05/09/2026
PAHAYAG
05 September 2026
Nakipag-usap sa akin ang aking mga abogado at pinayuhan nila akong magpiyansa sa halip na manatili sa hiwalay na pagkakakulong habang nasa kustodiya ng pulisya.
Ipinaliwanag nila na mas maaari akong maprotektahan ng mga sibilyan na makakakita at makakapansin sa aking kalagayan, kumpara sa pananatili sa detensyon kung saan ako ay nakahiwalay at mas mahina ang proteksiyon.
Mula pa noong 2023 ay patuloy na ang panggigipit at pangha-harass na ito mula sa gobyerno. Hindi ko nararamdaman na ligtas ang aking ina at mga anak kung mananatili akong kasama nila, at labis akong nag-aalala para sa kanilang kaligtasan at kapakanan.
Ang aking pangamba ay siya ring pangamba ng nakararaming mamamayan. Hindi lamang kaligtasan ng kanilang pamilya, buhay at pagkatao ang kanilang ipinag-aalala, kundi pati na rin ang kanilang mga ari-arian at kabuhayan dahil sa kawalan ng sapat at tamang serbisyo publiko at talamak na kurapsyon.
Shukran
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines