31/08/2023
𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝙎𝙤𝙪𝙡
Ang naka-post na larawan na iyong nakikita ay infographic na nakabatay sa mga pahayag ni Alláh sa Qur’án at sa mga kapaliwanagan ni propeta Muhammad (ﷺ) patungkol sa reyalidad ng buhay ng tao. Maraming yugto at baitang ang dadaanan at mararanasan ang bawat isa sa atin.
Ang tinatamasang kapanatagan ng mga napapanatag dito mundo ay pansamantalang aliw lamang. Ganun din naman ang mga dumadanas ng kahirapan, pighati at pagdurusa dito ay panandalian lang din naman.
Alam kong pagod kana, pakatatag kalang at doon na tayo magpahinga sa mataas na antas ng Paraiso, insha Alláh. Kailangan mo lang maghanda at gumawa ng mga gawaing ikalulugod ng Nagmamay-ari ng kaluluwa mo at ng Paraisong hinahangad mo.
Upang mapanatag ang kalooban mo, basahin mo ng may pagninilay-nilay ang sumusunod na taludtod, harinawa ay gumaan ang naliligalig mong kalooban.
------------------------------------------
Sinabi ni Alláh:
إِنَّمَا هَٰذِهِ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا مَتَاعٌ وَإِنَّ الْآخِرَةَ هِيَ دَارُ الْقَرَارِ
“𝐀𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐧𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐭𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐢𝐲𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠, 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠-𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 – 𝐢𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐞𝐫𝐦𝐚𝐧𝐞𝐧𝐭𝐞𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐫𝐚𝐡𝐚𝐧.”
[Qur’an, Surah Ghafir: 9]
Sinabi ni Propeta Muhammad (ﷺ):
لو كانتِ الدُّنيا تعدلُ عندَ اللهِ جناحَ بعوضةٍ ما سقى كافرًا منها شربةَ ماءٍ
المحدث : الألباني | المصدر : صحيح الترمذي
“𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐲 𝐀𝐥𝐥𝐚𝐡 𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐦𝐛𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐤𝐩𝐚𝐤 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐦𝐨𝐤, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐍𝐢𝐲𝐚 𝐡𝐚𝐡𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐢𝐧𝐨𝐦 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐛𝐢𝐠 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐫𝐢𝐭𝐨.”
- Hadith Sahih
Walang halaga ang mundong ito sa ganang kay Allah. Kung ito ay mahalaga sa Kanya, hindi na Niya sana pinainom ang mga taong kumakaila at lumalapastangan sa Kanya, sapagkat ang tubig na ito ay maipagkakait sa kanila sa Kabilang-buhay.
Sinabi ni Propeta Muhammad (ﷺ):
“𝐀𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐫𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐈𝐦𝐩𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐨 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐠𝐢𝐧𝐡𝐚𝐰𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐚𝐧 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨 𝐚𝐲 𝐢𝐬𝐚𝐰𝐬𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐞𝐬𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐈𝐦𝐩𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚, “𝐎 𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐀𝐝𝐚𝐧, 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬 𝐤𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐠𝐢𝐧𝐡𝐚𝐰𝐚𝐚𝐧? 𝐒𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚 “𝐀𝐛𝐚, 𝐬𝐮𝐦𝐩𝐚 𝐦𝐚𝐧, 𝐰𝐚𝐥𝐚!”
𝐀𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐚𝐲 𝐢𝐡𝐚𝐡𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐢𝐬𝐨 𝐧𝐚 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐧𝐚𝐬 𝐧𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐢𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨, 𝐢𝐬𝐚𝐬𝐚𝐰𝐬𝐚𝐰 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐢𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐞𝐬𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚, “𝐎 𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐀𝐝𝐚𝐧, 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐧𝐚𝐬 𝐤𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐨𝐨𝐧? 𝐒𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚: “𝐀𝐛𝐚’𝐲 𝐰𝐚𝐥𝐚, 𝐬𝐮𝐦𝐩𝐚 𝐦𝐚𝐧. 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐢𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐧, 𝐧𝐢 𝐚𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐮𝐫𝐮𝐬𝐚.”
Saheeh Muslim, #2807, and Mosnad Ahmad, #12699.
Si propeta Muhammad (ﷺ) ay nagsabi:
𝐀𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬-𝐭𝐚𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢 𝐀𝐥𝐥𝐚́𝐡 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐛𝐢: “𝐈𝐡𝐢𝐧𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐰𝐢𝐝 𝐧𝐚 𝐚𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐚, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐫𝐢𝐧𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐢𝐧𝐠𝐚 𝐚𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐚𝐫𝐨𝐤 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐢𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨.” 𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐧𝐢𝐲𝐨, 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐢 𝐀𝐥𝐥𝐚𝐡 (𝐐𝐮𝐫'𝐚𝐧 𝟑𝟐:𝟏𝟕) :
فَلَا تَعۡلَمُ نَفۡسٞ مَّآ أُخۡفِيَ لَهُم مِّن قُرَّةِ أَعۡيُنٖ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
“𝐀𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐥𝐮𝐰𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐢𝐧𝐚𝐠𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐚 𝐢𝐤𝐚𝐥𝐮𝐥𝐮𝐠𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐧𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐨𝐨𝐧.”
Inulat nina Bukhari, 3244 at Muslim 2823
------------------------------
“Allah, I ask You for Paradise and for that which brings one closer to it, in word and deed, and I seek refuge in You from Hell and from that which brings one closer to it, in word and deed. And I ask You to make every decree that You decreed concerning me good.”
𝗠𝘂𝗮𝗺𝗺𝗮𝗿 𝗔𝗱𝗮𝗺
August 30, 2023
Manila