Kamote t.v

Kamote t.v Piliin mong Maging masaya Palagi�

12/09/2024

Hindi naman pare-pareho ang araw.
Maaaring kahapon ay magaan at ngayon baka ang pag-asa ay hindi tanaw.
Hindi mo hawak ang kinabukasan—
Pero puwede kang makipagsapalaran.

Hindi naman kailangan na palagi kang malakas.
Minsan, masarap din ang maramdaman na ikaw ay mahina,
Dahil doon mo madidiskubre kung ano ang ibig sabihin ng buhay—
Doon mo lang malalaman kung paano mabuhay.

Normal lang kung nawawalan ka ng gana.
Hindi naman sa lahat ng oras dapat ikaw ang bida.
Kung kahapon punong-puno ang iyong puso ng inspirasyon—
Hindi rin kasalanan kung nakararamdam ka ng pagsuko ngayon.

Hindi ka nag-iisa.
Lahat ng nararamdaman mo ay hindi kahinaan.
Sa totoo lang matapang ka—
Dahil lumalaban ka sa tahimik na paraan.

Kaya,
Isang mahigpit na yakap,
Para sa tatlong daan at anim na pu’t limang araw na mas pinili mong sabihing —
Ayos lang ang lahat🖤...

25/08/2024

Yung Isang kwatro Naging Hanggang Alas kwatro🤣

02/06/2024

Kung alam ko lang na ganito kalungkot ang reyalidad.
Ang pabilisin ang panahon ay hindi ko na lang sana hinangad.
Minadali ko ang dapat ay payak na mundo—
Kapalit nitong kasalukuyang magulo at komplikado.

Maraming inaasahan at kailangang abutin.
May mga pangarap pang dapat habulin at tuparin.
May bigat sa puso na hindi matukoy kung saan nagmumula—
Nakangiti subalit sa loob ay lumuluha.

Kung alam ko lang na ganito nakakapagod ang buhay.
Hindi na lang sana ako sumuway,
Dahil ang pagtulog noon ay matatawag pang pagtulog—
Hindi tulad ngayon, hindi ko na dama ang pag-idlip at pahinga.

Akala ko dati, mas masaya pagmalaki na.
Nabibili ang bawat naisin at walang problema.
May sarili nang desisyon kung saan man paroroon—
Pero bakit parang hindi ko na alam ang patutunguhan ko ngayon?

Kung alam ko lang—
Sana sinulit ko na lang...

28/05/2024

Maging mabait ka sa sarili mo. Bigyan mo ng magandang haircut ang sarili mo. Pormahan mo. Lagyan mo ng knowledge utak mo. I-angat mo ang value mo. Palupitin mo ang GAME mo. Lagyan mo ng pera ang bulsa mo. Surround mo ng mga solid yung circle of friends mo. Pagandahin mo katawan mo. Improve mo ang mentally & physically mo. I-angat mo ang level mo. Pa-ingayan mo ang clout mo. Gawin mong amazing yung kwento mo..

Etc..

Masyado kang mabait sa ibang tao. Sa sarili mo naman...

22/05/2024

Pasensya na kung labis akong mag-isip.
Madalas, pinangungunahan ko na ang mga bagay na hindi pa naman nagaganap.
Kung binibigyan ko na ng wakas ang isang kuwentong hindi pa nagsisimula—
Iniisip ko nang ito'y maglalaho lang din at mawawala.

Ang totoo, ayaw ko rin naman sa ganito,
Na ako ang lumilikha ng sarili kong multo.
Nasasaktan ako nito—
Dahil ako mismo ang magulo.

Labis ako kung mag-isip at napapansin ko lahat kahit ang pinakamaliit na detalye.
Ang biglaang pagbabago sa pakikitungo.
Nakakabisa ko—
At hindi ko rin ito gusto.

Alam kong mahirap akong unawain.
Mahirap din akong mahalin.
Kaya't kung may darating—
Ipinagpapaalam ko na.

Labis ako kung mag-isip—
At baka dito lang din ako magaling...

18/05/2024

Sabi nila paano mo raw malalaman kapag totoong pag-ibig.

Sabi ko, siguro kapag kahit ilang beses na magbago 'yung tao ay hindi pa rin nagbabago 'yung nararamdaman mo.
Kapag siguro napatunayan mong totoo 'yung sinasabi ng mundo na kapag nagmahal ka ay para kang dadalo nang ilang beses sa lamay ng taong minahal mo dahil sa buong panahong magkasama kayo ay paulit-ulit s'yang mag-iiba ng anyo - ng gusto, ng paborito, ng plano.
Kapag napagdaanan at patuloy mong napagdaraanan 'yon pero hindi kailanman sumagi sa isip mong tumakas na lang.
Kapag sa mga araw na walang kilig, sa halip na hanapin ito sa iba ay pinipili mong makuntento sa kalmado.
Kapag sa mga gabing hindi sigurado kung paano ninyo maisasara ang maliliit na mga away ay nananatili kang sigurado na sa dulo, 'yung taong ito pa rin ang gusto mo makapalitan ng mga panata.
Kapag kahit na magbago ang landas na tatahakin mo ay nananatiling kasama ang pangalan n'ya sa listahan ng mga bibitbitin.
Hindi bibigat, dahil hindi papasanin kundi aakapin.

Sabi nila paano raw malalaman kapag totoo ang pag-ibig,

Sa tingin ko, kapag kahit na hindi na n'ya hawak 'yong mga katangiang mayroon s'ya noong una mo s'yang nakilala ay alam at ramdam mong kilalang kilala mo pa rin s'ya.

Dahil ang pag-ibig, hindi man iisa ang mukha, nagbabago at nag-iiba,

pero subukin man ng distansya o panahon, hamakin man ng sakit, mawalay man saglit,

mananatiling pamilyar,

sabik,

ramdam, kahit hindi ipilit...

15/05/2024

Ang sarap bumalik sa mga panahong simple lang ang buhay.
Noong kamusmusan pa sa ating mukha ang nananalaytay.
Sa mga bagay ay inosente pa ang tingin—
At ang lahat ay magaan lang sa damdamin.

Kakampi pa natin dati ang oras.
Sa bahay lang noon tayo tumatakas.
Walang tayong pakialam sa bukas na darating—
Ang kasalukuyan lang ang mahalaga noon sa atin.

Ang sarap bumalik sa mga panahong simple lang ang problema.
Iniiyak lang natin pagkatapos wala na.
Walang halong pagkukunwari at ang puso ay dalisay—
Lahat ng sinasabi at nararamdaman ay tunay.

Ang sarap siguro ulit tumawa nang totoo.
Ang sarap siguro ulit maging kakampi ang mundo.
Ang sarap siguro ulit umiyak nang hindi pinipigil, nang todo—
Ang sarap siguro bumalik ulit sa batang ako.

Ang sarap sigurong bumalik sa panahong,
Hihipan lang ang sugat—
Pagkatapos ayos na ang lahat....

02/05/2024

“Overthinking steals your life, steals your happiness and steals your smile.”

10/04/2024

You gotta control your emotions
Even in the most painful situation.

23/03/2024

Tama nga sila, kung kanino mo daw mararanasan yung totoong saya. Dun mo rin mararanasan yung tunay na sakit. 🥺💯

Address

San Juan Concepcion Tarlac
Concepcion
2300

Opening Hours

Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+886974359146

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kamote t.v posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Kamote t.v:

Share