DXRB 96.1 RADIO FM.

DXRB 96.1 RADIO FM. Kalayaan broadcasting system incorp.

30/10/2025

SALAM SUKRAN SA SUPORT NU KANU PAGE TANU.MAPIA KANU PANG SA MAGABI.

07/10/2025
MGA MATATAAS NA URI NG MGA BARIL MULA SA BAYAN NG UPI MAGUINDANAO DEL NORTE, ISINUKO SA MILITARIniprisinta ang mga isinu...
08/08/2025

MGA MATATAAS NA URI NG MGA BARIL MULA SA BAYAN NG UPI MAGUINDANAO DEL NORTE, ISINUKO SA MILITAR

Iniprisinta ang mga isinukong mga matataas na uri ng mga baril sa Militar mula sa bayan ng Upi sa ilalim ng programang ASPIRE, na ginanap sa bayan ng Upi, Maguindanao del Norte, ngayong araw ng Biyernes, August 8, 2025.

Ang pagsuko sa nasabing mga baril ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng mga residente at mga opisyal ng Barangay ng bayan ng Upi, Maguindanao del Norte.

Dumalo sa nasabing programa sina Upi Mayor Ma. Rona Cristina A. Piang-Flores, BTA MP Ramon A. Piang Sr., LTC Aeron T. Gumabao INF(GSC) PA ng 57th Masikap Battalion, mga kinatawan mula sa UNDP, mga Barangay opisyal at mga residente ng bayan.

Ang programang ASPIRE ay ipinopromote upang mabawasan at patuloy na maibalik o maisuko ang mga loose fi****ms sa gobyerno at magbigay ng suporta sa bawat indibidwal na kusang sumuko ng kanilang mga tinatagong baril.

Ang pagsuko sa Militar ng mga nasabing mga baril ay bahagi ng isang kampanya laban sa patuloy na paglaganap ng mga di-rehistradong mga baril sa rehiyon.

Ito ay isang hakbang patungo sa pagkamit ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon, pagpapakita ng pagtutulungan ng mga lokal na opisyal, mga residente, at ng militar upang sugpuin ang paglaganap ng mga di-rehistradong baril at pagtataguyod ng isang mapayapang komunidad..

SHARIFF AGUAK MAGUINDANAO DEL SUR MAYOR AKMAD MITRA AMPATUAN, BINISITA SA PAGAMUTAN SI FORMER BTA MEMBER AT UBJP TRADITI...
08/08/2025

SHARIFF AGUAK MAGUINDANAO DEL SUR MAYOR AKMAD MITRA AMPATUAN, BINISITA SA PAGAMUTAN SI FORMER BTA MEMBER AT UBJP TRADITIONAL LEADER KAGUI ANTAO MIDPANTAO MIDTIMBANG

LALAKI, PATAY SA PAMAMARIL SA BARANGAY LIBUTAN MAMASAPANO MAGUINDANAO DEL SUR.Patay ang isang lalaki sa panibagong kaso ...
29/07/2025

LALAKI, PATAY SA PAMAMARIL SA BARANGAY LIBUTAN MAMASAPANO MAGUINDANAO DEL SUR.

Patay ang isang lalaki sa panibagong kaso ng pamamaril sa bahagi ng Barangay Libutan, Mamasapano, Maguindanao del Sur, nito lamang pasado alas 9:00 ng umaga araw ng Martes, July 29, 2025.

Kinilala ang biktima sa pangalang Sadam Kasan Zangkala, residente ng nasabing Barangay sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao del Sur.

Ayon sa report, nakatayo lamang ang biktima sa lugar, ng lapitan at walang awang pinagbabaril ng dipa matukoy na salarin.

Nagtamo ng ilang mga tama ng bala sa kanyang katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa posibleng motibo at pagkakakilanlan ng nasabing salarin. || Via Nouraima Salik Lalaog

BARMM CHIEF MINISTER ABDULRAOF MACACUA AT 24 MAYORS NG MAGUINDANAO DEL SUR, KASALUKUYANG NAGPUPULONG SA 6ID HEADQUARTERS...
21/07/2025

BARMM CHIEF MINISTER ABDULRAOF MACACUA AT 24 MAYORS NG MAGUINDANAO DEL SUR, KASALUKUYANG NAGPUPULONG SA 6ID HEADQUARTERS UPANG PAG-USAPAN ANG SECURITY, PEACE AND ORDER SA BARMM.

Address

DAtu Saudi Ampatuan
Cotabato City

Telephone

+639068440781

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXRB 96.1 RADIO FM. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DXRB 96.1 RADIO FM.:

Share