16/11/2025
Salam everyone, hindi daw maganda magpost pag may kaaway tayo or may dinadamdam tayo. Kasi wala nmang may pakialam kundi ang mga marites lang.
Sa case ko, gusto kong magpost dito dahil hindi kona kaya. Sa tingin ng iba, maliit lang na problema, sa tingin ng iba walang kwenta peru para sayo na nakakaramdam nito parang hindi mona alam ang gagawin mo. Yung iba tinatawag itong stress, nagagalit dahil sa pagud, nagagalit kasi di makontento, para sa mga lalaking hindi kayang maramdaman ang nararamdam ng ibang tao. Its not about money, peru doon dumadaan kadalasan, bawal magtanong para sa mga taong walang tiwala, bawal magtanong para sa mga taong walang respeto, bawal magtanong para sa mga taong walang pakialaman sayo.
Matagal na akong nagtitiis, kahit masakit na, kahit unti-unti ng kinakain ng sama ng loob, kahit unti-unti ng nauubos pagkatao mo. Gusto kong kumawa peru hindi nangyayari, pag nandon na kmi sa puntong yun, lumalambot loob ko di ko lubos kayang isipin anung mangyayari sa mga anak ko. Sumasakit ulo ko. Parang sa isang iglap gusto ko ng mawala at lamunin na ng Lupa peru naiisip ko yung mga anak ko. naiisip ko paano cla pag nawala ako. Oo nanjan mga relatives ko, nanjan tatay nya, nanjan nanay ko. ending magtitiis ulit ako. Hihingi ng tawad para maging ok na lang kmi. masakit din sa akin na mawala xa kasi mahal ko xa, oo. peru anu gagawin ko sa paulit-ulit ng kumakain sa pagkatao ko. Nagwawala, parang sasabog ang ulo. Yung dibdib ko parang pinipiga.
Minsan gusto kong maghiwalay na kmi ng tuloyan baka sakaling mabawasan yung stress na nararamdaman ko. Baka sakaling maging masaya xa sa piling ng ibang babae at mawalan na din ako ng pinagkukunan ng sama ng loob. Hindi ko nga lubos akalain na dahil lang sa gusto kong maramdaman yung concern, yung hindi pagwawalang bahala, yung i acknowledge nya na nasasaktan ako na kunting hug at tapik lang, sabay sabing nandito ako para sayo. Kaya natin ito. Pery hindi yun ang nangyayari, mas nagagalit xa dahil nakita nyang nag eexplain n nman ako, naga yaw2x na nman ako.
Hindi kona alam ang gagawin ko. Baka sakaling may makatulong sakn dito. Wala akong mapagsabihan na makakaintindi sa akin dahil yung galit ko lang, ang mga sigaw ko lang nakikita nila, hindi ang nararamdaman ko.
Again pacnxa na kung dito ako naglabas ng sama ng loob dahil wala nmang may pakialam sa nararamdaman ko, peru baka sakaling meron dito.