18/08/2026
๐๐๐๐ง๐จ๐ฅ๐ | ๐๐ฎ๐ฏรฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏรฌ
Pinagmasdan ko ang kanyang labรฎ. Sinubukan kong silipin ang kalawakang nakapaloob dito, ngunit bigo ako. At sa araw na โyon, napagtanto ko na hindi lang ang lola ko ang namatay. Sa tuluyang pagtikom ng kanyang labรฌ, isinama niya ang mundo sa kanyang labรฎ.
Hindi lang buhay ang kinuha ng kanyang huling hininga; kasama nito ang mga kasaysayan ng kanyang wikaโmga salitang humulma sa kanyang pagkatao at isang pamana na hindi mahahawakan at maipapalit sa anumang salapi.
Sa mundo na ang wika ng bagong henerasyon ay unti-unting nagbabago, isang purong Ilocana si Lola. Namatay siyang Ilocano pa rin ang wikang bumubuo sa kanyang pagkatao. Ilocano ang naging simbolo ng kanyang katatagan at katapangan; ito rin ang boses ng kanyang pag-aaruga. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda ng mga inalagaan niya, ang mga kuwento, bilin, lambing, at awit ng kanyang mundo ay kaniyang pinamana gamit ang himig ng kaniyang wika.
Naaalala ko pa ang lagi niyang bigkas sa tuwing handa na ang hapag, โManganen, apok.โ
Lagi akong nakaabang sa ulyaw ng mga ito dahil sa bawat bigkas ng kanyang labi, may mga salitang tila bumubusog sa bawat kalam ng tiyan. Noon, pagkain lamang ang hinihintay ko na kasunod nito. Ngayon, naiintindihan kong kasama pala sa bawat salitang ito ang lambing ng isang lola, ang pag-aaruga ng isang tahanan, at mundong hindi ko alam na maaaring mawala.
Sa kanyang pagkamatay, aking nakita rin ang pagguho ng isang suson ng kasaysayan.
Sinubukan kong umiyak, pero walang lumabas.
Sinubukan ko ring magsalita, pero naudlot ang aking boses. Paano ako iimik kung ang malaking parte ng aking dila ay baon ni Lola sa hukay?
Hindi buo ang aking pag-unawa sa mundong buong buhay niyang kilala. Bukod dito at sa kaalaman na โAh, patay na ang aming lola,โ wala nang tunay na dahilan kung bakit walang lumabas na luha, salita, o kahit pakikiramdam man lang.
Naisip ko ang mga anak at apo ni Lola. Ano kaya ang mundong alam nila? Sa mga pamangkin at pinsan ko, kilala kaya nila ang mundong nanirahan sa labi ng ninunong namayapa? Naramdaman din kaya nila ang bigat ng lupang babalikan sa hukay ng kanilang ina?
Naisip ko rin ang Agta Dicamay at iba pang katutubong wika sa ating bansa. Ilang labรฎ ng mga labรฌ na kaya ang patong-patong hanggang umabot na ang boses ng kanilang wika ay paos na?
Ang pagkawala ng isang wika ay hindi lamang pagkawala ng mga salita. Nabubura ang mga awit na sumisipol, mga kuwentong hindi naisalin nang buo, mga birong nakakatawa lamang sa sariling wika, o mga salitang minsang naging tahanan ng pagmamahal. Hindi lamang katawan ang napuputulan ng hininga; pati ang boses ng nakaraan ay mapagkakaitan ng hangin upang magsalita.
Ayokong mamatay ang ating wika na walang kahit isang luluha.
Hindi ako papayag na balang araw, ang mga apo ko ay pagmamasdan lamang ang labi ko at walang mararamdaman bukod sa, "Ah, patay na ang Ilocano."
Kaya nang makita ko ang labรฎ ni Lola, pinangako kong hindi ko ititikom ang aking mga labรฌ upang isiwalat ang ganda at yaman ng Ilokano. Dahil ang wika ay parang tao: hindi tuluyang maililibing kung buhay pa ang diwa nito. Hindi tuluyang mamumutla ang labรฌ ng bawat Ilocano basta may mga bibig na patuloy na magkukuwento, aawit, at magtataguyod ng kaniyang pinagmulan.
Sabi nila, ang pandinig ang huling titigil na pandama sa mga huling oras. Kaya bago pa tuluyang mabitawan ng aming lola ang kanyang huling hininga, hiniling ko na marinig niya mula sa aking mga labi ang salitang:
โAgyamanak.โ
Dahil sa pamamagitan ng kanyang wika, may pamana akong madadala. At habang may labi pang bumibigkas, ang mundo ay mananatiling buhay.
โ๐ป | ๐๐ข๐ฏ๐ช๐ฆ๐ญ๐ญ๐ฆ ๐๐ข๐ท๐ฆ ๐๐ณ๐ฆ๐ข๐ญ
๐ผ๏ธ | ๐๐ข๐บ ๐๐ถ๐ด๐ด๐ฆ๐ญ ๐๐ข๐จ๐ข๐ฅ๐ณ๐ข๐ค๐ข
๐ป | ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ค๐ด๐ฐ๐ฏ ๐๐ช๐ป๐ค๐ข๐ณ๐ณ๐ข