
25/07/2025
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐&๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Bilang bahagi ng layunin nitong mas mapahusay ang mga programa para sa kabataan sa rehiyon, nagsagawa ng Monitoring and Evaluation (M&E) Learning Session ang Bangsamoro Youth Commission (BYC) katuwang ang National Youth Commission (NYC) upang palalimin ang kaalaman ng kanilang mga kawani sa pagsubaybay, pagsusuri, at paggabay sa mga youth development initiatives sa Bangsamoro region.
Ang dalawang araw na pagsasanay ay isinagawa sa Quezon City at nakatuon sa pagbibigay ng teknikal na kaalaman sa paggawa at pagpapatakbo ng mga M&E systems, na inangkop mula sa karanasan ng NYC sa pagpapatupad ng Philippine Youth Development Plan (PYDP).
Sa pamamagitan ng mga lecture at interactive discussions, natutunan ng mga kalahok kung paano bumuo ng measurable indicators, results-based frameworks, at kung paano iaakma ang mga ito sa Bangsamoro Youth Development Plan (BYDP).
Kabilang sa mga tinutukan sa training ang paggamit ng logic model, pagtatakda ng baseline data at performance targets, pagtiyak ng agency compliance sa reporting, at integrasyon ng M&E sa mas malawak na implementasyon ng mga youth policies sa rehiyon.
Ayon sa BYC, ang naturang hakbang ay mahalaga upang masigurong ang mga programa ng pamahalaan para sa kabataan sa BARMM ay nakabatay sa datos, masusukat ang tagumpay, at tunay na tumutugon sa pangangailangan ng kabataang Bangsamoro.
Photos| Bangsamoro Youth Commission