Pinas Update

Pinas Update WELCOME TO THE OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF PINAS UPDATE 🇵🇭
(6)

03/08/2026

3-Minute Break: Atty. Lorna Kapunan Humiling ng Recess Para Masuri ang Ebidensya at Makaupo Siyang Saglit!

03/08/2026

Zubiri sa Pasig RTC TRO: Maawa Po Tayo sa Ating mga Manggagawa!

Mariing kinondena ni Senador Migz Zubiri ang paggawad ng 20-day TRO laban sa Wage Order No. NCR-27 na nagpako muli sa sahod ng mga manggagawa sa NCR. Umapela ang senador ng habag para sa sektor ng paggawa at binigyang-diin na maling venue ang regular na korte para sa usapin ng sahod.

03/08/2026

ROBIN PADILLA, KINONDENA ANG KORTE SA PASIG NA NAG-PRENO SA UMENTO SA SAHOD!

Mariing tinutulan ni Senador Robin Padilla ang desisyon ng Pasig RTC Judge Marie Joyce Manongsong na suspindihin ang ₱85 minimum wage increase ng mga manggagawa sa NCR bunsod ng petisyon ng dalawang construction firms.

02/08/2026

CAYETANO RUMESBAK KAY LACSON: “Hindi Ka Malulunod sa Baha, sa Katotohanan Ka Malulunod!”

Mainit ang sagutan nina Senator Alan Peter Cayetano at Senator Ping Lacson ukol sa flood control projects sa Taguig. Matapos tanggihan ni Lacson ang imbitasyon dahil baka raw siya malunod, binuweltahan naman ni Cayetano ang biro ni Lacson. Sinabi niya na kapag puro kasinungalingan ang pinapairal, ang katotohanan ang nakakalunod. Nanindigan din si Cayetano na maayos ang flood control program sa lungsod at walang anomalya sa mga proyekto nito.



31/07/2026

“PARANG SILA NAGMAMAY-ARI NG ARAW, ANG POWER NG ARAW” - Ombudsman Remulla sa mag-inang Leandro at Loren Legarda!

Inihayag ngayon ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na isasailalim na sa preliminary investigation ang mag-inang Senador Loren Legarda at Batangas 1st District Representative Leandro Leviste para sa mga reklamong plunder (pandambong), graft, at conflict of interest.



31/07/2026

LOGGING ERROR? ,Ombudsman Boying Remulla, Kinumpirmang Nagsumite ng Counter-Affidavit si Sen. Robin Padilla

Inihayag ngayon ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na natanggap na ng kanilang opisina ang kontra-salaysay ni Senador Robin Padilla kaugnay ng reklamong obstruction of justice.

Humingi rin ng paumanhin ang Ombudsman matapos matuklasang nagkaroon ng "logging error" o pagkakamali sa pag-record ang isa nilang tauhan, kaya unang naiulat na hindi sumagot ang senador.

Kasalukuyan nang sinusuri ng ahensya ang dokumento para sa preliminary investigation.



30/07/2026

MERALCO, GINISA NI TULFO! "Sana nagtayo na lang ako ng electric company!"

Binatikos ng senador ang sistema ng paniningil ng "System Loss Charges" kung saan ang mga consumer na nagbabayad nang tama ang pumapasan sa gastos para sa pagbabantay laban sa mga nagnanakaw ng kuryente (jumper/pilferage).

Ayon kay Tulfo, napakaganda palang negosyo ng Meralco dahil "walang kalugi-lugi" dahil awtomatikong naipapasa ang operational losses sa publiko!

29/07/2026

“UNUSUAL VS. SUSPICIOUS”

Nilinaw ni Padilla na kahit tinawag ng testigo na "unusual" ang tatlong ₱37.5 milyong cash encashment ng DepEd, hindi ito nangangahulugang "suspicious" o kahina-hinala sa paningin ng bangko.

Sinang-ayunan ng testigo na wala silang nakitang ilegal, bagaman ang pansin lang nila ay ang mismong pag-encash ng malaking tseke.

Ayon pa sa testigo, "unusual" lamang ito dahil sa laki ng halaga ngunit walang nakitang ilegal.

29/07/2026

PANGALAWANG WITNESS, HUMARAP NA!

Ipinakilala na ng Prosekusyon ang kanilang pangalawang witness na si Nenita Camposano para sa Article I ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, na nakatutok sa alegasyong misuse, misappropriation, at irregular disbursement ng confidential funds.

Si Camposano ay ang retiradong Branch Manager ng LandBank-DepEd Branch.

29/07/2026

KASYA BA SA 3 GYM BAG?’ | Sen. Raffy Tulfo, kinuwestiyon ang pagbibiyahe sa ₱125-M confidential funds ng OVP!

Sa nagpapatuloy na pagdinig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong araw, Hulyo 29, 2026, hinarap ni Senator-Judge Raffy Tulfo ang testigong si Violeta Constantino, ang dating branch manager ng LandBank Shaw Boulevard, upang uriratain kung paano nailabas ang ganoong kalaking halaga ng cash.

Nang ihayag ng testigo na isinilid lamang sa tatlo hanggang apat na "gym bags" ang daang milyong piso, agad itong dinalubong ng pagdududa ng senador. Ayon kay Tulfo, batay sa pamantayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang bawat isang milyong piso ay tumitimbang ng humigit-kumulang isang kilo—na nangangahulugang aabot sa 125 kilo ang kabuuang bigat ng pera kaya't malabong magkasya o mabuhat ito sa tatlong karaniwang bag lamang.

Bukod sa sukat at bilang ng mga bag, kinuwestiyon din ni Tulfo kung bakit hinayaan ng LandBank na ilabas ang pondo nang walang kaakibat na armored vehicle o mahigpit na security es**rt ng bangko.

Depensa naman ng dating branch manager, wala silang opisyal na kasunduan para sa delivery services kasama ang OVP at wala ring hiling na tulong-seguridad mula sa panig ng mga nag-withdraw.

Gayunpaman, kinumpirma ng testigo na bagamat walang kawani ng bangko ang bumuhat sa mga gym bag, nagpahiram sila ng trolley upang matulungan ang Special Disbursing Officer ng OVP na si Gina Acosta at ang mga kasamahan nito na maihatid ang bilyete patungo sa kanilang sasakyan.

Address

Cervantes
2718

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pinas Update posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pinas Update:

Shortcuts

Share