
23/07/2025
LAGUNA DE BAY, MALAPIT NANG UMAPAW
Malapit nang umabot sa “critical level” ang lebel ng tubig sa Laguna de Bay, dahil sa walang patid na pagbuhos ng ulan, ayon sa Laguna Lake Development Authority (LLDA).
Sa huling ulat ng LLDA, umakyat na sa 12.30 metro ang average water level sa lawa, 8:00 ng umaga ngayong araw, July 23.
0.20 metro na lamang ang layo nito mula sa critical level na 12.50 metro.
Kaugnay nito, nagbigay ng paalala ang ahensiya sa mga LGU na nakasasakop sa paligid ng lawa, at sa mga residenteng nakatira malapit dito na maghanda sa posibilidad ng paglikas.
📷 Opinyon Laguna/Facebook