25/12/2025
Cotabateños narito ang maiksing review namin sa unang dalawang pelikulang napanood namin sa MMFF51. Ang dalawang most anticipated film sa MMFF ngayon taon ang Bar Boys After School at Call Me Mother.
1. Bar Boys After School (4 stars)
Part 2 ito ng movie na Bar Boys, kung hindi mo pa napapanood ang Part 1 ay mas mabuting unahin mo muna ito panoorin bago ka manood ng Part 2 dahil siguradong di mo agad agad maiintindihan ang pelikula. Libre lamang ito sa youtube, pero dahil sa napanood ko ang part 1 ay labis kong na appreciate ang movie na ito. Kwento ng mag kakaibigan na naging lawyers na ngayon, at may kanya kanya ng buhay at problemang kinakaharap, si Chris na iniwan ang girlfriend para sa law school, ay may di maganda ending sa naging asawa nya ngayon, si Toran na happy go lucky ay hindi naman masyado na establish kung ano ang gusto nya talagang gawin sa buhay nya, si Eric Vicencio naman ay naging isang patunay na ang Law is a one of the most noblest profession. Being a top notch in his batch pinili nya pa din na tulungan ang mga mahihirap at tumanggap ng pro bono cases, Josh the one who failed the entrance exam for law school at nag change career at nag artista na lamang, pero dahil sa pag ka laos, sinubukan nyang muli ang law school, kung saan magiging ka study group nya sina Arvin (Will Ashley), and Trisha (Sasa), kung saan si Arvin ay may isa sa pinaka nakakatouch na eksena, sobrang hirap talagang pag sabayin ang law school at trabaho. All in all, the best ang movie na ito. Makaka relate ang bawat estudyante di lamang mga lawyers.
2. Call Me Mother (3 stars)
Ito na ata ang pinaka magandang pelikula na nagawa ni vice, kwento ito ni twinkle na kung saan buong puso, at halos ibuwis ang buhay para maalagaan ang ampon nitong si Angelo, si Mara (Nadine) ang biological mother ni Angelo, pero inabandona niya ito, sa kagustuhang maging isang beauty queen. Sa pelikulang ito ay may mga kwela scenes pa din lalo na yung walang humpay na sampalan, hagikhik ang mga tao sa loob ng sinehan, all in all 3 stars ang ibibigay namin dahil napaka husay.na pag ganap nila Vice Ganda at napakagandang storyline.
Bukas abangan ang aming review sa mga iba pang magagandang pelikula sa MMFF..