
25/07/2024
“I FEEL SO KAWAWA🥹. NAIIYAK AKO SA NANGYARI PERO GRATEFUL PA RIN AKO SA GMA.”😱🥹❤️
Naglabas ng saloobin ang Kapuso aktres na si Nadine Samonte tungkol sa nangyari sa kanya sa GMA gala noong July 20, 2024: “I feel so kawawa". Nagbigay siya ng eklusibong pahayag sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.
Nawalan umano si Nadine ng assigned table kahit imbitado naman siya dahilan para magsolo siya sa isang lamesa na nasa number 44 sa pinakadulo at malayo na sa iba niyang kasamahang artista at wala siyang naging ibang kasama roon at aminadong nakaramdaman ng pagiging isang kawawa. Ayon pa kay Nadine ay halos isang taon niyang pinaghandaan ang pagdalo sa nasabing pagtitipon.
Nag-trending kasi na nawalan ng mesa si Nadine kahit imbitado siya ay agad na nagkumpirma matapos matanggap ang invitation.
“Paglabas ko kahapon sa event, hindi ko na natapos yung program. I was so frustrated and so down and lost. Again that's the right word na parang 'what happened?'. Parang ganun yung nangyari sa akin. So, my team was so mad. they hugged me when I went up. Umiyak na ako doon."
Hindi naman umano niya hinihingi ang VIP treatment subalit sana ay naging patas umano ang pagtrato sa mga artista.
"This gala, nag-prepare ako since last year pa. I prepared, nag-check in na ako, last year pa. Binook ko na lahat last year pa. We even had meetings for what to do, for what theme to make. Lahat talaga preparation, gastos... And yet, I was not really expecting na matrato ako as VIP pero I was just wishing na matrato ako fairly lang."
"'Noong binigyan nila ako ng invitation for that gala, nag-RSVP kaagad ako. Kapg hindi ka raw kasama sa RSVP, hindi ka raw makakapasok. So nag-RSVP na ako. I even asked them if I can bring my husband. Pero sabi nila I cannot, walang plus one. So sabi ko, okay sige, It's okay. And then pagdating ko doon... my name was not on the list. Okay, sabi ko pero nag-RSVP po ako. My handler was there also. Tapos sabi, eh wala ka po dito, ano po bang apelyido? Lahat na ng apelyido ko sinabi ko na... Sabi ko, meron po akong show ngayon, iyong 'Forever Young' pero hindi pa ini-air. They were looking, they were thinking saan ako iuupo. Sabi, o sige upo ka nalang dito kina Althea kasi may isa pang seat na pwede. So binigyan nila ako ng number, when I went inside, sobrang puno nung table and all of their names were there."
Bagama't nabigyan pa rin naman siya ng mesang mauupuan, siya na lamang mag-isa doon at nilalapitan na lamang siya ng ibang mga kapwa artista.
“It was dulong-dulong table, and walang nakaupo doon, ako lang. I feel so kawawa na everybody is going sa akin na parang ‘Nadine, are you okay? Okay ka lang ba diyan?"
Sa kabila ng nangyari ay mas pinili ni Nadine na unawain lamang ang organizers at nagpapasalamat pa rin sa GMA. Hiling lamang niyang maging maingat na ang mga organizers nito sa susunod.
“Masama lang talaga 'yung loob ko Tito Ogie. pero it's okay. I'm thankful naman sa GMA kahit papano na-invite ako sa ganitong malaking event talaga na once a year. And I'm thankful also kasi meron akong bagong show with them. I hope next year, the production will be more vigilant.” mahabang paliwanag ng aktres. ❤️