12/10/2025
Operasyon Kontra Droga sa bayan ng Sultan Mastura, Nagresulta sa Pagkaka-aresto sa isang lalaki na Drug suspek!
Sultan Mastura, MDN – ARESTADO ang isang lalaki sa Isang matagumpay na operasyon kontra iligal na droga na ikinasa ng mga tauhan ng Sultan Mastura Municipal Police Station alas:8:30 ng gabi kahapon Oktubre 11, 2025, sa Barangay Tambo, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Ang ikinasang operasyong ay pinangunahan ni PCMS. Yasser E. Gumander, bilang Team Leader, sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ. Fhaeyd C. Cana, ang Chief of Police ng Sultan Mastura MPS, na nagbunga ng pagkakaaresto sa isang indibidwal na kabilang sa listahan ng mga bagong tukoy na sangkot sa iligal na droga.
Ang nahuling suspek ay kinilalang si Soraimen Konser Macaraid, lalaki, separated, 31-anyos, jobless, residente ng Barangay Tambo, Sultan Mastura MDN.
Nakumpiska mula sa pag-iingat at kontrol ng suspek ang:
- Isang (1) maliit na sachet ng transparent na plastic na heat-sealed, naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na tinatayang 0.05 gramo, na may tinatayang halaga sa merkado na ₱340.00;
- Dalawang (2) piraso ng gamit nang aluminum foil na may iba't ibang laki;
- Isang (1) disposable lighter na kulay berde na walang flame guard.
Ayon sa ulat ng Sultan Mastura MPS, agad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine at Anti-Torture Act, sa isang diyalekto na kanyang lubos na nauunawaan.
Kasalukuyang sumasailalim sa mandatory booking at drug testing ang suspek, habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay agad na ipapadala sa Regional Forensic Unit–BAR para sa masusing qualitative at quantitative examination.
Inihahanda na rin ang kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban sa suspek na naaresto.
Muling nananawagan ang Sultan Mastura MPS sa lahat ng mamamayan na patuloy na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon na makakatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
via|| Kasangga Jomar BigNews Ngayon Mindanao