05/12/2023
DESIDIDO ang Moro National Liberation Front o MNLF na sumabak sa kauna- unahang BARMM Regional Election sa 2025 sa pamamagitan ng kanilang pag organisa sa Bangsamoro Party o BAPA.
Ito ang nabatid mula kay Member of Parliament Datu Romeo Sema na sya ring Vice Chairman for Political Affairs ng MNLF.
Binigyan diin ng opisyal na bilang parte ng Democratic Process ay binuo ang nasabing partido kung saan nakasaad mismo sa Bangsamoro Electoral Code na magkakaroon ng malayang pakikilahok ang publiko sa darating na halalan.
Sa kasalukuyan nagpapatuloy ang orientation, membership registration at pagpupulong na isinasagawa ng nasabing Political Party sa ibat-ibang probinsya ng BARMM.
Bilang partido ay dumaan ang nasabing BaPa Partylist sa Party Nominations, 10,000 Membership at isumite sa Bangsamoro Electoral Office at accredited na sa Commission on Election na may matatag na Principled Political Party.
Nilinaw din ng opisyal na ang hakbang na ito ng MNLF ay hindi kailanman pangongontra sa kasalukuyang administrasyon ni Interim Chief Minister Ahob Balawag Ebrahim Al-hajj.
Kahit sino aniya ay malayang lumahok basta't dumadaan sa pagsusumite ng kaukulang Requirements. (Jom Dimapalao)