06/09/2026
SAKOToure, TINANGKILIK SA PHILIPPINE TRAVEL MART
Tampok sa Philippine Travel Mart ang mga SAKOtoure, mga produktong likha ng mga babaeng Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng Cotabato City Jail na kalaunan ay naubos o sold out sa naturang event.
Ginawa mula sa mga recycled na sako ng harina, ang SAKOtoure ay ginupit, tinahi at binigyan ng panibagong anyo ng mga babaeng PDL bilang bahagi ng kanilang livelihood at skills development.
Naging posible ang paglahok ng mga produkto sa Philippine Travel Mart sa pamamagitan ng suporta ni Vice Mayor Mary Joy Stephanie Uy Midtimbang, na patuloy na nagbibigay ng pagkilala at oportunidad sa mga likha ng mga babaeng PDL.
Ayon sa mga tagasuporta ng proyekto, higit pa sa isang produktong gawa sa recycled materials ang SAKOtoure dahil nagsisilbi rin itong patunay sa sipag, pagkamalikhain at kakayahan ng mga babaeng PDL.
Sa pagkakaubos ng mga produkto, naipakita rin ang pagtanggap ng publiko sa mga gawang Cotabateño at ang potensyal ng mga livelihood products bilang paraan upang mabigyan ng bagong pagkakataon ang mga PDL.