Epistrepho

Epistrepho "Sharing the Gospel, Strengthening Families." RETURN TO GOD

MATEO 7:13-20VERSE 13 “Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa...
28/02/2026

MATEO 7:13-20

VERSE 13 “Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami.

VERSE 14 Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.”

2 roads
1. Leading to hell
2. Road to salvation

- Juan 10:9 MBBTAG12
Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siya't lalabas, at makakatagpo ng pastulan.

- Mga Kawikaan 16:25 MBBTAG12
May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.

- Mga Taga-Tesalonica 1:8-9 MBBTAG12
[8] na may naglalagablab na apoy. Parurusahan ang lahat ng hindi kumikilala sa Diyos at hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Panginoong Jesus.
[9] Magdurusa sila ng walang hanggang kapahamakan at mahihiwalay sila sa Panginoon at sa dakila niyang kapangyarihan.

- Juan 17:3 MBBTAG12
At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila na iisang tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong isinugo.

- Mga Taga-Roma 12:2 MBBTAG12

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

- Mga Gawa 17:30 MBBTAG12
Sa mga nagdaang panahon ay pinalampas ng Diyos ang di pagkakilala sa kanya ng mga tao, ngunit ngayon ay iniuutos niya sa lahat ng tao sa bawat lugar na magsisi't talikuran ang kanilang masamang pamumuhay.

VERSE 15 “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat.

- Jeremias 23:16 MBBTAG12
Ganito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Huwag ninyong papakinggan ang mga propetang nagpapahayag sa inyo. Pawang kasinungalingan lamang ang sinasabi nila. Ang mga pangitaing kanilang sinasabi ay kathang-isip lamang nila at hindi nagmula sa akin.

- Mateo 24:24 MBBTAG12
Sapagkat may lilitaw na mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kamangha-manghang himala at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang ng Diyos.

- 2 Timoteo 4:3 MBBTAG12
Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig.

VERSE 16 Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman?

VERSE 17 Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno.

VERSE 18 Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno.

- Mga Taga-Galacia 5:22-23 MBBTAG12
[22] Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan,
[23] kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.

- Santiago 3:17 MBBTAG12
[17] Ngunit ang karunungang mula sa langit, una sa lahat, ay malinis, mapayapa, maamo, mapagbigay, punô ng awa, masaganang namumunga ng mabubuting gawa, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari.

- Lucas 6:45 MBBTAG12
[45] Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa kanyang pusong sagana sa kabutihan, samantalang ang masamang tao naman ay naglalabas ng masama mula sa kanyang pusong puno ng kasamaan. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng labi.”

VERSE 19 Ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.

- Mga Taga-Roma 14:12 MBBTAG12
[12] Kaya't bawat isa sa atin ay magbibigay-sulit sa Diyos.

VERSE 20 Kaya't makikilala ninyo ang mga huwad na propeta sa pamamagitan ng kanilang mga gawa.”

- Tito 1:16 MBBTAG12
Ang sabi nila'y kilala nila ang Diyos, ngunit ito'y pinapasinungalingan ng kanilang mga gawa. Sila'y kasuklam-suklam, suwail at hindi nababagay sa gawang mabuti.

- Mga Hebreo 12:14 MBBTAG12
Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.

MGA ARAL

1. May dalawang daan na pagpipilian
- Hindi lahat ng madali ay tama. Ang tamang landas ay kadalasang nangangailangan ng pagsisikap at pagsunod sa Diyos.

2. Mag-ingat sa mga huwad na tagapagturo
- Hindi sapat ang panlabas na anyo o magagandang salita. Kailangan maging maingat at mapanuri.

3. Makikilala ang tao sa kanyang bunga
- Ang tunay na pagkatao ay makikita sa gawa, asal, at resulta ng buhay, hindi lang sa sinasabi.

4. May pananagutan ang masamang bunga
- May kahihinatnan ang maling pamumuhay. Mahalaga ang pamumuhay na tama sa harap ng Diyos.

22/02/2026

kaya ba natin ipagkatiwala sa Diyos ang ating buhay?

22/02/2026
22/02/2026

May pusong handang magtiwala sa Diyos

22/02/2026

May pusong handang magtiwala sa Diyos.



17/02/2026

Silent Service
Seen by God, not by people
Matthew 6:16-18

17/02/2026

Silent Service
Seen by God, not by people
Matthew 6:16-18

Address

Concepcion
2316

Telephone

+639230814624

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Epistrepho posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Epistrepho:

Share