25/06/2026
Dahil sa mga nangyayari ngayon, bilang isang nanay, talagang nag-aalala ako para sa mga anak ko. Napanood ko kasi 'yung interview tungkol dun sa shooting incident sa isang school
Ayon sa balita, lulong daw sa online game na “GoreBox” ang isa sa mga suspect na estudyante na namaril sa Tacloban City. Sabi ng PNP Director, parang Roblox din daw ito na may barilan at medyo violent. Ginamit pa ng suspect ang baril ng tita niyang pulis laban sa mga kaklase niya. Nakakatakot!
Pero sa totoo lang,
hindi ko naman sinasabi na 'yung games lang ang may kasalanan kung bakit nagawa ng mga suspect 'yun. Malaking bahagi pa rin talaga ang pagkukulang ng parents sa paggabay, lalo na 'yung tita na may-ari ng baril na hindi naging maingat sa pagtatago nito. Ang point ko lang, malaking trigger at influencer din talaga ang mga violent games sa utak ng mga bata ngayon.
Sa Roblox app, YES, totoong maraming ganitong klaseng laro na nagbabarilan. Nakapaglaro na rin ang mga anak ko nito at nakita kong nakakaapekto talaga sa ugali nila. Bakit? Kasi kapag "nategi" o natalo sila sa laro, nababadtrip sila, ateco! Ang ending, nag-aaway silang magkakapatid at nagkakasakitan at may mga hindi magandang words na sinasabi yung Anak ko gaya ng manaksak sa laro nila yun nakuha.
Sign talaga 'yun na may masamang epekto sa kanila.
Kaya ngayon, ang ginawa ko ay tuluyan ko nang binura ang Roblox nila. Hindi ko kasi ma-control lahat ng games sa loob nun dahil hindi lahat may age limit. Madalas, kung ano pa 'yung mga "open for all," 'yun pa ang may bad influence sa mga bata.
Kaya kung naglalaro din ng Roblox ang mga anak niyo, mommies, mas better kung i-check niyo kung anu-anong games ang nilalaro nila para ma-monitor niyo. Kung nakikita ninyong may masamang epekto na ito sa kanila, i-delete niyo na ang app at i-lock ang app store para hindi na sila makapag-download ulit. Ingat po tayo sa mga kids natin!