26/01/2026
"ANG HUKOM SA PAGHINGI NG BABAE NG ṬALAQ (DIVORCE) SA KANYANG ASAWANG LALAKI "
📌Hindi pinapahintulutan sa Islam ang isang babae na humingi ng Ṭalaq (diborsyo) sa kanyang asawang lalaki nang walang sapat at makatarungang dahilan, sapagkat ito ay ipinagbabawal (ḥaram). Ang kapangyarihan ng Ṭalaq ay nasa lalaki, at hindi likas na nasa babae, maliban kung may lehitimong dahilan o sa pamamagitan ng khulʿ ayon sa batas ng Islam. Kapag ang isang babae ay humingi ng Ṭalaq sa kanyang asawa nang walang sapat na dahilan, ipinahayag ng Sugo ni Allah (SAWS) na ipagkakait (haram) sa kanya ang simoy ng Paraiso.
📍Hangga’t ang asawang lalaki ay:
☁️ nagsasagawa ng ṣalah,
☁️may mabuting pakikitungo sa kanyang asawa,
☁️nagbibigay ng nafaqah (pinansyal na suporta),
☁️walang bisyo tulad ng alak at droga,
☁️ inaalagaan at iginagalang ang kanyang asawa at mga kamag-anak nito,
☁️ masunurin sa kanyang mga magulang sa kabutihan,
☁️at tinutupad ang kanyang mga obligasyon sa deen,
👉🏼👉🏼hindi pinapahintulutan ang babae na humingi ng Ṭalāq dahil lamang sa munting hindi pagkakaunawaan o emosyonal na dahilan.
Sinabi ng Propheta (SAWS):
أَيُّمَا امْرَأَةٍ سَأَلَتْ زَوْجَهَا طَلاقًا فِي غَيْرِ مَا بَأْسٍ فَحَرَامٌ عَلَيْهَا رَائِحَةُ الْجَنَّة
📚"Sinumang babae na humingi ng Talaq na walang sapat na kadahilanan ay magiging Haram sa kaniya ang simoy ng Jannah." [Abu Dawood, Tirmidhi, Ibn Majah]
📌MGA KONDISYON NA ITINUTURING NA LEHITIMONG DAHILAN PARA HUMINGI ANG BABAE NG ṬALAQ
(Valid reason)
Maaaring humingi ng Ṭalaq ang isang babae kung:
☄️1. Ang asawang lalaki ay hindi nagsasagawa ng ṣalāh; sa ganitong kalagayan, wājib ang paghihiwalay.
☄️2. Ang lalaki ay hindi nagbibigay ng nafaqah sa asawa at mga anak.
☄️3. Ang lalaki ay gumagawa ng mga ḥaram, tulad ng:
⚡pag-inom ng alak,
⚡ paggamit ng droga,
⚡pakikiapid (zina),
⚡o pabaya sa mga obligasyon sa deen.
☄️4. Ang lalaki ay nanakit (pisikal o matinding sikolohikal) sa kanyang asawa.
☄️5. Ang lalaki ay nakulong o nasentensiyahan, at ang pananatili ng babae sa kasal ay magdudulot ng kapahamakan sa kanya. (Bagama’t ang ṣabr ay mas mainam kung kaya)
☄️6. Ang lalaki ay suwail sa kanyang mga magulang.
☄️7. Ang lalaki ay hindi nagbibigay ng makatarungan at angkop na pakikitungo sa kanyang asawa.
☄️8. Ang lalaki ay nambabastos o nagmamaliit sa babae.
☄️9. Ang babae ay wala nang nararamdamang pagmamahal sa lalaki at p**t na lamang ang umiiral, na maaaring humantong sa paglabag sa mga hangganan ni Allah.
☄️10. At iba pang lehitimong dahilan na kinikilala ng Shariah.
👉🏼Sinabi ni Imam Ibn Qudamah رحمه الل:
"Kapag ang babae ay humingi ng Ṭalaq nang walang sapat na dahilan, ito ay ḥaram."
👉🏼Sinabi ni Imam An-Nawawi رحمه الله:
"Sa hadith na ito ay malinaw ang pagbabawal sa paghingi ng diborsyo kung walang pangangailangan o pinsala."
👉🏼Sinabi ni Shiekh Al-Islam Ibn Taymiyyah رحمه الله:
"Hindi pinapahintulutan ang babae na humingi ng paghihiwalay sa kanyang asawa maliban kung hindi na naitatag ang mga hangganan ni Allah SWT sa pagitan nila."
👉🏼Sinabi ni Imam Ibn Al-Qayyim رحمه الله:
"Ang diborsyo ay ipinahintulot upang alisin ang pinsala, hindi upang sundin ang bugso ng damdamin o pagnanasa."
👉🏼Sinabi ni Shiekh Ibn Baz رحمه الله:
"Ang paghingi ng babae ng Ṭalaq (divorce) nang walang sapat dahilan sa Shar'iah ay kabilang sa mga ipinagbabawal."
👉🏼Sinabi ni Shiekh Ibn ʿUthaymīn رحمه الله:
'Kapag ang asawa ay tumutupad sa kanyang mga obligasyon, hindi pinahihintulutan ang babae na humingi ng diborsyo."
📍Ipinagbabawal ang paghingi ng Ṭalaq nang walang dahilan, pinapahintulutan lamang ito kung may sapat na sharʿi reason, dahil layunin ng Islam ang proteksiyon ng pamilya, hindi pagsira nito o pagkawatak-watak nito.
✍🏻Shaykh Salim Zailon