Katheology

Katheology 🧿 R A N D O M T O T S 🧿 There's nothing wrong with you. There's a lot wrong with the world you live in.

13/12/2024

Kayod lang ng kayod hanggang sa maging gata tayo. 🤣

28/11/2024

Good Vibes! Mabibigyan yung mga marunong maka APPRECIATE ng mga small things sa buhay. 🤙

Mamimigay po ako ng FREE keychain.

Kung makita mo ko sa daan, sa labas, at nakita nabasa mo itong post na to. Wag ka mahiya manghingi mga Be. I got you! 💚

LIKE, SHARE, FOLLOW and let's spread LOVE everyday! 🌈

Advance MERRY CHRISTMAS to all 🎄

Note - 1:1 lang mga Be, para marami ang mabibigyan.

Ngayong ikaw na yung gumagastos.. Nauunawaan mo na kung bakit hindi nagawang bilhin ng Nanay mo yung tinuturo mong larua...
08/11/2024

Ngayong ikaw na yung gumagastos.. Nauunawaan mo na kung bakit hindi nagawang bilhin ng Nanay mo yung tinuturo mong laruan sa tindahan nung bata ka. Sa halip, umuwi kayong may isang de lata ng sardinas na p**a at isang kilong bigas na nasa labo.

Nauunawaan mo na yung sinabi ng Nanay mo na, "Hindi ako tumatae ng pera." Ikaw ngang nakapagtapos, hirap pa, paano pa kaya sila, na diskarte lang ang naging puhunan?

Nauunawaan mo na ngayon kung bakit kahit nahihiya sila, kinailangan nilang mangutang para may pang-field trip ka o di kaya pambili ng uniform mo. Gano'n nga talaga siguro. Gagawin mo raw lahat sa pamilya mo.

Sa totoo lang, nasa punto na ako ng buhay ko na hindi ko na pwedeng sisihin ang mga magulang ko sa naging simula ng buhay namin.

Trenta na ako mahigit sa taon na ito. May trabaho. Para sa akin, sapat nang ginawa nila yung best nila. Gusto ko lang silang i-assure na kami na yung bahala.

Ngayon mas alam na natin ang pakiramdam, dahil tayo na ang bumubuhat, mas mauunawaan na natin sila. Kung anong eksaktong pakiramdam ang mapunta sa gitna ng pagmamahal at paghihirap. Ngayong mas alam mo na ang mas tama, baguhin mo na ang sistema.

At tulad nila, gagawin rin natin ang lahat para sa pamilya.

Sipagan mo lang palagi kasi pangit trato nilakapag wala kang pera. 🙄
05/11/2024

Sipagan mo lang palagi kasi pangit trato nila
kapag wala kang pera. 🙄

Nagsisipag hanggang sa mabili ko din yung gusto ko.
05/11/2024

Nagsisipag hanggang sa mabili ko din yung gusto ko.

✍️ POV - Nakakabili na yung batang iniiyakan lang to dati, dahil walang pambili.While still in the process of healing my...
04/11/2024

✍️ POV - Nakakabili na yung batang iniiyakan lang to dati, dahil walang pambili.

While still in the process of healing my inner child, yung bata na sa birthday at christmas lang nakakatikim ng ice cream, ngayon kahit papaano, kaya na bumili nang ice cream kahit walang okasyon.

Alam ko SMALL WINS to.

Pero sa katulad kong lumaki sa hirap at sapat lang palagi.

Proud ako kasi hindi na ko umiiyak dahil wala ako pambili nito. Thank you po LORD 😇

"HINDI AKO MADAMOT, HINDI RIN AKO NAGBAGO, NATUTO LANG." Ilang beses na rin kasi akong sumasalo ng problema ng iba. Ako ...
04/11/2024

"HINDI AKO MADAMOT, HINDI RIN AKO NAGBAGO, NATUTO LANG."

Ilang beses na rin kasi akong sumasalo ng problema ng iba. Ako itong takbuhan sa oras ng pangangailangan, natataranta pa ako maghanap ng paraan para lang sila ay makausad. Ako itong palaging karamay sa oras ng sakuna o pagsubok.

Palagi akong nandyan para sa kanila. Kahit isang tawag, walang alinlangan.

Pero pag AKO na ang may kailangan, AKO NALANG DIN MAG-ISA.

AKO ang walang mapuntahan.

Kaya natuto akong tumanggi, at maglaan nang para lang sa sarili ko at sa mga iilan na alam kong totoo.

Akala ko tae, opinyon lang pala ng ibang tao.Tama man gawin natin ay may masasabi’t masasabi pa rin mga tao.Deadma lang!...
03/11/2024

Akala ko tae, opinyon lang pala ng ibang tao.

Tama man gawin natin ay may masasabi’t masasabi pa rin mga tao.

Deadma lang!

They don’t pay your bills,
they don’t put food on your table.

Continue your grind.

The people who mind, don’t matter.
And the people who matter, won’t mind.

Gusto ko lang ipaalala sayo na, pinapagod ka man ng buhay, wag ka sanang mapagod magtiwala sa Panginoon.
03/11/2024

Gusto ko lang ipaalala sayo na, pinapagod ka man ng buhay, wag ka sanang mapagod magtiwala sa Panginoon.

Nasanay lang tayo na hindi na natin sila nakikita. Pero kailanman, hindi naman tayo ganap na naghilom sa kanilang pagkaw...
03/11/2024

Nasanay lang tayo na hindi na natin sila nakikita. Pero kailanman, hindi naman tayo ganap na naghilom sa kanilang pagkawala. Kahit matagal na, hindi naman natatapos ang ating pangungulila. 🕊️ 🕯️

Love, Miss & Prayers sent para sa ating mga mahal sa buhay na yumao. 🙏

Address

Arayat
2003

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Katheology posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Katheology:

Share