26/09/2025
ππππππππππ πππππππππ ππππππ πππππππ: βπππ πππππ πππ πππππππππ ππ ππππππππππβ
Sa gitna ng mainit na diskusyon sa Senado kaugnay ng isyu ng pagbabalik ng perang ninakaw sa taumbayan, muling umalingawngaw ang panawagan ng mga Bangsamoro na igalang at tuparin ng pamahalaan ang obligasyon nito sa Transitional Justice and Reconciliation (TJR) isang mekanismo na matagal nang hinihintay ng mamamayan upang tugunan ang dekada-dekadang historical injustices.
Ayon kay Senator Robin Padilla, hindi dapat isantabi ang kasaysayan ng mga Bangsamoro. βMeron pong historical injustice na nangyari sa mga Bangsamoro. Kung ang usapin po natin ay sisingilin natin ang inang bayan sa mga utang nito, dapat itong dumaan sa batas at proseso. Kaya nga may Bangsamoro Organic Law at BARMM,β ani Padilla.
Kasabay nito, ngayong araw ay muling ginunita ang Palimbang Massacre na naganap noong Setyembre 24, 1974, isa sa pinakamadilim na kabanata sa kasaysayan ng Mindanao. Sa loob ng H. Hamsa Tacbil Mosque sa Malisbong, Sultan Kudarat, mahigit 1,000 inosenteng sibilyan ang pinatay ng militar. Daan-daang kababaihan ang dinahas at libu-libong pamilya ang napilitang lumikas.
Para sa mga Moro leaders, malinaw na ito ang tinutukoy nilang βutang ng bayan sa Bangsamoro.β
Sa Bangsamoro Parliament, muling iginiit ni Member of Parliament (MP) Mohagher Iqbal na dapat isulong ang Transitional Justice and Reconciliation Bill bilang konkretong hakbang upang kilalanin ang nakaraan at itaguyod ang katarungan. βAng TJR ay hindi lamang para sa nakalipas, kundi para rin sa hinaharap. Kung walang hustisya, hindi magiging ganap ang kapayapaan,β pahayag ni Iqbal sa kanyang sponsorship speech.
Maging ang mga peace advocates gaya ni Amir Dodo ay nanindigan na kailangang seryosohin ng gobyerno ang usapin ng historical injustice, hindi lang sa pamamagitan ng decommissioning ng mga dating mandirigma ng M!LF, kundi sa pagtupad ng mga nakasaad sa kasunduan: amnesty, reparations, recognition ng mga biktima, at mga programang panlipunan para sa mga naulila at naapektuhan ng giyera.
Para sa maraming Bangsamoro, ang Palimbang Massacre at iba pang malagim na karanasan gaya ng Manili Massacre at Jabidah Massacre ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan, kundi buhay na paalala ng mga utang na kailangang bayaran utang ng katarungan, ng pagkilala, at ng tunay na pagbabago.