16/11/2025
“MAY PLINANO AKO NG ILANG TAON BAGO KO INIWAN ANG ASAWA KO…”
Ganun po pala noh, gagawin mo lahat para sa anak mo kahit na umabot pa ng ilang taon pagtitiis sa pagccheat ng asawa ko. Siguro kasi malakas loob ng asawa ko dahil alam niya wala akong trabaho, nagaalaga lang ng anak hindi nakapagtapos ng pagaaral kaya buong buhay namin ng anak ko dumepende kami sakanya.
8 years kaming kasal ng mister ko at 3 years doon nagccheat sya sakin, ganon katagal. Habang tumatagal relasyon nila nitong babae, nagiging open relasyon nila sakin. Nagiiloveyou mister ko sa kausap niya, may tinatawag na “love” sa fone habang katabi lang ako. Never ako nagsalita, hindi para magstay siya samin kundi may plinano ako.
Dahil wala nga akong trabaho, at hindi ko naman maiiwan anak ko sa iba para alagaan, naisip ko mag ipon at inabot ako ng 3 taon para makaalis sa puder ng asawa ko. Matagal man pero worth it. Every kinsenas katapusan nagbibigay yan ng pera sakin para ibudget ko sa bahay. Tatlo lang kami pero malaki ang budget niya.
Hindi siya nagtitipid pagdating sa pagkain at mga needs ng anak ko. Sobra lagi ang bigay nya dati gnagamit ko yun pansarili kong gastos nakakagala pa with friends pero for 3 years nagtyaga ako na madalas nasa bahay lang para makaipon. Minsan sinasabi ko sa asawa ko na may ganitong need anak ko sa school tapos malaki nabibigay nya.
YUng budget namin sa pagkain, binawasan ko kaya nagtipid ako sa niluluto ko at grocery na hindi napapansin ng asawa ko. Kelangan dumiskarte para makaalis. Hanggang nakaipon ako ng nasa 6digits, kasi yung naiipon ko pinanguutang ko din tapos tinutubuan, sa mga kaibigan lang naman at nagbabayad din on time, buti na lang talaga.
Sinakto ko aalis asawa ko ng 3 araw sabi nya business trip pero alam ko naman saan siya pupunta noon kasama babae nya. Sa loob ng 3 araw niligpit ko gamit namin ng anak ko, unti lang naman gamit namin. Bago pa kami makaalis, nakahanap na ako ng malilipatan namin ng anak ko, malayo sa asawa ko, nakahanap din ako ng school na malapit sa bagong bahay, nilipat ko din anak ko.
Tahimik akong kumilos, para magkaroon kami ng panibagong buhay ng anak ko, may maliit na sari sari store din ako sa tapat bahay, inallow ako ng may ari para may pagkakitaan. Tuloy tuloy pa din pgpapautang ko sa mga kaibigan kaya naikot pera ko. Kumilos ako ng hindi alam ng asawa ko, at nag ipon din ako ng mga proof ng pagccheat niya sa loob ng 3 taon.
Ngayon hindi nya alam kung nasan kami, tinatawagan at chinachat niya ako madalas pero tahimik na ang pamumuhay namin ng anak ko. Mahirap pnagdaanan ko pero worth it naman ngayon, kung sakali man mahanap parin kami ng asawa ko may proof naman ako sa pgloloko nya kaya hindi nya kami mababawi muli.