
19/01/2025
Respeto sa Laban ng Bawat Ina"📍
Ang bawat ina ay may sariling kwento,
sariling lakas, at sariling kahinaan.
Sa kabila ng mga ngiti at tapang,
may mga hindi nakikitang laban na dala-dala natin araw-araw.
Maaaring madali para sa iba
ang mga bagay na tila napakabigat para sa atin,
o kaya nama’y may mga oras na ang ating tagumpay
ay hamon pa rin para sa iba.
Kaya't huwag nating sukatin ang lakas
ng kapwa ina base sa sarili nating kakayahan.
Sa halip,
tayo'y magbigay ng pag-unawa at respeto sa pinagdadaanan ng bawat isa.
Hindi natin alam ang hirap na dinadala ng iba,
kaya’t mas mainam ang bawat ina'y magtaguyod, magpalakas, at mag-alalay sa isa't isa.
bawat sakripisyo, hirap, at pagod ay para sa mga taong mahal natin—mga anak na nagbibigay-kulay at kabuluhan sa ating buhay.
Walang mas magaling na ina, dahil magkakaiba tayo ng sitwasyon sa buhay, 🤍🫂🤍
゚