Maguindanao Information Committee Sultan Kudarat Al-Garbie Chapter

  • Home
  • Maguindanao Information Committee Sultan Kudarat Al-Garbie Chapter

Maguindanao Information Committee Sultan Kudarat Al-Garbie Chapter We give legitimate information for Bangsamoro people.
(3)

BARMM Moral Governance 💚
28/07/2025

BARMM Moral Governance 💚

Bangsamoro Organic Law: Bunga ng Kasunduan, Simbolo ng Sariling Pamamahala

Pitong taon na ang nakalipas ngayong araw, ika-27 ng Hulyo 2018, nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Bangsamoro Organic Law (BOL), isang makasaysayang batas na naglatag ng pundasyon para sa pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Pitong taon na ang nakalipas ngayong araw, ika-27 ng Hulyo 2018, nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang BOL, isang makasaysayang batas na naglatag ng pundasyon para sa pagtatatag ng BARMM.

Ang Bangsamoro Organic Law, na nakaugat sa 2014 Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front (M**F), ay nagsasabuhay sa matagal nang mithiin ng Bangsamoro para sa pagkilala, sariling pamamahala, at tunay na awtonomiya sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Ang pagpirma sa BOL ay naging mahalagang hakbang tungo sa matagal nang inaasam na kapayapaan sa Mindanao, at nagbunsod sa paglikha ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) na siyang namuno sa rehiyon sa panahon ng transisyon, at bumuo ng mga institusyon at batas para sa pamahalaang Bangsamoro.

Mula nang maisabatas, ang BOL ay nagsilbing sagisag ito sa Moral Governance, inklusibong pag-unlad, at ang matagal nang pagkilala sa karapatan ng Bangsamoro sa sariling pagpapasya, isang haligi ng proseso ng kapayapaan sa Pilipinas, at tanglaw ng pag-asa para sa katarungan, kaunlaran, at pagkakaisa.

Sa paggunita natin sa makasaysayang araw na ito, muli nating pinagtitibay ang ating pangako na itaguyod ang mga naipong tagumpay ng kapayapaan, palakasin ang mga komunidad, at patatagin pa ang Bangsamoro para sa kasalukuyan, at susunod pa na mga henerasyon.

©️2025M**FchairmanOfficial

Source/Photo from M**F Chairman Official/Facebook

MADRASA NORMAIDA BINT SALIH kaganapan ngayun araw  ng Linggo july 27 ang CONVERSATION ng MADRASA NORMAIDA BINT SALIH Nak...
27/07/2025

MADRASA NORMAIDA BINT SALIH

kaganapan ngayun araw ng Linggo july 27 ang CONVERSATION ng MADRASA NORMAIDA BINT SALIH
Naka kuha ng mga certificate ang mga mag aaral sa unang ikhtibar sa madrasa

MUSABAQA UPDATES 2025Matagumpay na natapos ang musabaqa ng madrasa NORMAIDA BINT SALIH AL ISLAMIE ngayung araw ng Linggo...
27/07/2025

MUSABAQA UPDATES 2025

Matagumpay na natapos ang musabaqa ng madrasa NORMAIDA BINT SALIH AL ISLAMIE ngayung araw ng Linggo july (26, 27) 2025.

Na pinangunahan ng kanilang Muderah na si
Ustadza ARMAIDA SALI at mga kasama nitong nag tuturo na sila HABEL SALI, SAMER SALI
at ABDULRAUF USMAN Lubos silang nag papasalamat sa mga parents na sumusuporta sa kanilang mga anak.


MUSABAQA UPDATES 2025Matagumpay na naisagawa ng Mahad Namkir Al-islamiyah ang pagsasagawa ng kanilang Musabaqa Sports an...
27/07/2025

MUSABAQA UPDATES 2025

Matagumpay na naisagawa ng Mahad Namkir Al-islamiyah ang pagsasagawa ng kanilang Musabaqa Sports and Academic Subject na ginanap sa Kirkir Sultan Mastura Maguindanao del Norte noong July 26, 27, 2025.

Sa pangunguna ng kanilang Muder Ustadz Abdulnasser Namra kasama kanyang mga asatidz sa Mahad.

COMMITTEE ON TARBIYAH AND EDUCATION Province of Maguindanao
26/07/2025

COMMITTEE ON TARBIYAH AND EDUCATION
Province of Maguindanao

BARMM Moral Governance 💚
25/07/2025

BARMM Moral Governance 💚

Labis ang pasasalamat ng Mahad Assadiqeen Litalimel Kitab wa Sunnah, Inc. sa MARAWI City sa ibinahaging mga MBHTE-designed armchairs mula sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE).

Anya, malaking bagay at tulong ito sa kanilang paaralan. Nagpaabot rin ng pasasalamat ang paaralan sa MBHTE Directorate General for Madaris Education sa pamumuno ni Director General Prof. Tahir G. Nalg.

(Photo from Mahad Assadiqeen/Facebook)

BARMM Moral Governance 💚
24/07/2025

BARMM Moral Governance 💚

Tumanggap ng 566 dami ng Learners Kits mula sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang mga mag-aaral ng Pilot Provincial Science High School and Technology nuong July 22, 2025.

Ang inisyatibo ay bahagi ng mga programa ng MBHTE sa kanilang Project IQBAL o Improving Quality Education in the Bangsamoro Land.

Nais ng MBHTE na masuportahan ang mga mag-aaral ng sa ganuon ay walang batang Bangsamoro ang mapag-iiwanan.

(Photo from BMN/Facebook)

BARMM Moral Governance 💚
23/07/2025

BARMM Moral Governance 💚

Patuloy ang ginagawang pamamahagi ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ng mga MBHTE-designed armchairs sa iba't ibang paaralan sa BARMM

Labing anim (16) na paaralan mula sa Lanao Del Sur 1, Maguindanao Del Sur at Maguindanao Del Norte ang muling nabigyan ng mga upuan mula sa MBHTE mula July 11 hanggang July 20, 2025.

Ito bahagi ng mga programa ng MBHTE sa pamumuno ni Minister Mohagher M. Iqbal sa kanilang flagship program na PROJECT IQBAL.

(Photo of MBHTE/Facebook)

22/07/2025

Actual na kuhang vedio sa mga residenti habang nasusunog ang Public Market nang Parang Maguindanao del Norte kaninang umaga ng Alas 3 ng madaling araw July 22, 2025.

CCTO Nhawe pantao

Breaking News | Sunog sa Public Market ng Parang Maguindanao del Norte Nasunog ang Parang Public Market sa Maguindanao d...
21/07/2025

Breaking News | Sunog sa Public Market ng Parang Maguindanao del Norte

Nasunog ang Parang Public Market sa Maguindanao del Norte ngayong Martes ng madaling araw, Hulyo 22, 2025. Mabilis na kumalat ang apoy at maraming tindahan nasira dahil sa sunog.

Batay sa ulat nagsimula sunog pasado alas 3 ng madaling araw at wala namang naiulat na nasaktan, pero marami ang nawalan ng hanapbuhay. Nag-imbestiga na ang mga pulis at bumbero para malaman kung paano nagsimula ang sunog. Nakakalungkot ang nangyari pero umaasa ang lahat na makakabangon ang mga residente ng Parang.

CCTO : https://www.facebook.com/share/p/1JKc3YHvH1/



BARMM Moral Governance 💚
21/07/2025

BARMM Moral Governance 💚

M**F, PINANGALANAN SI ENGR. MOHAJIRIN ALI BILANG BAGONG CHAIRMAN NG INFORMATION COMMITTEE NG ORGANISASYON

Pormal ng ipinasa ni Moro Islamic Liberation Front (M**F) First Vice Chairman Mohagher Iqbal ang responsibilidad bilang Chairman ng Information Committee kay Engr. Mohajirin Ali.

Si Engr. Ali ay kasalukuyan rin Bangsamoro Director General ng Bangsamoro Planning and Development Authority ng Bangsamoro Government.

Ginawa ng turnover ng katungkulan sa Bangsamoro Leadership and Management Institute (BLMI) sa Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, July 20, 2025.

Ang Information Committee ng M**F ay pinamunuan ni Vice Chairman Iqbal sa matagal na panahon ngunit ngayon ay kanya na itong ipinasa matapos syang maitalaga bilang bagong First Vice Chairman ng M**F.

Sinaksihan naman ng lahat ng Provincial Directors ng Committee mula sa iba't ibang probinsya ng BARMM ang seremonya, simbolo ng suporta at matibay na pundasyon upang mas lalo pang mapaghusay ang paghahatid ng mahahalagang impormasyon.

Kaugnay nito, pinangalanan ring Vice Chairman ng Information Committee si Mr. Marjanie Mimbantas Macasalong.

(Photo from Engr. Mohajirin Ali/Facebook)

Source: Luwaran website

BARMM Moral governance 💚
21/07/2025

BARMM Moral governance 💚

Mga pasyente ng tatlong hospital, makakabenepisyo sa tulong medikal mula sa tanggapan ni Member of the Parliament Mohagher M. Iqbal

Dalawang Milyong (P2-MILLION) halaga ng tulong medikal ang ibinahagi sa tatlong hospital sa Maguindanao Del Norte at Cotabato City.

Narito ang mga hospital na ito:
1. Datu Odin Sinsuat District Hospital,Dalican, DOS, MDN- P1,000,000
2. EROS Hospital, Tamontaka, Cotabato City - P500,000
3. Doc Sweet Lying in Clinic, Cotabato City - P500,000

Inaasahang maraming matutulungang lubos na nangangailangan ang inilaang pondo ng tanggapan ni MP Iqbal.

Address


Telephone

+639676919890

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Maguindanao Information Committee Sultan Kudarat Al-Garbie Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Maguindanao Information Committee Sultan Kudarat Al-Garbie Chapter:

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share