07/08/2025
๐ก๐๐ช๐ฆ| ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ง๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐จ๐ฅ๐ฆ๐ข ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐ ๐๐ ๐๐ก๐๐๐ข, ๐๐๐ง๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ฅ ๐๐๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐ฉ๐๐ก๐ง๐๐ฆ
Agosto 7, 2025 | Municipal Gymnasium, Cervantes, Ilocos Sur
Sa layuning mailapit ang mahahalagang serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan, matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Free Theoretical Driving Course (TDC) sa Cervantes bilang bahagi ng LAB FOR ALL Program ni Congresswoman Kristine Singson-Meehan.
Ang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng matibay na pagtutulungan ng tanggapan ng Congresswoman, ng Land Transportation Office (LTO), at ng Local Government Unit ng Cervantes.
Nilalayon ng kursong ito na bigyang-kaalaman at kapasidad ang mga kababayan upang makakuha ng kanilang student driverโs permitโnang libre at mas abot-kamay.
Sa kanyang pahayag, hinikayat ni Mayor Atty. Joyce P. Maggay ang mga kalahok na pahalagahan ang ganitong oportunidad at gamitin ito bilang hakbang tungo sa pagiging disiplinado at responsableng mamamayan, lalung-lalo na sa lansangan.
Dumalo rin sa aktibidad si Sangguniang Panlalawigan Member Benjamin N. Maggay, na nagpahayag ng buong suporta sa mga programang nagbibigay kapangyarihan sa mamamayan at direktang nagdadala ng serbisyo sa mga komunidad.
Dahil sa dami ng mga nagnanais makilahok, hinihiling ng LGU Cervantes ang pagkakaroon ng Batch 2 ng libreng TDC upang maisama ang mga hindi nakadalo ngayon. Pinapayuhan ang mga interesadong residente na abantayan ang susunod na anunsyo ukol dito.
Lubos ang pasasalamat ng LGU Cervantes kina Congresswoman Kristine Singson, LTO, at sa lahat ng lokal na opisyal at kawani na naging bahagi ng matagumpay na gawain.
Source: Local Government of Cervantes, Ilocos Sur