pumasok ang bagong taon ngunit kapansin-pansin na ang kawalan nila ng respeto sa bayan at sa mga mamamayang dapat nilang pinagsisilbihan. Napakaingay ng bangayan. Mas ramdam pa ang kanilang ganid na pilit nilang ikinukubli sa mabubulaklak na salita, kaysa sa serbisyo at pagresolba sa mga lumalalang problemang kinahaharap ng bansa.
Ang mga sesyong dapat sanaโy nakatuon sa paggawa ng batas at pagresolba sa mga suliranin ng bayan ay nauuwi sa sigawan, personalan, at pagpapataasan ng emosyon. Bawat hakbang na ginagawa nila ay tila may kaakibat na benepisyo para lamang sa iilan. Mas mabilis pang kumalat ang mga eksenang parang hinugot sa teleserye kaysa sa konkretong planong tutugon sa taas-presyo, kakulangan sa trabaho, at paghina ng serbisyo publiko. Mas aktibo silang unahin ang mga ugnayang pulitikal, kaysa sa mga Pilipinong ninanakawan ng kinabukasan sa habang bilyun-bilyong pondo ang nilulustay sa korapsyon at pansariling interes.
Totoo, walang gobyernong perpekto, ngunit hindi iyan katwiran upang palagpasin ang lantarang pang-iinsulto sa demokrasya. Ang hangad lamang ng mamamayan ay mga lider na disiplinado, responsable, at may respeto sa publiko at sa mga tungkuling ipinagkatiwala ng mga ito. Sapagkat ang bawat upuang hawak ng mga opisyal na nahalal ay hindi tropeo ng kapangyarihan kundi responsibilidad na may kaakibat na pananagutan. Sa panahong hirap na hirap ang ordinaryong Pilipino na mabuhay nang marangal, ang huling bagay na kailangan ng bansa ay mga lider na mas inuuna pa ang sariling drama kaysa gawin ang trabahong magsilbi.
Nakapanlulumong isipin na habang abala ang ilan sa pagpapatawa at pagpapapansin, unti-unting nawawala ang dignidad ng mga institusyong dapat sanaโy pinagmumulan ng tiwala ng mamamayan. Kapag ang gobyerno ay mas kilala sa eskandalo kaysa sa solusyon, hindi lamang reputasyon ng mga opisyal ang nasisira; kasama rito ang pag-asa ng mga Pilipinong matagal nang naghihintay ng maayos na pamamahala.
Hindi entablado ang gobyerno. Hindi ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ต๐ฆ๐ฏ๐ต ang paglingkod sa publiko. At lalong hindi biro ang paghihirap ng sambayanang Pilipino.
Hanggaโt may mga opisyal na ginagawang entablado ang pamahalaan, mananatiling sirko ang pulitika sa paningin ng mamamayan.
Higit sa lahat, hanggaโt umiiral ang mga sistemang nagbubunga ng ganitong uri ng pamumuno, mananatili tayong malayo sa hinahangad na pagbabago.
๐ท๐ช๐ข ๐๐ฉ๐ฆ๐๐ญ๐ข๐ป๐ฆ
๐๐ญ๐ญ๐ถ๐ด๐ต๐ณ๐ข๐ต๐ฆ๐ฅ ๐ฃ๐บ: ๐. ๐. ๐๐ณ๐ฆ๐ฅ๐ฐ/๐๐ฉ๐ฆ๐๐ญ๐ข๐ป๐ฆ