30/09/2025
HINDI SAPAT NA TIMBANG AT MABABANG KLASE NG BIGAS SA HALAGANG 1,500pesos NADISKUBRE NI MAYOR ABDULMAIN ABAS
DOS-MDN |: Ikinagalit ni Mayor Abdulmain Abas ang pagkadiskubre nito sa hindi sapat na timbang at mababang klase ng bigas na syang ipapamahagi sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Walang Gutom Program sa kanilang Redemption Day ngayong araw September 30, 2025 sa Municipal Covered Court.
Sa kanyang regular na pagmomonitor tuwing redemption day ng Walang Gutom Program sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, nadiskubre ni Mayor Abdulmain Abas at Councilor Sorab Lumanggal ang hindi sapat na timbang ng bigas. Mula sa napagkasunduang 25Kilos ay 21kilos lamang ito. Mismong ang alkalde ang nanguna sa pagtimbang hindi lang isang sako kundi tatlong sako ng bigas ang sinuri ng alkalde.
Pangalawa, ang mababang klase o kalidad ng bigas na nagkakahalaga umano ng 1,500pesos. Ipinarating nito sa supplier ng bigas na palitan ang lahat ng mga bigas.
Tahasang sinabi ni Mayor Abas na sa kanya administrasyon, hinding-hindi nito palalampasin ang ganitong gawaing panloloko sa kanyang mga kababayan.
Ang bayan ng Datu Odin Sinsuat ay tunay na pinagpala na magkaroon ng isang lider na may puso para sa bayan at handang magsilbi sa kanyang mga kababayan.
SOURCE: Municipal Information Office - Datu Odin Sinsuat