30/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | Bilyun ing Pondu, O bat Makalbug Tamu?
Ilang tulay pa ang kailangang gumuho at ilang tahanan pa ang kailangang malubog bago tayo mamulat at maningil ng pananagutan?
โNormal ang ulan, ngunit hindi normal ang paulit-ulit na pagbaha.โ
Mga kabalen, hindi na dapat basta tanggapin ang paulit-ulit na pagbaha sa ating mga komunidad at mga kalapit na lugar. Ang patuloy na pag-ulan ay muling naglalantad sa bigat ng problemang dinaranas ng mga Pilipino: ang pangambang baka sa susunod na pagtaas ng tubig, sariling tahanan na natin ang pasukin, sariling kabuhayan ang matangay, o sariling pamilya ang kailangang ilikas.
Kaya kung hindi ka pa galit, bakit? Hindi ka pa ba nagtataka kung saan napupunta ang bawat buwis na binabayad natin araw-araw?
Sa talaang inilathala ng GMA Integrated News Research noong Agosto 22, 2025, umabot sa โฑ18.58 bilyon ang kabuuang halaga ng mga nakatalang kontrata sa flood control sa Tarlac, batay sa Sumbong sa Pangulo website. Ikaapat ang lalawigan sa inilathalang talaan ayon sa halaga ng kontrata.
Bilyon ang halagang pinag-uusapan. Pondong dapat may katumbas na proteksiyon, maayos na proyekto, at mas ligtas na pamumuhay.
Ngunit habang patuloy ang pag-ulan, patuloy rin ang mga tanong. Nasaan ang mga proyektong ito? Sino ang gumawa at nag-inspeksiyon? Alin ang gumagana, at bakit may mga komunidad pa ring nanganganib? Ano ang naging pakinabang ng bawat pisong inilaan?
Hindi sapat na may halagang nakasulat sa talaan. Kailangang makita at maramdaman ng mamamayan ang resulta.
Ang gobyerno ay para sa tao, hindi ang tao para sa gobyerno.
โGovernment of the people, by the people, for the people,โ wika ni Abraham Lincoln. Pamahalaang nagmumula sa mamamayan, pinatatakbo sa ngalan ng mamamayan, at naglilingkod para sa mamamayan.
Iyan ang diwang dapat makita sa serbisyo publiko. Ngunit kapag ang mamamayan ay kailangang paulit-ulit na magmakaawa para sa proteksiyon at malinaw na paliwanag, makatarungan lamang itanong: naisasabuhay pa ba ang prinsipyong ito?
Hindi tayo nagbabayad ng buwis upang masanay sa pangamba. Hindi dapat ituring na pabor ang serbisyong tungkulin namang ibigay sa atin. May karapatan tayong humingi ng paliwanag kung paano ginagamit ang pondong ipinagkakatiwala natin.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Dahil bawat pisong inilaan sa kaligtasan ay dapat ingatan na parang buhay ng mamamayan ang nakasalalay ritoโdahil buhay nga ang nakasalalay.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Dahil ang paulit-ulit na paglikas at pangamba ay hindi dapat maging karaniwang bahagi na lamang ng buhay ng ating mga kabalen.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Dahil ang isang tahanang pinasok ng baha ay maaaring naglalaman ng maraming taong pagtitipid, mga gamit sa pag-aaral, at kabuhayang matagal na pinaghirapang buuin.
Sira na ang Aquino Bridge at Agana Bridge. Ano pa ang kailangang masira bago natin hingin ang proteksiyong nararapat sa atin?
Noong Agosto 28, 2026, gumuho ang gitnang bahagi ng Aquino Bridge sa Tarlac City. Kinagabihan ng Agosto 29, bumigay naman ang Agana Bridge, at may sasakyang nahulog sa Ilog Tarlac.
Kapag nasira ang tulay, pati pagpunta sa trabaho, paaralan, at ospital ay maaaring maantala. Ang pinsala ay umaabot sa araw-araw na buhay ng mga taong umaasa rito.
At sa minamahal nating Concepcion, mga kabalen din natin ang nangangamba at naaapektuhan.
Dakal na lugar keng Concepcion ing makalbug, dakal na miyayapektuhan keng baha na dapat etamu problema kasi mamayad tamung tamang buwis aldoldo.
Ito ang bigat ng ating hinagpis: ginagawa natin ang ating bahagi, kaya inaasahan nating ginagawa rin ng pamahalaan ang sa kaniya. Hindi garantiya laban sa lahat ng baha ang pagbabayad ng buwis. Ngunit makatwirang asahan ang maayos na paghahanda, epektibong mga proyekto, at agarang pagkilos upang mabawasan ang panganib.
Bago pa ang pinakahuling paglala ng panahon, may mga babala na. Noong Agosto 17, iniulat ng Tarlakenyo ang pangamba ng mga residente at lokal na opisyal tungkol sa ground-sill dam sa Parua River at sa panganib sa Magao, Lilibangan, Castillo, at San Martin. Nanawagan sila ng agarang aksiyon mula sa DPWH.
Pagsapit ng Agosto 29, nanawagan na ang lokal na pamahalaan ng maagang paglikas sa mga lugar na mataas ang panganib ng pagbaha.
Kaya kailangan nating malaman kung ano ang ginawa sa mga naunang babala. Hindi pa napatutunayang ang naturang dam ang sanhi ng lahat ng kasalukuyang pagbaha, ngunit ang mga pangambang inilapit ng mga residente ay nararapat bigyan ng malinaw na sagot.
Huwag nating hayaang ang mensaheng makarating sa gobyerno ay: kaya namin, kami-kami na lang.
Magtulungan tayo. Alalayan natin ang ating mga kabalen. Ngunit hindi katanggap-tanggap na sa taumbayan na lamang ipasa ang mga tungkuling dapat ginagampanan ng mga institusyong may pondo, kagamitan, at kapangyarihang kumilos.
Sa San Isidro, Tarlac City, iniulat na nagtulungan sa emergency sandbagging ang mga boluntaryo, barangay officials, lokal na pamahalaan, pulisya, at militar matapos masira ang bahagi ng d**e. Nararapat kilalanin ang kanilang pagsisikap.
Ngunit hindi dapat matapos sa emergency na pagtutulungan ang tugon. Kailangan ding tiyaking may pangmatagalang proteksiyon at malinaw na pananagutan.
Ang bayanihan ay hindi pahintulot para kalimutan ng pamahalaan ang tungkulin nito.
Hindi awtomatikong patunay ng pagnanakaw ang pagbaha o pagguho. Kaya kailangang siyasatin ang mga kontrata, disenyo, kalidad ng paggawa, maintenance, at kundisyong hinarap ng bawat istruktura. Kung may mapatutunayang kapabayaan, pandaraya, o paglustay, kailangang managot ang mga responsable.
Ang hinihingi natin ay malinaw: ilabas ang mga dokumento, ipaliwanag ang paggamit ng pondo, ayusin ang mga depektong matutukoy, at protektahan ang mga komunidad na nanganganib. Habang ginagawa ito, tiyaking may ligtas na masisilungan at sapat na tulong ang mga apektado.
Kabalen, hindi kailangang hintaying sariling bahay natin ang malubog bago tayo makialam. Hindi kailangang hintaying sarili nating pamilya ang ilikas bago natin maramdaman ang bigat ng nangyayari.
Kaya kung ekayu pa mimwa, kabalen, BAKIT?
At kung galit na tayo, gawin nating simula iyon ng mapanuring pagtatanong, ligtas na pagtulong, at tuloy-tuloy na paghingi ng pananagutan.
Maaaring humupa ang baha. Huwag sanang kasabay nitong humupa ang paghingi natin ng sagot.
โ๏ธ: Prince Drew
๐ผ๏ธ: Dan Lhester Pasion