20/09/2025
✨✨ Cake Photography Tips para sa Homebakers ✨✨
1. Hanap ng magandang natural light
– Ilagay sa tabi ng bintana yung cake mo, mas maganda sa umaga or late afternoon para soft ang glow. Walang kailangan na mamahaling ilaw!
2. Linisin ang backdrop
– Kahit chopping board, plain na pader, o kurtina, basta walang kalat para star si cake.
3. Ayusin ang base
– Wooden tray, white table, o kahit tablecloth na cute, dagdag warmth pero di nang-aagaw eksena.
4. Maglaro sa angles
– Straight shot kung classic look, 45° kung gusto mo may depth, overhead kung gusto mo ipakita toppings or slice.
5. Props na meron ka lang
– Herbs, dried citrus, flowers, o favorite mug mo. Konti lang para di matabunan si cake.
6. Light editing lang
– Brighten or ayusin konti colors sa phone mo, pero huwag sobra para totoong itsura pa rin ng cake.
7. Iwas shaky hands
– I-steady ang phone sa table o gumamit ng mura lang na tripod. (Or just hold your breath bago i-click 😅)
Ayun lang! Not against AI but we must learn how to do cake photography para hindi ma-expectation VS. reality ang customer mo.
-Zen Cuevas / Cake Fairy PH 💜